Chapter 4.3: Just Get Lost! (4/23/2020)
Written By: Felix Alejandro
"ANG SAYA KO, Kuya, hindi ko akalain na ipapasyal mo ako. Ito ang unang beses na lumabas tayo na magkasama!" Tuwang-tuwa si Nina kinabukasan nang niyaya niya itong lumabas. Maging ang Mama, Papa at Kuya William niya ay naging masaya rin nang malaman na niyayaya niyang umalis si Nina kanina.
"Gusto ko lang makabawi sa 'yo, Nina. Niregaluhan mo ako kagabi, hindi ba? Pwes, ito naman ang regalo ko para sa 'yo. Iyong magbonding naman tayo," nakangising sabi niya.
"Salamat, Kuya Ivan!" Hinalikan siya ni Nina sa pisngi niya kaya napahigpit ang hawak niya sa manibela.
Lapastangan. Sino ito para magbigay ng uncomfortable feeling sa kanya? Kailangan na nitong mawala...
"Kuya? Bakit parang ang tagal yata ng byahe? Saan ba tayo pupunta?" Pagkalipas ng dalawang oras na byahe ay nakaramdam na ng pagkabagot si Nina.
"Pupunta tayo sa isang lugar kung saan wala nang makakakita pa sa 'yo," pabulong na sabi niya.
"Ha? Ano 'yon, Kuya?"
"Wala. Ang sabi ko, pupunta tayo sa isang lugar kung saan mag-eenjoy ka," nakangising sabi niya.
Lalo lang lumaki ang ngiti ni Nina. "Salamat, Kuya ha? Masayang-masaya ako at mukhang okay na tayo. Dati kasi ay medyo natatakot ako sa 'yo dahil palagi mo na lang akong pinapagalitan. Pero ngayon ay napatunayan ko na mabait ka naman pala talaga!"
He just pat her head and then smiled at her.
"Don't mention it, Nina. Malapit na tayo sa pupuntahan natin."
MAKALIPAS ANG isang oras ay narating din nila ang dapat nilang puntahan. Ang Isla Santiago. Isang malaking beach pero kaunti lang kadalasan ang tao. Nadiskubre niya ang lugar na iyon noon nang dahil sa ex-girfriend niya na mahilig magtravel.
"Wow! Ang ganda naman dito, Kuya pero bakit hindi mo naman sinabi sa akin na sa beach tayo pupunta? E 'di sana ay naihanda ko ang swim suit ko. At sayang naman, Kuya, wala sina Mama, Papa at Kuya William!" masayang sabi ni Nina habang nakatitig sa asul na dagat.
"Huwag mo na muna sila isipin. Ikaw lang talaga ang gusto kong makasama ngayon dahil gusto ko na makapagbonding tayo. O paano, gusto mong lumangoy? Ibibili lang kita ng swimsuit saglit. Dito ka na lang muna, ha?" nakangising sabi niya.
"Sige, Kuya! Aantayin kita rito, ha!" Umupo sa isang puno si Nina para hindi ito mainitan sa paghihintay sa kanya.
Iyon na ang ginamit niyang pagkakataon para sumakay sa kotse niya. Pinaandar niya iyon ng mabilis paalis sa resort.
Dahil 10 year old pa lang si Nina ay pinagbawalan ito ng Mommy nila na gumawa ng kahit ano'ng social media accounts para protektahan ang privacy nito. Kaya hindi ito makakahingi ng tulong para hanapin ang mga magulang, si William at siya. Ang buong pamilya nila ay mga pribadong tao at tanging siya lang ang may social media account. Nasisiguro rin niya na kahit ang phone at cellphone number ng kahit sino sa pamilya ay hindi rin alam ni Nina dahil hindi naman nagkaroon kahit kailan ng pagkakataon para kailanganin nito iyon kaya ngayong iniwan niya ito sa resort ay hindi na ito muli pang makakauwi sa kanila.
Maging ang address nila ay hindi nito alam dahil bagong lipat lamang sila sa mansyon na binili ng mga magulang. Lumipat sila one month ago dahil nangangamba ang Mommy nila na baka bigla na lang kunin si Nina ng totoo nitong mga magulang kaya gusto nitong itago ang ampon.
Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na magkakaroon siya ng lakas na loob na iwala si Nina at ngayon lang nangyari iyon. Sawang-sawa na siya na ang atensyon ng lahat ay na kay Nina na lang palagi. Bukod doon, hindi niya gusto ang mga kakaibang emosyon na nararamdaman niya kapag malapit lang ito. She hates her at ayaw niyang mapalapit dito kahit na kailan.
Medyo malayo na siya at maggagabi na nang biglang umulan. Hindi tuloy niya maiwasang hindi maisip si Nina. May nakakita na kaya rito at may nag-ampon ng bago? Pero paano kung wala? Paano kung hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ito sa gilid ng puno?
Napailing siya. Napakaimposible naman yata na hindi umalis sa spot na 'yun si Nina kahit gaano pa ito katanga lalo na ngayon na napakalakas na ng ulan. Tama. Hindi niya kailangang mag-alala.
Lumipas pa ang ilang minuto ay parang kinukutkot pa rin ang puso niya ng kunsensya. Hindi maalis sa kanya ang masayang mukha ni Nina kanina.
Ang saya ko, Kuya, hindi ko akalain na ipapasyal mo ako. Ito ang unang beses na lumabas tayo na magkasama!
Nagbalik sa isipan niya ang sinabi nito. Tama ito, iyon nga lamang ang unang pagkakataon na tinangka niya na makipag-'bonding' dito pero iniwan pa niya ito. At dahil sa hindi na sila magkikita pa kahit na kailan ay hindi na sila muli pang magkikita...
Kuya! I love you!
Bigla niyang naihinto ang pagpapatakbo ng sasakyan nang bigla namang magflashback sa isipan niya iyong sinabi nito noong birthday niya bago ito umakyat noon sa hagdan. Sinabi nito na mahal siya nito pero ano'ng ginawa niya? Pilit niya itong tinataboy.
Ano bang klaseng tao siya? Kahit kailan naman ay walang ginawang masama sa kanya si Nina. Inosente itong bata at walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang siya pero ngayon ay iniwala pa niya ito?
Naipukpok niya ang kamay sa manibela ng sasakyan. Isa siyang malaking gago! Hindi kasalanan ni Nina kung mahal ito ng lahat ng myembro sa pamilya nila dahil masayahin ito, mabait at palaging iniisip ang bawat isa sa kanila. Hindi katulad niya na walang ibang inisip kundi ang sarili lang niya.
Hindi na siya nagdalawang isip pa. Pinaandar niya ang kotse pabalik sa resort. Halos nanginginig pa ang kamay niya dahil malakas na ang ulan at nag-aalala siya na baka may mangyaring masama kay Nina. Huwag naman sana na may mangyaring masama kay Nina dahil hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon!
Halos paliparin niya ang sarili nang marating ang resort sa wakas. Agad siyang lumabas ng kotse at binalikan ang pwesto kung saan niya iniwan si Nina kanina at hindi nga siya nagkamali dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin si Nina at basang-basa na ito ng ulan! Hapon niya iniwan si Nina roon at ngayon ay alas diyes na ng gabi!
"Nina!" Tinawag niya ang pangalan nito at nangilid ang luha sa mga mata niya nang makita kung gaano kamiserable ang anyo nito ngayon. Parang anumang minuto ay matutumba na ito dahil sa sobrang lamig, gutom at pagod!
Hindi na siya nakatiis at sinugod na niya ito ng yakap na mahigpit na mahigpit.
"Patawarin mo ako, Nina! Patawarin mo ako!" umiiyak na sabi niya.
"Kuya—" Gulat na gulat si Nina sa reaksyon niya.
"Bakit hindi ka umalis dito? Ang lakas na ng ulan!" Nang maghiwalay sila ng yakap ay natanong niya rito.
Doon na biglang nalungkot ang mukha nito at katulad niya ay umiyak na rin.
"Natatakot kasi ako na baka may nangyari na sa 'yo, Kuya o kaya baka hindi mo ako makita kapag umalis ako. Kaya mas pinili kong maghintay dito para mabilis mo akong makita," paliwanag nito.
Natigilan siya. Ni hindi man lang ba ito nagduda na sinadya niyang iwan ito?
Umiling siya. "Sinadya ko na iwan ka, Nina. Iyon ang totoo. Galit ako sa 'yo dahil na sa 'yo palagi ang atensyon nina Mama at Papa at pati si Kuya William ay nahulog na rin ang loob sa 'yo. I'm just a selfish jerk na hindi deserve ang pag-aalala mo. I know that I'm a bad brother, Nina. You are free to curse me, hurt me or do anything that you want because I deserve it. I'm really sorry!" Habang sinasabi iyon ay muli na naman siyang umiyak.
Tinitigan lang siya ni Nina pagkatapos ay bigla na lang nitong hinaplos ang mukha niya saka siya nginitian.
"But you came back from me, Kuya Ivan. It only means na hindi mo rin ako kayang tiisin, hindi ba? Alam ko lang na ayaw mo lang aminin sa sarili mo pero mahal mo rin ako bilang kapatid mo and I'm really happy na napatunayan ko nga iyon ngayon. Thank you, Kuya Ivan..."
Sa pagkakataong ito ay si Nina na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Muli na naman siyang natigilan at pagkatapos ay muli na namang umiyak habang niyayakap si Nina nang mahigpit.
Ah, tama na ang panahon ng pagpapanggap. Now he can finally admit to himself that he really loves Nina. Wala na siyang pakialam ngayon kung saan man nagmula si Nina o kahit sino pa ito. Wala na siyang pakialam sa pride niya dahil mula ngayon ay tatanggapin na niya si Nina nang buong-buo!
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...