Chapter 1.2: Adoption (4/16/2020)

18.2K 360 4
                                    

Chapter 1.2: Adoption

Written By: Felix Alejandro

LUMIPAS pa ang ilang buwan at nalaman na rin nila kung sino ang mga magulang ng bata sa tulong na rin ng DSWD. Napag-alaman nila na lulong sa droga ang totoong ama nito at nahulihan ng drugs kaya nakakulong. Ang ina naman nito ay mahirap pa sa daga. Nagmakaawa ang ina nito na huwag itong ipakulong dahil nagawa lamang daw nito iyon nang dahil sa kahirapan at wala raw itong pambili ng gatas. Pumayag ang ina ng baby na ampunin nila ang bata kaya naman nagkaroon sila ng kasunduan na sila na ang magiging magulang ng bata. Pumayag naman ang DSWD dahil sa tingin ng mga ito ay iyon ang makabubuti para sa bata.

Napakausapan naman nila ang mga tauhan sa mansyon na ilihim sa baby ang totoo na hindi ito totoong parte ng pamilya. Nakaintindi naman ang lahat sa sitwasyon kahit pa ang mga batang sina Ivan at William.

---------------

PAGKALIPAS NG SAMPUNG TAON...

Lumaking masayahin at malambing si Nina kaya naman lalo lamang itong minahal ni Wilma.
Madalas pa nga kung tabihan ni Wilma si Nina sa pagtulog at lahat ng gusto ng bata ay ibinibigay nito.
Si Alaric na dati ay hindi sang-ayon sa pag-ampon kay Nina ay siya pang nangunguna sa pagbibigay ng pagmamahal sa bata ngayon. Nakukuha rin ito sa mga lambing ni Nina.

Nanatiling lihim kay Nina ang tungkol sa pagkatao nito at wala itong kamalay-malay na ito ay isang ampon.

Samantala, sa kabila ng matinding pagmamahal ng mag-asawa kay Nina ay nanatili namang mailap sina William at Ivan dito.

Katulad ni Nina ay masayahing bata rin si Ivan pero tila ba wala itong pakialam sa nakababatang kapatid. Dahil teenager na ay napapabarkada ito kaya tila ba wala itong interes ni katiting para maging kuya ni Nina. Si William naman ay parang may sariling mundo na palaging nagkukulong sa kwarto nito at walang ibang inatupag kundi ang pagpipinta lang.

Ayon sa mga doktor ay may mild autism si William na nakuha nito simula noong ito ay malumpo. Bago pa nila maampon noon si Nina ay nakaranas sila ng car accident. Doon nawalan ng kakayahan si William na maglakad. Sabi ng mga doktor, may pag-asa pa naman daw na makalakad si William dahil magaling at pantay na ang mga buto nito pero tila isang psychological factor kaya hindi na ito makalakad muli. Iyon ay marahil daw sa trauma na naexperience nito noong naaksidente sila.

Lumaking walang kalaro si Nina kundi si Wilma. Wala kasing masyadong bata sa lugar nila at ang iilang bata na naroon ay naiilang pang makipaglaro rito dahil sila ang pinakamayaman sa lugar na iyon. Minsan ay naaawa na rin siya sa bata dahil kahit na kinukulit, nilalambing at nilalapitan nito ang mga 'kapatid' ay nababalewala lamang ito nina William at Ivan.

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon