LUMIPAS pa ang ilang buwan at unti-unti na ring nakalakad si William sa wakas. Ang dating binatang walang confident sa sarili nito ay unti-unting nagkaroon ng tiwala sa sarili at naging masayahin. Nagkaroon na rin ito ng maraming kaibigan, hindi katulad noon na iniiwasan ito ng mga kaedad nito.
Nagulat si Nina nang biglang may humawak sa balikat niya habang nasa kusina siya at naghahanda ng buko salad para sa lahat. Ang ama pala niyang si Alaric.
"Nina, anak. Gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo," nakangiting sabi nito.
"Para po saan, Daddy?" nagtatakang tanong niya.
"Dahil hindi ka sumuko kay William tulad ng ginawa namin noon ng Mommy mo. Dahil sa 'yo kaya napilitin siya na tulungan ang sarili niya. Kung tutuusin, ako ang may kasalanan kaya siya nalumpo noon dahil ako ang nagmamaneho ng sasakyan noong naaksidente kami kaya ako rin dapat ang unang nagpursige na iinspire siya na maglakad ulit pero nang makita ko na sinukuan na niya ang sarili niya ay sumuko na rin ako. Hindi ko akalain na darating pa ang panahon na makikita ko ulit si William na masaya at confident sa sarili niya at dahil iyon sa 'yo. Kaya maraming-maraming salamat, Nina." Nangingilid ang luha sa mga mata ni Alaric. Mukhang talagang masaya ito na nagbalik na sa wakas sa normal ang buhay ni William.
Tinakpan niya sandali ang ginagawang salad at humarap sa ama.
"Dapat lang naman po na tulungan ko si Kuya dahil pamilya po tayo hindi ba? Isa pa, hindi n'yo po dapat sinisisi ang sarili n'yo dahil aksidente po ang nangyari at wala namang may gusto no'n. Alam ko po na ganoon din ang naiisip ni Kuya kaya kahit kailan ay hindi po niya kayo sinumbatan. Ngayong okay na si Kuya, maigi po siguro na kalimutan na lang natin ang nakaraan at maging masaya na lang. Gusto ko lang pong malaman ninyo na kahit ano'ng mangyari ay gagawin ko ang lahat para sa pamilyang ito. Dahil mahal na mahal ko kayong lahat..." nakangiting sabi ni Nina.
Hindi na nakapagpigil si Alaric at nayakap na niya ang ampon. "Salamat, anak. Maraming-maraming salamat..." masayang-masayang sabi ni Alaric. Tama nga ang sinabi ni Wilma noon. Tila hulog si Nina ng langit at napakabait nito. Ngayon siya nagsisisi na pinagdududahan niya na lalaki itong mabait dahil lang sa hindi nila ito kadugo at pobre ang totoong mga magulang nito. Ngayon lang niya lubos na natanggap ng buong puso na si Nina ay parte na ng pamilya nila.
"Oh, kayong mag-ama. Ano'ng dinadrama ninyo riyan? Aba, kanina pang hinihintay nina William at Ivan ang buko salad mo, Nina." Mula sa pintuan ng kusina ay lumitaw si Wilma na nakangiti sa nakikita nitong eksena. Hindi na nakapagtataka iyon dahil bihira siyang magpakita ng sobrang attachment sa ampon.
Masayang nagkahiwalay ng yakap sina Nina at Alaric. Saka na sumunod kay Wilma papunta sa hapagkainan.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...