Chapter 10.1: "Ivan's Plan." (5/5/2020)

7.6K 166 3
                                    

Chapter 10.1: "Ivan's Plan."

Written By: Felix Alejandro

KASALUKUYANG NASA resort ngayon si William para sa isang out of town meeting kasama ang mga business partners niya. Kakatapos lang ng meeting nila at ngayon nga ay naroon na siya sa kwarto ng hotel at nagpapahinga.

Nakaupo siya roon sa swivel chair habang umiinom sa isang kopita ng alak at nakatingin sa labas ng glass window ng hotel. He is currently on the 12th floor kaya naman kitang-kita niya ang magandang tanawin mula sa labas. Malapit ng maggabi pero may liwanag pa naman. Napakasarap tingnan ng asul na dagat mula sa labas.

He is the CEO of dela Vega empire kaya halos lahat ng materyal na bagay ay nakukuha niya. Ang mga babae na rin mismo ang lumalapit sa kanya para magpa-impress sa kanya but he never had a girlfriend. Iyon ay dahil malinaw naman sa kanya kung sino ang gusto niya simula pa lang noon. Walang iba kundi ang babaeng inampon ng mga magulang niya. Si Nina.

Yes, he is in love with her. Matagal na. Bakit nga namang hindi? Si Nina ang dahilan kung bakit siya nakalakad muli. Ang walang kulay na buhay niya noong teenager pa lang siya ay nagkaroon ng kulay simula noong kulitin siya nito na maglakad noon. Utang niya kay Nina ang lahat ng mayroon siya ngayon dahil kung hindi dahil dito, baka ni hindi niya na niya ginusto pang lumabas ng bahay. Ito ang nagbibigay ng liwanag at kulay sa buhay niya, ni hindi nga niya yata kakayaning mabuhay ng wala ito.

Pero kahit na gaano pa niya kamahal si Nina, may isang tao siyang kakilala na sigurado siyang hindi nalalayo sa nararamdaman niya para rito. Walang iba kundi ang kapatid niyang si Ivan na sa tingin niya ay katulad niyang may obsession na rin kay Nina.

"I don't care about that, William. She's mine. Hindi ako makapapayag na agawin siya sa akin ng iba kahit pa na ikaw na kapatid ko."

Nagbalikan sa isipan niya ang sinabi ni Ivan tatlong araw na ang nakakalipas. Alam niya na desidido si Ivan na makuha si Nina sa kahit anumang paraan kaya alam niya na mahihirapan siya rito. Alam niya na umalis si Ivan noon para kalimutan si Nina but unfortunately ay hindi nito nagawa kaya bumalik na lang ito. Kitang-kita sa mga kilos ni Ivan na gustong-gusto na nitong sabihin kay Nina ang totoo na hindi nila ito kapatid pero nagpipigil lang ito alang-ala sa mga magulang nila. At alam niya na ang taong nagpipigil sa nararamdaman nila ay parang nahihibang na bigla na lang magwawala kapag nagkaroon ng pagkakataon. Alam niya na may plano si Ivan sa pagbabalik nito kaya naman pilit niya itong pinasundan at pinaimbestigahan sa isang private investigator.

Maya-maya lang ay nagring ang cellphone niya. Ang tawag ay nagmula kay Mr. Cruz. Ang private investigator na inupahan niya para mag-imbestiga kay Ivan.

"Tama ang hinala ninyo, Mr. de La Vega, si Ivan de La Vega na kapatid ninyo ay hindi na ni-renew ang kontrata niya sa Alejandro Entertainment. Magta-tatlong buwan na siyang freelance. At ngayon lang ay natuklasan ko na inayos na pala niya ang passport niya at ni Lady Nina. Plano niyang umalis ng Pilipinas kasama si Lady Nina at bukas ng umaga na ang flight nila—"

"Are you saying na planong itakas ng magaling kong kapatid si Nina?!" Hindi makapaniwalang sabi niya na pinutol pa ang sinasabi ng private investigator.

"Parang gano'n na nga ho--"

"Ano'ng oras ang flight nila?" muling pagputol niya sa sasabihin pa sana nito.

"Alas kwarto ng madaling araw po, Mr. de La Vega."

Nang marinig ang sinabi nito ay agad na niyang pinatay ang cellphone at pagkatapos ay tumayo saka kinuha ang jacket niya sa isang silya na naroon. Kinuha na niya ang ilan pang mga gamit saka nagmamadaling bumaba ng building saka sumakay ng kotse niya.

Kailangan niyang pigilan ang gagawin ni Ivan na pagtakas kay Nina!

Malapit nang magtakip-silim at malayo ang kinaroroonan niya ngayon sa Maynila. Hindi niya alam kung makakarating siya sa Maynila bago mag-umaga dahil sa traffic pero kailangan niyang magmadali dahil kung hindi ay baka tuluyan nang maitakas ni Ivan si Nina. Napapahigpit pa ang hawak niya sa manibela ng sasakyan habang nagdadrive. Hindi siya makapapayag na solohin ni Ivan si Nina. Dadaan muna ito sa ibabaw ng bangkay niya bago pa nito mailayo si Nina sa piling niya!

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon