Chapter 7.1: Arturo's Letter
Written By: Felix Alejandro
PAGKATAPOS ng PE Class nina Nina ay nakaramdam siya ng uhaw kaya naman nagpaalam siya kanina kina Patty at Arturo na bibili lang ng mineral water sa Canteen at ngayon nga ay hawak na niya ang mga iyon pabalik.
Habang naglalakad palapit kay Arturo na nakaupo sa seating area ng Gym ay napansin niyang sobrang busy ito. Ang mga kaklase naman nila na mukhang nabitin sa PE time kanina ay naglalaro pa rin ng basketball hanggang ngayon pero si Arturo ay may kung ano'ng sinusulat sa notebook nito.
Nagkasabay pa sila ni Patty papalapit dito na mukhang nanggaling sa CR. Naisip nila na lapitan ng dahan-dahan si Arturo at si Patty ay malakas namang binasa ang sinusulat ng lalaki sa notebook nito nang hindi nito namamalayan na nasa likuran na pala sila.
"Dear Julia, marahil ay hindi mo na ako natatandaan. Pero ikaw ay hindi ko pa rin nakakalimutan. We used to play games before when we were young. I hope na mapansin mo naman ako dahil nami-miss ko na ang company mo. Masaya ako dahil nagkita tayong muli."
Nanlaki ang mga mata ni Arturo nang marinig ang malakas na boses ni Patty. Bigla itong napatayo sa kinatatayuan nito.
"A-Ano'ng ginagawa ninyo riyan?!" Pulang-pula ang mukha na tanong ni Arturo.
"Seryoso ka ba na may gusto ka kay Julia? As in si Julia na dating kabarkada nina Bhecky pero naout lang sa group dahil nang-agaw ng boylet?" Hindi makapaniwalang tanong ni Patty.
"Oo siya nga. Wala naman sigurong masama na magkagusto ako sa kanya, 'di ba?" Namumulang pag-amin ni Arturo. Umupo na ulit.
Tumabi naman silang dalawa rito. Napapagitnaan nila ang lalaki.
"Walang masama? But she's mean! Gugustuhin mo bang magkaroon ng girlfriend katulad no'n? Isa pa, kaklase lang natin siya last sem, bakit ngayon ka lang nagkagusto sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Patty.
"Bigla ko kasing nalaman na siya pala iyong kalaro ko noong bata ako. Nakilala siya no'ng ate ko noong makita niya iyong group picture ng klase natin last sem," paliwanag nito.
"At dahil do'n ay nagkagusto ka na agad sa kanya? Ano naman kung magkababata kayo noon? Nagbago na siya ngayon, nagkaroon na siya ng sungay at lumandi na!" garapal na sabi ni Patty.
"Patty, huwag ka namang ganyan. Sa tingin ko ay hindi naman magkakagusto si Arturo sa kanya kung wala lang 'di ba? Naniniwala ako na may maganda rin sa kanya na hindi lang siguro natin nakikita pa sa ngayon," react naman ni Nina.
"Santa ka talaga, Nina. Hindi lahat ng tao ay may mabuting side sa sarili nila katulad ng iniisip mo 'no! Ang grupo nina Bhecky at 'yang Julia na 'yan ang buhay na patunay. Naku, Arturo, masasaktan ka lang sa babaeng 'yan!" pagnenega ni Patty.
"Huwag mo siyang pakinggan, Arturo. Ano'ng malay mo, maalala ka rin ni Julia at magkagusto rin siya sa 'yo? Bakit kaya hindi mo siya subukang kausapin?" sabi pa rin niya.
"Wala naman akong balak na ligawan siya. Gusto ko lang talaga na maging magkaibigan ulit kami. Tingnan n'yo nga ang itsura ko sa itsura niya. Ang ganda-ganda niya samantalang ako, heto, baduy na nga, ang pangit pa. Maraming lalaking nanliligaw sa kanya kaya imposible niya akong magustuhan," pang mamaliit ni Arturo sa sarili nito.
"Mabut naman at alam mo 'yan, prend!"
Tinampal niya ng bahagya si Patty sa kamay.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Arturo. Hindi ka pangit 'no! Let's just say na hindi ka lang nag-aayos pero kung magiging maporma ka rin katulad ng ibang lalaki riyan, sigurado ako na mapapansin ka rin ni Julia. Saka hindi naman lahat ng babae ay gwapo at maporma ang gusto sa isang lalaki. Matalino ka, masipag at mabait pa. Bulag na lang ang hindi magkakagusto sa 'yo!" positibo pa rin niyang sabi.
"Mabuhay ka sa reyalidad, Arturo. Huwag kang maniniwala kay Nina. Masasaktan ka lang!" Hindi nagpapatalo na sabi ni Patty.
"Patty—"
"I'm just stating the fact! Hindi lahat ng tao ay kasing bait mo, Nina. Ikaw, nagawa mo kaming tanggapin kahit palagi kaming binubully dito sa School dahil sa physical appearance at status ng buhay namin pero hindi ibig sabihin no'n ay magagawa rin iyon ng ibang tao. Julia is a mean girl. Don't give him a false hope!" Hindi pa rin sumusuko si Patty sa pinaglalaban nito.
Natigil na sila sa pagtatalo ni Patty dahil tumayo na si Arturo sa gitna nila.
"Mauna na muna akong bumalik sa classroom, Nina, Patty. Maiwan ko na kayo riyan," malungkot na sabi nito.
Wala na silang nagawa ni Patty kung hindi ang magkatinginan na lang.
"Kasalanan mo 'yan, Patty. Mababa na nga ang tingin ni Arturo sa sarili niya ay mas pinababa mo pa," paninisi niya kay Patty.
"Aba, syempre! Ayaw ko lang masaktan ang friend natin 'no!"
"Kung masaktan man siya, atleast sinubukan niya kaysa hindi talaga, hindi ba? Mga kaibigan tayo ni Arturo kaya dapat ay suportahan natin siya. Hindi dapat tayo ang unang kumokontra sa kanya," panenermon niya.
"Oo na, sige na. Ako na ang mali. Sige na, pumapayag na ako na suportahan natin siya. Sana lang ay hindi ako magkamali ng hinala sa mangyayari, ha? Ikaw ang may gusto niyan, Nina." Nagpatalo na rin sa wakas si Patty.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romantiek2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...