Chapter 13.1: Lamay (05/12/2020)

5.9K 152 0
                                    

Chapter 13.1: Lamay
Written By: Felix Alejandro

ISANG MALAKING DAGOK sa pamilya dela Vega ang nangyari. Sina Alaric at Wilma na papauwi na sana mula sa pagsa-shopping nila kasama si Nina ay binawian ng buhay nang dahil sa isang aksidente.
Hindi makapaniwala sina Nina, William at Ivan na sa isang iglap lang ay mawawala ng sabay ang kanilang mga magulang.
Noong mga sandaling iyon ay nakatayo silang tatlo sa harap ng puntod ng mga magulang habang pare-parehas na tahimik lang na umiiyak. Nakiramay din sa kanila ang mga piling kaibigan ng kanilang pamilya. Si Ivan naman ay hindi pinaalam sa publiko ang pagkamatay ng kanyang mga magulang kaya walang media na naroroon. Magiging tahimik at pribado ang lamay sa kanilang pamilya.
Napalingon si Nina sa bungad ng pintuan ng mansyon nila nang makita niya sina Patty at Arturo. Ang tanging mga kaibigan na inimbitahan niya na pumunta sa lamay ng mga magulang.
"Kuya Ivan, Kuya William, pupuntahan ko lang muna ang mga kaibigan ko, ha?" Agad na pinunasan ni Nina ang luha sa kanyang mga mata saka umalis sa harap ng kabaong ng mga magulang.
Naiwan sina Ivan at William na malungkot pa rin sa pagkawala ng mga magulang.
"Ano na ang gagawin natin ngayon, ha, Kuya William? Kakayanin ba natin ito? Na wala na sina Mama at Papa..." Si Ivan na kadalasan ay wala sa bahay at nagawang mabuhay ng dalawang taon na hiwalay sa kanila ay kinukuwestiyon ngayon ang sarili kung kaya na ba nitong mag-isa. Ngayon lang narealize ni Ivan na sana pala ay hindi niya sinayang ang mga panahon na maaari pa niyang makasama ang kanyang mga magulang.
"Wala tayong choice, Ivan. Kailangan nating maging malakas para kay Nina..." sabi na lang ni William na katulad ni Ivan ay tahimik lang din na umiiyak.

-----------

"I'M SORRY about your lost, Nina. Ngayon lang namin nabalitaan," sabi ni Arturo nang salubungin niya ang mga ito sa pintuan ng Funeraria. Naupo sila sa mga silya na naroon.
"Kung hindi pa namin tinanong si Sir Rivera ay hindi pa namin malalaman na namatayan ka pala. Hindi niya sinasabi sa buong klase," sabi naman ni Patty.
"Pasensya ka na at hindi ko kayo nasabihan. Ako rin ang nagsabi kay Sir na huwag nang ipaalam sa lahat kung ano ang nangyari, e. Gusto kasi ng mga kapatid ko na kaunti lang ang pumunta sa lamay ng mga magulang namin para magkaroon daw ng kapayapaan at katahimikan," halos pabulong na sabi ni Nina.
"Ayos ka lang ba, Nina? Kung kailangan mo ng makakausap ay narito lang kami. Kung gusto mong umiyak, handa kaming yakapin ka." Hinawakan ni Arturo ang kamay niya.
Lingid kay Nina ay napalingon naman sina Ivan at William na nakita pa ang paghawak ni Arturo sa kamay niya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Patty si Ivan na ngayon ay nakatingin na rin sa kanila.
"Wait, friend, hindi ba ako namamalik-mata? Si Ivan dela Vega ba iyong nakatingin dito? Siya ba iyon, friend?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Patty. Para ngang pinipigilan lang nitong mapatili dahil hindi naman appropriate kung gagawin nito iyon gayong nasa lamay sila.
Bumuntong-hininga siya. "Pasensya na kayo kung hindi ko sinabi agad sa inyo pero si Ivan dela Vega ay kapatid ko. Nawala siya ng dalawang taon sa bahay namin dahil pumasok siya sa showbiz. Iyong katabi naman niyang lalaki ay si Kuya William. Kapatid ko rin..." pag-amin na niya.
"Bakit hindi mo sinabi agad, friend? Alam mong hirap na hirap akong kumuha ng mga concert ticket niya noon, halos mabaliw-baliw ako sa kanya tapos kapatid lang pala niya ang bestfriend ko?!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Patty.
"Patty, hindi ito ang panahon para sa ganyan, tandaan mo, namatayan ng mga magulang si Nina," pagsasaway ni Arturo sa kabila ng shock. Hindi nito akalain na sobra pala talagang laki ng agwat ng buhay nila ni Nina pagdating sa buhay. Isang celebrity ang kapatid nito at ang isa pa nitong kapatid ay mukhang hindi rin pahuhuli pagdating sa achievements.
"Tama ka, Arturo. Pasensya ka na, Nina. Kung normal na pagkakataon lang siguro ito ay baka nagpa-autograph na ako kay Fafa Ivan pero nandito ako para makiramay sa 'yo. Nandito lang kami para sa 'yo, friend..." sabi naman ni Patty.
Ngumiti siya ng tipid. "Wala 'yon," matipid na sabi niya.

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon