Chapter 8.2: The Reason (4/30/2020)

7.4K 198 2
                                    

Chapter 8.2: The Reason (4/30/2020)

Written By: Felix_Alejandro

NAPANGITI si Ivan nang matitigan ang inosenteng mukha ng natutulog na si Nina. Bihira lang ang pagkakataon na masolo niya si Nina dahil kadalasan ay binabakuran ito ni William. Iba pala sa pakiramdam na malaya niyang natititigan si Nina na walang mga matang nakabantay sa kanya at hindi iniisip kung ano ang iisipin ng mga makakakita.

Ang mukhang iyon ay paulit-ulit din na lumalabas sa imahinasyon niya sa mga nakalipas na taon. Palaging nasa isipan niya si Nina at maging sa panaginip niya ay nakikita niya ito.

Naaalala pa niya ang dahilan kung bakit siya umalis sa loob ng dalawang taon noon. Iyon ay dahil mahal na mahal niya si Nina. Hindi lang bilang kapatid ngunit bilang isang babae. Yes, he is in love with her.

Nag-umpisa ang feelings niya para rito noong 11 years old pa lang ito. Iyon ang mga panahon na nag-uumpisa pa lang silang maging close noon but she is too young at that time kaya hindi pa niya agad narealize noon ang feelings niya para rito. Noong tumuntong ito noon ng 13 years old ay doon na ito mag-umpisang maging teenager. Sa kabila ng murang edad ay lumitaw na agad ang kagandahang taglay nito at nagmukha na itong dalaga. Naalala pa niya noon na palagi siyang pinamumulahan ng mukha at kinakabahan sa tuwing nginingitian at kinakausap siya nito. Bagay na taliwas sa pagkatao niya dahil nakilala siya noon bilang isang playboy.

Narealize niya na kaya pala siya nagkakaganoon ay dahil may iba na siyang nararamdaman noon para kay Nina. Mahal na pala niya ito...

Iyon pala ang dahilan kung bakit lagi siyang inis noon dito. Hindi niya matanggap na ang taong kinamumuhian niya dahil palaging umaagaw sa atensyon ng mga magulang niya ay taong gustong-gusto rin pala niya. Ayaw lang niyang aminin sa sarili na magkakagusto siya rito to think na anak ito ng isang pulubi noon. Kaya rin naman nag-iinit ang ulo niya kapag nakikita niya itong naglalambing lalo na pagdating kay William. Kasi mahal pala niya ito...

Umalis siya noon dahil gusto niyang kalimutan ang nararamdaman niya para kay Nina. Iyon ay dahil kahit alam niya na hindi naman sila magkadugo ay pinalaki pa rin silang parang magkapatid at iyon ang alam nito. Magiging wirdo sa paningin ng iba kung ipagpapatuloy pa niya ang kahibangan niya.

Pero sa loob ng dalawang taon na hindi niya nakikita noon si Nina ay halos mabaliw-baliw siya. Kahit na wala ito sa tabi niya ay palaging ito pa rin ang tumatakbo sa isipin niya. Useless lang ang ginawa niyang pagtitimpi sa sarili at kahit ilang babae pa ang ipinalit niya rito noon ay in the end, ito pa rin talaga ang laman ng puso niya. He loves her so deeply kaya pinili niya na bumalik na lang para makasama pa ito.

Nahaplos niya ang mukha ni Nina. Tila gusto niyang kabisaduhin ang tila perperkto na nitong mukha. Nadama niya ang malambot at maputing mukha ni Nina.

Mahaba ang pilik-mata nito kaya naman nagmumukha itong lalong inosente kapag natutulog. Maganda rin ang korte ng kilay nito, matangos ang ilong. Naglakbay ang paningin niya sa manipis at mapupulang labi ni Nina. Ang labi na matagal na niyang pinakaaasam na matikman.

Hindi na siya nagpigil pa. Hinalikan niya ng buong puso ang natutulog na si Nina. Bahagya pang gumalaw ang labi nito at tumugon sa halik niya kaya naman natigilan siya!

Napahiwalay siya sa labi nito at nanlalaki ang mga mata na tiningnang maigi kung gising ba ito o nagtutulug-tulugan lang. Pero pikit na pikit ang mga mata nito at malalim din ang paghinga na ang ibig sabihin ay talagang tulog nga ito.

"Arturo..." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ng babae.

Sino'ng Arturo? Iyon ba ang lalaking crush ni Nina?

Naikuyom niya ang kamao at muling sinibasib ng halik si Nina na tinugunan naman nito habang natutulog ito. Napakasarap ng labi ni Nina, malambot iyon, mainit at mabango ang hininga. Pakiramdam niya, kahit na magdamag niyang halikan ito ay hinding-hindi siya magsasawa. He really loves her!

Unti-unting gumapang ang halik niya sa leeg ni Nina. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang pigilan ang sarili niya. Sabik na sabik na siyang maangkin si Nina!

"Arturo, please stop..."

Natigilan siyang nang muling marinig ang inuungol na pangalan ng babae. Nang marealize na mukhang hindi siya ang iniisip ni Nina habang hinahalikan niya ito ay tila ba nawalan siya ng gana. Sino ba ang lalaking sinasabi nito? May boyfriend na ba si Nina? Ang buong akala niya ay si William lang ang makakaribal niya rito.

Bumuntong-hininga siya. He doesn't care kung sino man ang makaribal niya, he won't let any man take Nina away from him. Kanya lang ito at hindi siya papayag na maagaw ito ng iba kahit pa mamatay siya.

Nang gabing iyon ay iyon ang ipinangako niya sa sarili bago niya iniwan sa kwarto nito ang mahimbing nang si Nina...

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon