13.2: Fraternal Polyandry
Written By: Felix AlejandroLUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO ay nagulat na lamang sina Nina at Ivan dahil pinaalis ni William ang mga katulong, gardenero at maging mga security guard sa mansyon nila. Pagkatapos no'n, maging ang mansyon ay binenta na rin nito.
"Kuya, bakit mo naman binenta ang mansyon natin? Saan na tayo ngayon titira?" sabi ni Nina nang kastiguhin nila si William nang dahil sa ginawa nito. Kakagaling lang nito mula sa office nang umagang iyon pero bumalik lang dahil may nakalimutan daw na dokumento.
"Tatlo na lang tayo, hindi ba? Hindi na natin kailangan ng malaking bahay at maraming makakasama. Don't worry, may bago na akong bahay na binili para sa ating tatlo at hindi man kasing laki iyon ng mansyong ito ay hindi rin naman maliit para sa ating tatlo," sagot naman ni William.
"Are you out of your mind? Tayo, lilipat ng bahay? Why do we have to do that? At paano naman ang mga taong tinanggalan mo ng trabaho?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ivan.
"I gave them another job in my company. Hindi ba at mas malaking opportunity pa nga para sa kanila na sa opisina na sila nagtatrabaho kaysa maging mga utusan lang natin dito sa mansyon? We don't need to live with anyone other than ourselves. Kukuha na lang tayo ng mga maglilinis sa bagong bahay na uwian kung kinakailangan. Narealize ko kasi na bakit hindi na lang tayo mamuhay ng simple lang? Iyong walang masyadong magardong bahay at magsisilbi para sa atin na para tayong mga panginoon. I think it's time for us to be independent," sabi pa ni William.
Tumango naman si Nina. "Sa tingin ko ay may point ka nga, Kuya. Gusto ko na rin matuto na tumayo sa sarili kong mga paa. Pati kasi mga laundry ko ay ang mga maid pa ang naglalaba noon, ngayong wala na tayong mga sariling maid, ako na lang ang maglalaba ng mga sarili kong damit. Sa ibang bansa, wala rin namang mga katulong ang mga mayayaman do'n pero kinakaya naman nila. So, bakit hindi rin tayo? Pero mas maganda sana kung hindi na lang tayo lumipat ng bahay, Kuya," sabi naman ni Nina.
Ngumiti lang si William saka ginulo ang buhok niya na parang isang bata. "Mas mahirap linisin kung mas malaki ang bahay, Nina. Besides, iyon mismo ang point, maraming mga ala-ala sa lugar na ito na gusto ko na sanang kalimutan natin. Mas masasaktan lang tayo kung palagi nating naalala sina Mama at Papa," dugtong pa nito.
"Sige, ikaw na ang bahala, Kuya William." Wala na ring nagawa si Nina. Iyon lamang at hinatid pa si Nina ng driver nila sa huling pagkakataon sa School.
Nang makaalis si Nina ay iyon ang ginamit na pagkakataon ni Ivan para kausapin ng masinsinan ang kapatid.
"Kung nagawa mong utuin si Nina kanina ay ibahin mo ako, Kuya William. Just tell me the truth, hindi ang paglimot sa ala-ala at pamumuhay ng simple ang dahilan kung bakit gusto mo tayong lumipat ng bahay, hindi ba? Pati ang mga taong nagtatrabaho rito ay pinaalis mo pa for your petty reason," dudang sabi nito.
Ngumisi lang si William na palabas na sana ng pinto para bumalik na sa opisina. Nilingon nito ang kapatid.
"Believe me, kung anuman ang ginagawa ko ngayon ay para rin sa 'yo, Ivan. Hindi ba at matagal mo ng pangarap na mapasa 'yo si Nina? Ngayon na matutupad iyon. Well, except for the fact na hindi lang siya sa 'yo mapupunta, dahil pagsasaluhan natin siya."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "What's with you today at kung ano-ano'ng idea ang pumapasok sa utak mo? Ano'ng ibig mong sabihin na pagsasaluhan natin siya? Nababaliw ka na ba?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumawa lang ito. Mabuti na lamang at wala ng ibang tao roon bukod sa kanila dahil kung hindi ay baka pinagkamalan na itong baliw.
"You know what? Kung tutuusin ay hindi na kita dapat isasali sa plano ko pero no'ng mamatay sina Papa at Mama ay bigla kong narealize kung gaano kahalaga ang salitang pamilya. Kahit gaano pa ako kagalit sa 'yo dahil karibal kita kay Nina ay hindi ko pa rin maitatanggi na kapatid kita at magkadugo tayo. At alam ko rin naman na hindi ka rin susuko para makuha siya kaya naisip ko, bakit kaya hindi na lang natin siya pagsaluhan? She can be mine and she can be yours as well," parang nababaliw na sabi ni William.
"Mukhang nababaliw ka na yata talaga, William. Paanong mapapasa atin si Nina, e legal natin siyang kapatid? She's still our sister no matter what you say!"
"Then can you forget about her?"
Natigilan siya sa tanong na iyon ni William. Kaya na nga ba niya?
"Silence means yes. Alam ko na hindi mo kaya, Ivan kaya bakit pa nating pipigilan ang mga sarili natin? Wala na ngayon sina Mama at Papa, wala nang pipigil sa atin para maangkin si Nina. Kaya nga tinanggal ko na rin sa trabaho nila ang mga taong nagtatrabaho rito dahil alam nilang lahat ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Nina. Ngayong wala na sina Mama at Papa, may posibilidad na umalis pa si Nina sa poder natin kapag nalaman niya na hindi natin siya totoong kapatid that's why we can't manage to let her know that she's not our true sister."
"Sabihin mo nga sa akin, William, bakit parang masaya ka pa na wala na sina Mama at Papa? Ganyan ka na ba talaga kaobsess kay Nina?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Lalo lang tumawa si William. "I love our parents, Ivan. Even God knows that I did. Sa totoo lang, before they died, nagdesisyon na ako noon na kakalimutan ko na si Nina kaya nga sa huling pagkakataon ay niyaya ko siya na makipagdate but something happened para magbago ang isip ko. Naaksidente sina Mama at Papa at doon ko narealize na baka nga may dahilan kung bakit nangyari iyon? Hindi kaya talagang para sa akin si Nina kaya kinuha ng Diyos sina Papa? I really love them both, Ivan. I really do but we need to accept the fact that they're no longer here with us and we need to move on. Well, if you don't like to go with us, hindi na kita pipilitin. Kung tutuusin, pasalamat ka nga at sinasama pa kita sa plano ko. I can do this plan without you at mas pabor pa iyon sa akin dahil masosolo ko si Nina. Ngayon, magdesisyon ka na dahil gagawin ko pa rin ito, pumayag ka man o hindi."
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala niya ang paalala ng mga magulang nila na kapatid nila si Nina at hindi nila ito pwedeng asawahin at alam niyang iyon ang dapat na gawin. Pero mas nananaig sa puso niya ang kagustuhan na maangkin si Nina. Ang masabi rito na mahal na mahal niya ito...
"I guess you're right. Sa tingin ko ay hindi ko nga talaga kayang mabuhay ng wala si Nina. I really love her..." Sumuko na rin siya sa wakas.
"I know that you will said that. Anyway, since you made our decision, I will tell you my plan. Since Nina is already 17, kailangan lang natin na maghintay ng isang taon hanggang sa mag 18 siya at pagkatapos no'n ay dadalhin na natin siya sa India. Aayusin ko ang mga papeles niya at gagamitin ang koneksyon ng pamilya natin para magkaroon siya ng bagong identity at pangalan. Sa India, pwede natin siyang pakasalan ng sabay dahil legal doon ang fraternal polyandry. Doon ay walang makakakilala sa atin kaya hindi na natin iisipin pa kung ano ang sasabihin ng ibang tao. We can all live in peace."
Habang nakikinig si Ivan kay William ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ni William na mag-isip ng ganoong klaseng plano. Iyon din halos ang naisip niya noon no'ng pinagtangkaan niyang itakas si Nina pero ngayon ay dalawa na silang gagawa no'n ngayon.
"But can we really do that? I mean, dalawa tayong magiging asawa ni Nina? Sa tingin mo ba ay papayag siya sa ganoong set up?" duda pa rin na tanong niya.
"We don't need her permission to do what we want, Ivan. Simula noong oras na inampon siya ng pamilyang ito ay naging atin na rin ang buong pagkatao niya. Wala siyang magagawa dahil sa ayaw man niya o sa gusto ay sa atin lang siya. Kailangan lang nating magtiis ng isang taon na hindi sinasabi sa kanya ang totoo, kapag nasa India na tayo ay pwede na nating gawin ang gusto natin. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko nga sana na gawin na agad ang plano ko pero marami pa akong kailangang asikasuhin sa business kaya hindi ko iyon magawang iwan kaagad," sabi pa ni William.
"Fine. As long as I can be with her, I'm willing to do anything. Even to share her with you," buo na ang loob na sabi niya.
William is right, ano man ang gusto ni Nina ay hindi na mahalaga ngayon para sa kanila. Matagal nilang pinigilan ang nararamdaman nila para rito at hibang na hibang na sila sa pagmamahal nila rito para pakawalan pa ito. Ito na ang pagkakataon nila para maangkin si Nina at wala nang makakapigil pa roon...- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...