Chapter 12.1: Family Bonding
Written By: Felix Alejandro
NATULOY sa pagsama si Nina sa pagsa-shopping kasama sina Wilma at Alaric. Masayang-masaya si Nina dahil simula ng magdalaga siya ay bihira na silang mamasyal na mag-ina dahil naging busy na rin siya sa School. Maraming pinamiling mga damit para sa kanya si Wilma. Ngayon nga ay naroon sila sa sea side ng SM Mall of Asia at kumakain ng hotdog. Nagpapahinga lang sila roon dahil napagod sila sa kakalakad at kakabili ng kung ano-ano.
"Masaya ka ba, anak?" Pinisil ng Mama niya ang pisngi niya.
"Oo naman po. Masaya akong makadate kayo ni Papa!" sabi niya.
"Date, date ha! Alam mo na ngayon ang date, hindi katulad noong bata ka pa lang. Tell me, sweetie, naranasan mo na bang makipagdate?" panunudyo ni Wilma sa anak.
Napatingin naman dito si Alaric pero hindi nagsalita at naghihintay din sa sasabihin ni Nina.
"No boyfriend since birth pa po ako, Mama! Wala pa po sa isip ko ang gano'n!" Namumulang sabi ni Nina.
"Sure ka ba, Nina? Pero wala ka man lang bang nagugustuhan ngayon na kahit na sino? Sa School ninyo? Wala ka bang nagiging crush?"
Mas lalong namula ang mukha ni Nina dahil sa tanong ng ina. Lalo pa at pumasok sa isipan niya si Arturo.
"Crush? Sa tingin ko po, medyo," pag-amin niya sa ina.
Nanlaki naman ang mga mata ni Wilma. Ganoon din si Alaric na napatingin ng mariin sa anak-anakan.
"May crush ka na, Nina? Ano'ng klaseng lalaki siya? Baka naman boyfriend mo na 'yun, ah." Ang tahimik lang kanina na si Alaric ay nagsalita na rin. Lumabas ang pagiging over protective sa anak.
Mas lalong pumula ang mukha ni Nina at saka siya umiling ng mariin.
"Hindi ko po siya boyfriend, Daddy! Ang totoo nga niyan ay wala nga siyang gusto sa akin, may iba siyang crush sa School. Isa pa, kahit na crush ko siya, wala naman sa isip ko na makipagboyfriend dahil nangako po ako sa inyo ni Mama na mag-aaral muna ako bago makipagboyfriend. Syempre, tutuparin ko 'yon, 'no!" pagtanggi niya.
Para namang nakahinga ng maluwag ang mag-asawa.
"Kung ganoon, pwede ko bang malaman kung ano ang tipo ng lalaki na nagugustuhan ng unica hija ko? Tell me, gwapo ba siya? Mas gwapo ba sa mga kuya mo?" panunudyo ni Wilma.
"Syempre mas gwapo pa rin po sina Kuya. Pero hindi naman po kasi pisikal na itsura ang nagugustuhan ko sa isang lalaki, Mama. Mabait po si Arturo, considerate siya, matiyaga at napakatalino pa. Kahit na madalas siyang binubully sa School namin ay hindi siya pinanghihinaan ng loob at pumapasok pa rin siya. Ni hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob sa kapwa niya. Sa totoo lang, niloko nga siya ng babaeng gusto niya sa School pero ni hindi man lang siya nagalit. Ni hindi rin siya nawalan ng gana sa babaeng iyon. Ang ibig sabihin lang no'n ay tunay siya kung magmahal. Sa tingin ko, iyon ang mga bagay na mas nakakapagpaangat sa kanya kumpara sa ibang lalaki."
Nagkatinginan sina Alaric at William dahil kitang-kita sa mga nagningning na mga mata ni Nina na talagang may gusto nga ito sa Arturo na tinutukoy nito. Hindi lang siguro nito napapansin pero kitang-kita nila iyon sa pamamaraan kung paano nitong ikinukuwento ang lalaki.
"O siya, sige, naniniwala na ako na mabuti nga siyang lalaki, Nina. Pwede mo ba akong samahan sa CR, anak at naiihi na ang Mommy mo?" sabi na lang ni Wilma na tumayo na mula sa kinauupuan nilang upuan.
"Sure, Mommy!" nakangiting sagot naman ni Nina.
"Alaric, honey, dito ka na lang muna, ha? Iihi lang kami ni Nina. Sarado ang CR sa ibaba ng escalator kaya aakyat na lang muna kami at titingnan kung may CR do'n sa kabila. Maghintay ka na lang dito," sabi ni Wilma.
"No problem," sabi naman ni Alaric.
----------------------
NAGHINTAY lang sa labas ng female's restroom si Nina dahil hindi naman siya naiihi. Nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kanya papaalis sa restroom. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na si William iyon!
"Kuya William!"
"Let's just get out of here," sabi nito habang naglalakad sila palayo sa female's restroom.
"Pero paano sina Mama?"
"Don't worry, I'll just text them later. I just want to be with you. Alone."
Nagtataka man kung bakit at kung saan sila pupunta ay sumama na lang siya kay William dahil mukhang wala rin ito sa magandang mood.
Agad siyang sumakay sa kotse na dala nito nang igiya siya nito papunta roon.
"Kuya, bakit ba tayo umalis doon?" Hindi na siya nakatiis nang hindi magsalita si William.
Muling hindi sumagot si William. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kapatid. Tahimik ito at hindi makwentong tao. Bumuntong-hininga na lang siya at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Kung saan man siya dadalhin ni William ay bahala na ito.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...