Chapter 5.2: A Group of Losers (4/25/2020)

9.6K 247 4
                                    

Chapter 5.2: A Group of Losers

Written By: Felix Alejandro

"Nina, Nina! Ang ganda naman no'ng kotse no'ng naghatid sa 'yo. Rich kid ka talaga, 'no?" Humahangos na lumapit sa kanya ang kaibigan niyang si Patty. Well, Patty ang pangalan nito at binagayan na rin ng figure nito dahil medyo may pagkachubby nga ito.

"Bakit hindi lumabas sa kotse yung naghatid sa 'yo? Nahihiya ba siya makita ng mga tao?" tanong naman ng isa pa niyang kaibigan at kaklase din na si Arturo.

Matangkad si Arturo. Maputi rin, matangos ang ilong at may katamtamang kapal ang labi. Makapal ang kilay nito at kapansin-pansin ang suot nitong makapal na salamin. Malago rin ang buhok nito at bangs kaya halos hindi na nakikita ang mukha nito. Ayon sa iba ay baduy daw si Arturo dahil palaging naka tucked in ang mahabang puting polo nito at mabigat lagi ang bag na dala. Palagi rin itong may dalang libro kaya nagmumukha itong bookworm palagi.

Silang tatlo ang palaging magkakasama sa Alejandro University. Halos hindi sila mapaghiwalay na tatlo simula pa noong tumuntong sila sa School na iyon last year.

"Ako mismo ang nagsasabi kay Kuya na huwag na siyang bumaba. Alam ko kasi na busy siya sa trabaho niya kaya ayaw ko na siyang masyadong maabala," nakangiting sabi niya.

"Nakakacurious tuloy ang kuya mo, Nina. Ano'ng trabaho niya? Gwapo ba siya?" nakangiting tanong ni Patty habang naglalakad na sila papasok sa school.

"Ang tanong, kuya niya ba talaga ang nakasakay o sugar daddy niya?" Bago pa siya makasagot ay bigla na lang may nagsalita sa likuran nila.

Nang lumingon sila ay nabungaran nila sina sina Rima, Bhecky at Myrna. Ang ultimate trio ng school na bagama't mga sikat, mayaman at magaganda ay bulok naman ang pagkatao dahil sa madalas na pang-aapi ng mga ito sa tulad nila na sa tingin ng mga ito ay mga losers sa school na iyon. Basta mahihirap at mga hindi kagandahang estudyante sa School na iyon ay binubully ng mga ito. At sila nina Arturo at Patty ang paboritong asar-asarin ng mga ito.

"Grabe ka naman yatang magsalita. Hindi ganyan si Nina. Disente siyang babae," pagtatanggol sa kanya ni Arturo.

Tumawa lang ang tatlo. "At ano ang tingin mo sa sarili mo, prince charming? Sa tingin mo ay papatulan ka nitong si Nina gayong hindi ka na nga gwapo ay mahirap ka pa?" pang-iinsulto rito ni Bhecky. Ang lider ng grupo.

Isa si Arturo sa pinakamatalinong estudyante sa Alejandro University at ito ang pinakamatalino sa klase nila. Scholar ito sa School na iyon kaya ito nakakapasok sa gaanong kamahal na school.

"Tama! Maganda si Nina kaya gagamitin niya ang ganda niya para manglandi ng matandang mayaman na madaling mamatay!" gatong naman ni Myrna.

"At ano'ng ebidensya ninyo? Huwag nga ninyong binubully ang friend ko! Maganda siya at mabait, hindi katulad ninyo na maiitim ang budhi at mapanghusga sa kapwa!" pagsagot naman ni Patty.

Lalo lang tumawa ang tatlo. "Nagsalita ang naglalakad na biik. Ikaw ba ang kausap namin? Diyos ko, makita pa lang kita ay nandidiri na ako! Oh my god, amoy fats!" Pang-iinsulto ni Rima at nagtawanan naman ang mga kasama nito.

"Sumosobra na kayo, ah!" Akmang susugod na si Patty pero pinigilan niya na ito.

"Tama na, Patty, hayaan na lang natin sila," halos pabulong na sabi niya.

Ayaw mang tumahimik ay wala na ring nagawa pa sina Arturo at Patty kundi ang sundin na lang siya.

Nagcross arms sa harap niya si Bhecky. "I'm warning you, Nina. Don't ever go near Bryan again kung ayaw mo na mas malala pa sa sinabi ko ngayon ang kahinatnan mo. He's mine and I won't let you steal him away!" pagbabanta pa ni Bhecky.

Hindi na lang niya ito pinansin at nilagpasan na sila ng tatlo.

"Ang akala mo naman kung sino. Kaya siya hindi nagugustuhan ni Bryan e, dahil ang sama ng ugali niya!" nakangusong sabi ni Bhecky nang makaalis na ang mga ito.

"Ayos ka lang ba, Nina?" nag-aalalang tanong ni Arturo.

Umiling siya saka ngumiti ng tipid. "Ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala, siguro kapag nakita naman ni Bhecky na wala naman talaga akong gusto kay Bryan ay titigilan na rin niya ako. Pasensya na kayo at nadadamay pa kayo sa mga pambubully niya sa akin," paunawa niya sa dalawa.

"Hindi totoo 'yan, Nina! Hindi ka pa namin kakilala ay bully na talaga iyang si Bhecky! Walang ginawa ang mga iyan kundi ang bullyhin kami palagi ni Arturo noong high school pa lang kami. Saka nagpapasalamat nga kami dahil kinaibigan mo kami, Nina, e. Maganda ka, mayaman at maraming lalaking nagkakagusto sa 'yo dito pero hindi ka nag-alangan na makipagkaibigan sa amin ni Arturo na palaging binubully dito sa School. Mabait ka kaya hindi ka namin hahayaan na ibully din nina Bhecky. Ipaglalaban ka namin ni Arturo!" sabi ni Patty.

Nabagbag naman ang damdamin niya nang dahil sa narinig. "Kayo talaga. Hindi naman maganda iyong nakikipag-away. Hayaan na lang natin sila. Mapapagod din ang mga iyan," positibong sabi niya.

"Sana nga, Nina. Dahil kaya kong tiisin iyong mga sinasabi nila tungkol sa akin pero kapag ikaw na ang pinag-uusapan ay lalaban ako. Hindi ako papayag na apihin o saktan ka nila," sinsero namang sabi ni Arturo.

Sa narinig ay tila namula ang mukha niya. Hindi niya alam pero naantig ang puso niya sa sinabi ni Arturo. Pakiramdam nga niya ay parang tila saglit na dumagundong iyon. Pero bakit naman kaya? Hmmm...

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon