Chapter 11: Ivan's CareerWritten By: Felix Alejandro
"TALAGA? Sinabi ni Ivan deLa Vega sa concert niya na iyon na ang magiging huli at hindi na raw siya mag-aartista at hihinto na sa paggawa ng album?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nina nang marinig ang sinabi ni Patty.
Nasa classroom na sila ngayon at dahil absent ang teacher nila sa unang klase ay walang ginagawa ang klase kundi ang magkwentuhan lang. Iyong mga masisipag ay nagse-self study pero si Arturo ay natutulog para makabawi dahil hindi ito umuwi kagabi.
"Oo, Nina. Teka nga, bakit hindi mo 'yun alam? Iyon ang laman ng lahat ng balita sa TV at internet kagabi, ah? Sikat na sikat kaya si Ivan dela Vega. Halos lahat alam iyon!" nagtatakang tanong ni Patty.
"Alam mo namang hindi ako mahilig manood ng TV at bihira lang din akong mag-internet. Kapag nasa bahay lang ako, nagbabasa lang ako ng mga libro," sabi naman niya.
"Kahit na, 'no! Dapat maging updated ka na rin. Kapag nasubaybayan mo si Fafa Ivan, sigurado ako na magiging fangirl ka rin niya!" exegerrated na sabi nito.
"Nanonood naman ako ng movies niya pero hindi nga lang ako kasing fan mo. Teka nga, so totoo talaga na hihinto na siya sa showbiz?" ulit niya sa sinabi ni Patty.
Kapatid siya ni Ivan pero wala man lang siyang kamalay-malay sa nangyayari rito.
"'Yun ang inamin niya kahapon sa concert niya. Ang sabi niya, gusto niya na lang daw mamuhay ng normal at bumuo ng sarili niyang pamilya kaya hindi na siya pumirma sa kontrata ng Alejandro Entertainment. Alam mo kung nandoon ka lang sana, makikita mo na literal na umiyak ang mga fans niya. Maniniwala ka ba na pati si Julia na kasama namin ni Arturo kahapon ay umiyak din? Fan na fan din pala siya ni Fafa Ivan!" sabi nito.
Napalingon siya kay Arturo. Mabuti na lang at tulog na ito dahil kung hindi ay baka malungkot lang ito na marinig ang pangalan ni Julia mula kay Patty.
"May isa ka pang dapat na malaman, e. Break na sina Julia at Arturo. Kahapon lang nangyari, pagkatapos daw ninyong umuwi galing sa concert," balita niya sa kaibigan. Doon na siya nag-umpisang magkwento sa mga sinabi rin sa kanya ni Arturo kanina.
"Bakit kaya parang hindi na ako nagtatataka? Umpisa pa lang, alam ko nang hindi gagawa ng maganda iyong gaga na 'yun, e! Anyway, wala naman akong pakialam do'n kay Julia. Mas sad ako at parang nawalan ng buhay dahil hindi ko na ulit masisilayan ang aking pinakamamahal na si Fafa Ivan! Ano'ng gagawin ko ngayon, Nina? Waaahhhh!!!" Doon na nag-umpisang ngumawa si Patty.
Hindi na lang siya nagsalita pa. Ano na kaya ang nangyayari kay Ivan? May kinalaman ba ang away nito at ni William sa biglaan nitong pag-alis sa showbiz?
UMUWI RIN NG MAAGA si Nina galing sa School dahil gusto sana niyang makausap ang Kuya Ivan niya at tanungin kung bakit bigla na lang nitong gustong huminto sa showbiz pero hindi na niya inabutang gising ang mga kapatid. Parehas na hindi pumasok sa trabaho ang dalawa kaya nasa bahay lang ang mga ito buong maghapon. Kaya naman napagdesisyunan niya na ipagpabukas na lang ang pagtatanong.
----------------------
KINABUKASAN...
Walang pasok ngayon si Nina kaya balak niyang kausapin si Ivan after ng breakfast. Bumaba na siya ng tawagin siya ng yaya niya para kumain kasama ang buong pamilya. Pagbaba niya ay napangiti siya ng mapansin na kumpleto na pala ang buong pamilya at siya na lang ang hinihintay. Nagwoworry kasi siya kanina na baka hindi sila sabay-sabay na kumain ngayon dahil nag-away sina Ivan at William pero mukhang okay naman na pala ang dalawa dahil parehas na naroon ang mga ito.
Tatabi na sana siya sa gitna nina Ivan at William sa hapagkaininan pero bigla siyang pinigilan ng Mommy niya.
"Nina, dito ka na lang sa gitna namin ng Daddy mo. From now on, dito ka na sa pwestong ito kakain, ha?" nakangiting sabi ni Wilma.
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romansa2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...