Chapter 12.2: I Just Want To Be With You. (5/10/2020)

6.1K 166 2
                                    

Chapter 12.2: I Just Want To Be With You.

Written By: Felix Alejandro

"HELP me find, Nina. I can't see her anywhere." Tarantang-taranta si Wilma nang balikan niya ang asawa. Bigla na lang kasing nawala si Nina sa labas ng comfort room matapos niyang umihi.

"She's with William. He just texted me," sabi ni Alaric.

"What? Pero bakit umalis pa sila? Kung gusto niya ring pumasyal, pwede naman tayong magkasa-kasama," naguguluhang tanong ni Wilma.

"He said that he wants to be with her for the last time. He wants to have a date with her kahit na walang alam si Nina."

"Pero paano kung bigla na lang niyang dalhin sa ibang bansa si Nina katulad ng pinlanong gawin noon ni Ivan?"

"Relax, Honey, they can't go out of the country within a day. Baka napag-isipan na ni William sa wakas na tama ang sinasabi natin sa kanya and maybe this time, he is willing to let go of his feelings but he just want to indulge himself for the last time. Just let them be. Ngayon lang naman. Sisiguraduhin ko na wala nang susunod pa," sabi naman ni Alaric na hinawakan si Wilma sa dalawang balikat para mapakalma ito.

"I'm just worried about our sons, Alaric. I know that they just don't tell us but they've been hurt about our decision to force them to forget about Nina. Alam ko na mas masasaktan pa sila kapag nalaman nila na may may gusto palang iba si Nina. I'm not expecting Nina to like either of them because she thought that they are her real brothers but they're still my son. Of course, masasaktan ako para sa kanila."

Bumuntong-hininga na lang si Alaric. "Kung pwede nga lang sana na ipakasal na lang natin si Nina sa kahit na sino sa kanila ay ginawa ko na sana noon pa, Wilma. I'm a man too, I know how they feel but what choice do we have? We are family now at inadopt na natin si Nina. We can't revoke that decision."

"But—"

"Ipagpasadiyos na lang natin ang lahat at magdasal na lang tayo na sana ay makalimutan din nila si Nina. They're still both young, I believe that they will be able to do that..."

Wala nang nasabi pa si Wilma. Iyon lang at sumakay na sila sa sasakyan ni Alaric at nag-umpisa nang magbyahe pauwi.

----------------------

ISA NAMANG palaisipan kay Nina kung bakit kailangan nilang humiwalay ni William sa mga magulang dahil kung tutuusin, sa isang mall na malapit lang din naman sila ni William nagpunta. Pumunta sila sa Glorietta at doon ay naglaro sila sa quantum at pagkatapos ay nanood ng sine. Sa bawat galaw nga nila ay magkaholding hands pa sila ni William at kahit kanina, noong nasa sinehan sila ay walang ibang ginagawa si William kundi ang titigan lang siya at panoorin siya imbes na ang palabas sa sinehan ang panoorin nito.

Kung siya ang tatanungin, para silang nagdedate ni William pero ni hindi siya nito kinakausap. Para bang gusto lang nitong pakiramdaman ang presensya niya.

At ngayon nga ay kasalukuyan silang nakaupo sa isang mamahaling restaurant. Nag-order ito ng marami para sa kanya pero katulad kanina, ni hindi nito ginagalaw ang pagkain nito at nakatitig lamang sa kanya na nakapangalumbaba pa.

"May dumi ba ako sa mukha, Kuya?" Hindi na siya nakatiis at natanong na niya ang kapatid niya matapos niyang kumain. Nakapangalumbaba lang kasi ito sa kanya habang tila nakapako sa kanya ang mga tingin. Para itong nangangarap habang tinititigan ang mukha niya.

"I just want to memorize every inch of your face so that I can remember all of it without having to look at you in the future..." Halos pabulong na sabi nito.

Sa totoo lang ay naguguluhan talaga siya kung ano ba talaga ang ibig nitong sabihin. Bakit naman nito kailangang imemorize ang mukha nito?

"Are you gonna leave, Kuya? Bakit mo naman kailangang imemorize ang mukha ko?" nagtatakang tanong niya.

Tumawa lang ito ng mahina. Kanina ay mainit ang ulo nito pero ngayon ay parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam nito. Mukhang nakatulong nga yata ang paglabas nila.

"Tell me, which one do you like? Me or Ivan?" Biglang tanong nito.

Bigla naman siyang namutla sa tanong nito.

"Syempre naman, ikaw, Kuya William. Ang pogi-pogi mo kaya tapos ang bait-bait mo pa," sabi niya.

Mas lalong tumawa si William. "Of course, you will say that because I am the one who is in front of you," nakangiting sabi nito.

"Hmmpp... Tinatanong mo pa, Kuya e, hindi ka naman pala naniniwala," pambabara niya rito.

"Do you have a boyfriend already, Nina? Or any guy that you like?" nakatitig pa rin sa kanya na tanong nito.

Sa totoo lang, nasisilaw siya na tumingin ng diretso sa Kuya William niya dahil sa sobrang gwapo nito. Itim na itim ang buhok at mga mata ni William, mahaba ang pilik mata nito, matangos ang ilong, manipis at mamumula-mula ang labi nito. Aside from that, he possessed a dignified look that any woman would die for in a guy. Matalim ito kung tumingin kaya naman mukha talaga itong matalino kung titingnan. Idagdag pa na punong-puno ito ng confidence bilang CEO ng de La Vega Empire. Kung mag-aartista nga lang siguro ito katulad ni Ivan ay panigurado na sisikat din ito. Pinaliligiran na ng mga babae si William kahit na wala ito sa showbiz, paano na lang kaya kung pumasok din ito roon gaya ni Ivan?

"Bakit mo naman biglang tinatanong 'yan, Kuya? Parehas kayo ni Mama. I'm too young for that, syempre wala—"

Natigil ang pagsasalita niya nang bigla na lang hinaplos ni William ang mukha niya.

"I hope you can be young forever, Nina so you don't have to leave us. I want nothing else but you but I know that I must stop this feelings as soon as possible or else, I don't know if can still contain myself..." malungkot na sabi ni William.

Hindi niya alam pero para bang gusto niyang kilabutan sa sinasabi ni William sa kanya. Bakit ba parang hindi salita iyon ng isang nakakatandang kapatid para sa isang nakababatang kapatid na babae? Bakit pakiramdam niya ay may ibang bagay na nais ipahiwatig si William?

"Kuya—"

Hindi na naman naituloy ni Nina ang sasabihin pa sana niya dahil bigla na lang tumunog ang cellphone ni William. Sinagot naman nito iyon at bigla na lamang bumakas ang gulat sa gwapong mukha nito at nabitawan pa nito ang cellphone nito. Para bang may narinig itong isang bagay na nagpagulat nang husto rito.

"Kuya, what's wrong?" nagtatakang tanong niya.

Nag-angat si William ng tingin sa kanya na namumuo na ang luha sa mga mata nito.

"We need to go home now." Agad na itong tumayo sa kinauupuan nito at kinuha ang jacket sa silya.

Naguguluhan naman na tumayo rin siya at sinundan ito sa paglalakad.

"Ano'ng nangyari, Kuya? Bakit ka nagkakaganyan?!" Binabalot na rin ng takot ang dibdib niya habang naglalakad na sila palabas.

"They're dead!" Sumigaw ito pagkaharap sa kanya.

"What—" natigilan siya. "Don't tell me..."

"Our father and mother is already dead!" Doon na tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ni William.

Lingid kay Nina ay iyon na pala ang magiging simula ng matinding pagbabago ng buhay niya...

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon