Chapter 10.3: William and Ivan's Confession (5/6/2020)

7.6K 157 5
                                    

Chapter 10.3: William and Ivan's Confession

Written By: Felix Alejandro

PUMASOK naman sa office ni Alaric sina Ivan at William. Nakaupo ang dalawa sa harapan niya habang nasa gilid naman nila si Wilma. Apat lamang sila roon at doon niya piniling kausapin ang dalawang anak para masigurong walang ibang taong makakarinig sa pag-uusapan nila.

"Now tell me, bakit gusto ninyong patayin ang isa't-isa? At ikaw, William, bakit bigla ka na lang nanghamon ng away at the middle of the night? It's not you anymore, son! Mahinahon ang pagkakakilala ko sa 'yo pero bakit kapag dating dito sa kapatid mo ay hindi ka makapagtimpi?!" galit na sabi ni Alaric.

Nagyuko ng ulo si William. "I'm sorry, 'Pa kung hindi ko man napigilan ang galit ko. Pero nasisiguro ko po sa inyo na may dahilan kung bakit ako nagkagano'n. Iyon ay dahil sa ginawa ni Ivan. Sigurado ako na kapag nalaman ninyo kung ano man ang plano niya ay ikagagalit n'yo rin. He really deserved what I did..."

Binalingan ni Alaric si Ivan. "At ano na namang kalokohan ang ginawa mo? Sa tingin ko nga ay mabigat ang kasalanan mo kaya ka nagawang saktan ng kapatid mo," sabi naman ni Alaric.

Hindi nagsalita si Ivan. Umiwas lang ito ng tingin.

"I'm talking to you!" Pabalag na nahampas ni Alaric ang desk nito dahil sa sobrang inis sa pambabalewala ng anak.

Bumuntong-hininga si Ivan. "Do you really want to know what I did? Are you ready to know why I did it?" paghahamon ni Ivan.

"I won't ask you right now if I'm not." Tiningnan niya ng diretso sa mga mata si Ivan para ipakita rito na handa siyang tanggapin kahit ano pa man ang sasabihin nito.

Sa totoo lang ay may idea na siya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at ni William pero pilit lang niyang binabalewala iyon. Gusto niyang marinig sa mismong bibig ng mga ito ang katotohanan.

"Fine. Plano kong itakas si Nina papunta sa ibang bansa para mailayo siya sa inyo. I love her at dahil inampon n'yo na siya ay sigurado ako na you will never accept my love for her. Gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa aming dalawa. When it comes to legal papers, alam ko na may paraan para madaya ko ang mga iyon so we can get married. I can even change her name sa kahit ano pa mang paraan kahit ilegal pa 'yan because I have my own resources. Sa ibang bansa ay makakapamuhay kami ng normal bilang mag-asawa at hindi bilang isang magkapatid. Ayoko nang maging kapatid niya, 'Ma, 'Pa. Now, tell me, naiintindihan n'yo ba 'yun?" Tuluyan nang inamin ni Ivan ang katotohanan.

Nanlaki naman ang mata nina Alaric at Wilma lalo na ang huli.

"How can you fall in love with your own sister? Are you out of your mind?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nakumpirma na nga niya ang matagal na niyang hinala.

"I hope I'm the only one who is in love with her but unfortunately not. Even William have feelings for her," kumpisal ni Ivan.

Awtomatikong napalingon ang mag-asawa sa panganay na anak.

"Is that true, William? Iyon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nag-aasawa o nagkakagirlfriend man lang?" mangiyak-ngiyak na sa sobrang emosyon nito si Wilma.

"I have all the reason in the world to fall in love with her. She gave me life, siya ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakakalakad na ako but that's not the only reason, Mom. I really love her as much as Ivan loves her..." Hindi na nagawa pang tumanggi ni Ivan.

Naihilamos naman ni Alaric ang kamao sa mukha nito dahil nastress sa mga narinig. Hindi naman makapagsalita si Wilma at kahit ito ay napahawak sa sentido ng ulo dahil sumasakit iyon ng dahil sa inamin ng dalawang anak. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin sa mga anak.

"Naririnig n'yo ba talaga ang mga sinasabi ninyong dalawa, ha? As I've said, Nina is your younger sister and we already adopted her! Legally, kapatid na ninyo siya whether you like it or not! Now tell me, paanong mabibigyan ng katuparan 'yang mga kahibangan ninyo? By what means, by doing ilegal things?!"

Hindi nakapagsalita sina William at Ivan dahil sa sinabi ng ama. Alam nila na magiging ilegal nga kung ipipilit nila ang gusto nila.

"Please, mga anak, just forget about Nina, she's your younger sister. Marami pa namang ibang babae riyan, bakit siya pa? Please don't make it difficult for us. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na may feelings kayo para sa sarili ninyong kapatid? Pagtatawanin nila tayo and it will ruin our reputation. Please don't attempt to do anything kung may pakialam pa kayo sa magiging reputasyon ng pamilya natin." Tuluyan nang umiyak si Wilma. Alam nito na maaaring ikasira ng pamilya nila kung ipipilit nina Ivan at William ang gusto ng mga ito.

At sina Ivan at William, bilang mga anak ay hindi matiis na makita ang luha ng sariling ina.

"Kung alam n'yo lang, 'Ma na matagal ko nang tinago at tiniis iyong nararamdaman ko para sa kanya. Alam n'yo ba ang dahilan kung bakit ako umalis sa nakalipas na dalawang taon? It's because of her. I did my best to forget about her but I can't..." nahihirapang sabi ni Ivan.

"But it's still not right to act on your feelings, Ivan. Alam kong masakit para sa inyong dalawa pero wala kayong choice kundi ang kalimutan na lang si Nina. Sana, sa pagkakataong ito ay huwag kayong maging makasarili. Learn to sacrifice for the happiness of our whole family. Ano sa tingin ninyo ang magiging reaksyon ni Nina kapag nalaman niya iyang mga feelings ninyo para sa kanya? Sa tingin n'yo ba ay magiging masaya siya at mamimili ng isa sa inyong dalawa? Baka nakakalimutan ninyo na ang akala ni Nina ay totoo niya kayong mga kapatid. She will never love you the way you want her to!" muling sabi ni Alaric.

Sa pagkakataong ito ay wala nang masabi kahit si Ivan pa. May punto ang sinabi ng ama. Kahit gaano nila kamahal si Nina ay wala itong idea sa nararamdaman nila. Baka mandiri pa ito kapag nalaman nito ang totoo.

"Siguro naman ay tapos na tayong mag-usap. Gusto kong lahat ng napag-usapan natin ngayon sa kwartong ito ay ibaon na ninyo sa limot. Walang makakaalam na kahit na sino ng sikretong ito ng ating pamilya. I repeat, don't act on your feelings dahil magiging kasalanan na iyan sa paningin ng mga tao. Nina is your younger sister and she always will be!"

Iyon lamang at tinapos na ni Alaric ang meeting na iyon ng buong pamilya. Tumayo na ito at sumunod naman si Wilma rito.

Naiwan sina Ivan at William na hindi nag-uusap pero nagkakaintindihan dahil parehas lamang ng sakit na nararamdaman...

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon