Chapter 7.2: Childhood Friends (4/27/2020)

7.9K 189 1
                                    

Chapter 7.2: Childhood Friends (4/27/2020)

Written By: Felix Alejandro

LUMIPAS PA ANG TATLONG ARAW...

NANG dahil sa pamimilipit nila ay nagkaroon na rin sa wakas ng lakas ng loob si Arturo na lumapit kay Julia. Halos manginig-nginig pa ito, isang araw na nasa break sila ng 30 minutes.

Nasa bench ng gym malapit sa isang puno nakaupo si Julia. Nakaharap sa face powder nito at abalang-abala sa pagpapaganda.

"H-Ha-Hi, Julia. Pwede ba kitang m-makausap?" Nabubulol na tanong ni Arturo.

Sinara naman ni Julia ang face powder nito at nag-angat ng tingin kay Arturo.

"Hi!" Sabi naman ni Julia at binigyan ng plastik na ngiti ang nag-aayos pa ng salamin na si Arturo.

Bigla namang namula ang mukha ni Arturo nang masilayan nito ang ngiti ng napakasexy at napakagandang babae sa kanyang harapan.

"Na... Natatandaan mo pa ako?" Bulol pa rin na tanong ni Arturo. Hindi na kasi nila kaklase si Julia dahil iregular ito. Sa isang subject lang nila ito naging kaklase noong last sem at naibagsak pa nito kaya ngayon ay irregular na ito.

Parang saya-saya tingnan si Arturo. Parang hindi pa rin ito makapaniwala na kausap na nito si Julia.

Si Nina naman ay naguguluhan. Hindi niya alam pero parang nakakaramdam siya ng lungkot. Bakit parang hindi siya natutuwa sa nangyayari? Hindi ba dapat ay masaya siya para sa kaibigan lalo pa ngayon at mukhang mabait naman si Julia rito?

"Oo naman. You are Arturo, right? Bakit naman kita makakalimutan e, magkaklase tayo sa literature last sem?" mapang-angkit na tanong nito.

"Actually, we are more than that, Julia. I don't know if you can still remember me because I almost forgot about it as well pero ang totoo kasi niyan, naging magkalaro tayo noong mga bata pa lang tayo. Naalala mo ba yung playground sa Saint Mapua? Palagi kang nagpupunta roon noon ng mag-isa at ako ang nakakalaro mo. Ang tawag mo sa akin noon ay Piggy, natatandaan mo ba?" Halatang kinakabahan pa rin si Arturo habang nagsasalita pero nag-improve na kahit papaano ang tinig nito. Mukhang nagkaroon ito ng lakas ng loob ng ngitian ito ni Julia.

Tila nag-isip naman ang babae hanggang sa magliwanag ang isip nito. "Now I remember you! Ikaw iyong matabang batang lalaki noon na punong-puno ng cholestarol ang mukha! Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon. Ang weird at ang baduy mo pa rin kung manamit!" Saka nito tinitigan mula ulo hanggang paa si Arturo.

Si Arturo naman ay parang hindi nakaramdam na ininsulto na ito ni Julia. Sa totoo lang, parang mas siya pa ang nasaktan para rito.

Bakit ganoong magsalita si Julia?

"Anyway, I can still remember why I called you Piggy at that time. It's because you're always giving me a piggy ride and I appreciate that." Tila bumawi si Julia sa insensitive remarks nito na lalo lang nakapagpangiti ng maluwag kay Arturo.

At siya, hindi na niya maintindihan kung bakit parang may tumutusok na karayom sa dibdib niya habang tinitingnan si Arturo na parang masayang-masaya habang kausap ang crush nito. What is happening to her? Para bang gusto niyang hilahin palayo si Arturo kay Julia.

Umiling siya. She can't be selfished. Arturo likes Julia and she need to support him.

Pagkatapos ng sandaling pag-uusap na iyon ay itinuon na ulit ni Julia ang pansin nito sa nagbabasketball na si Bryan. Ang manliligaw niya noon na parehas na gusto nina Bhecky at Julia. Binasted niya noon si Bryan dahil hindi niya gusto ang ugali nito. Lalo pa at katulad ng grupo nina Bhecky ay minamaliit din nito sina Patty at Arturo.

"Go Bryan! Kaya mo 'yan!" Pagchi-cheer ng babae sa lalaki na halatang kinikilig. Tuluyan na nitong nakalimutan na kausap pa nito si Arturo.

Nahiya na rin siguro si Arturo na kunin ulit ang atensyon ni Julia kaya iniwan na nito ang babae at bumalik na sa tabi nila.

"Narinig n'yo ba yung napag-usapan namin? Kilala pa niya ako at naappreciate niya raw iyong pagbubuhat ko sa kanya noong mga bata pa lang kami. Hayy... Grabe, ang ganda talaga ni Julia..." Tila nananaginip pa rin si Arturo nang tumabi sa gitna nila ni Patty.

"Yeah, and we also heard her say na punong-puno raw ng cholestarol ang mukha mo, baduy at weird ka raw noong bata pa kayo at wala ka raw pagbabago hanggang ngayon! 'Yung totoo, Arturo? Paano mong nagustuhan ang babaeng katulad niyan?" sukang-suka na tanong ni Patty.

"Magtigil ka nga, Patty. Mabait si Julia noong mga bata pa lang kami at mabait pa rin siya hanggang ngayon. Naniniwala ako sa kanya. 'Di ba, Nina?" Binalingan siya ng tingin ni Arturo.

Medyo nagulat naman siya dahil namalayan niya ngayon lang na nakatitig na pala siya rito kanina pa!

"Ah, oo. Tama. Lahat naman ng tao ay may mabuting bagay tungkol sa kanila, Patty. Kung may nakikitang maganda sa kanya si Arturo, sa tingin ko ay dapat na suportahan na lang natin siya." Hindi niya alam kung nagmukha bang sincere ang sinabi niya dahil kahit sa sarili niya ay parang nagsisinungaling siya. Talagang hindi na niya gusto ang bagay na gumugulo sa puso at isipan niya.

"Thanks, Nina. Kahit kailan ay mabuti ka talagang kaibigan," nakangiting sabi ni Arturo sa kanya.

Ngumiti na lang siya ng matipid. Pilit na tinatago ang lungkot sa kanyang mga mata. Kung anuman ang nararamdaman niya ngayon ay sana dulot lang ng pagod. Hindi niya gustong isipin na nalulungkot siya tungkol sa isang bagay na nakakapagpasaya sa kaibigan niya... 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon