Chapter 9.2: Nina's Feelings
Written By: Felix Alejandro
MAYA-MAYA...
Hindi maiwasan ni Nina na nakawan ng sulyap si Arturo sa loob ng klase. Focus ito sa tinuturo ng teacher sa unahan pero siya ay lumilipad ang utak sa katabi niya. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali dahil simula nang malaman niya na may crush si Arturo kay Julia ay hindi na siya natahimik. Palaging tumatakbo ang isipan niya tungkol kay Arturo kahit nasa bahay na siya.
Nag-iwas siya ng tingin nang biglang mapalingon sa kanya si Arturo na para bang takang-taka. Si Patty na lang ang tiningnan niya para hindi siya mahalata ng lalaki.
Sigurado siya na baka kapag nalaman ni Patty ang nararamdaman niya ngayon ay baka pagtawanan pa siya nito. Hindi kasi si Arturo ang tipo ng lalaki na sa tingin nito ay magugustuhan niya.
Baduy kung tawagin ng iba si Arturo dahil may malaki itong suot na salamin, nakabrace, palaging maluwag ang suot na damit at halos hindi na makita ang mukha dahil sa bangs nito. Palagi pang may dala-dalang maraming libro kaya tipikal na nerd ang tawag ng marami rito.
Pero mayroong katangian si Arturo na hindi nakikita ng iba na nakikita niya rito. Mabait si Arturo, magalang at loyal. Masipag din ito at matalino, hindi ito babaero katulad ng ibang lalaki at sincere ito pagdating sa mga babae katulad ni Julia. Bilang kaibigan, nakikita niya rin na napakamaalalahanin nito at handa silang tulungan kapag may subject silang hirap sila. Hindi madamot pagdating sa kaalaman si Arturo.
Hindi nga siguro attractive tingnan si Arturo kahit pa matangkad ito pero sapat na ang ganda ng kalooban nito para magustuhan niya ito. Wait, inamin na ba talaga niya sa sarili na gusto niya ito?!
"Friend, samahan mo naman akong bumili ng concert ticket ni Papa Ivan mamaya, please! Nagkakaubusan na raw ng ticket sa SM. Ngayon lang ako nagkapera!" Halos pabulong na nagsalita si Patty sa tabi niya.
Hindi galing sa mayaman na pamilya si Patty at hindi rin ito scholar katulad ni Arturo pero pinipilit ng magulang nito na mapag-aral ito sa magandang school katulad ng Alejandro University. Sabi nito, gusto raw ng magulang nito na makapag-asawa ito ng mayaman kaya sa ganoong kamahal na school ito pinag-aral pero ito na mismo ang nagsasabi na malabo raw mangyari iyon dahil walang nanliligaw dito sa School. Isa pa, masyado itong hibang sa pop idol na si Ivan de La Vega para magkainteres sa pakikipagdate. Kung alam lang nito na ang actor/singer na hinahangaan nito ay kapatid niya.
"Sinabi ko naman sa 'yo, Patty na huwag ka nang mag-alala sa ticket at bibigyan na lang kita--"
"Alam ko na mayaman ka friend but he is my prince kaya kailangan kong magsariling sikap para lang makabili ng ticket niya. Saka ayaw ko namang samantalahin ang pagiging mayaman mo para lang makuha ang gusto ko 'no. Hindi kita kinaibigan para riyan!"
Nangiti siya sa sinabi ni Patty. Hindi nga siguro kasing ganda o kasing sexy si Patty nang mga nagtangkang makipagkaibigan sa kanya noon sa School na iyon pero isa itong mabuting kaibigan. Ito at si Arturo ay hindi niya magagawang maipagpalit kahit na kailan. Isa pa, ang iba naman doon ay tinangka lang siyang gawing kaibigan noon dahil kay Bryan na sikat na sikat sa School. Hindi katulad nina Patty at Arturo na walang ibang motibo.
"Ikaw ang bahala," sabi na lang niya.
"Patty, kung bibili ka ng ticket sa concert, sasama na rin ako, ha?" Biglang sumingit sa usapan si Arturo.
"Ikaw, sasama? Seryoso ka ba? Akala ko ay ayaw mo kay Ivan de La Vega?" Hindi makapaniwalang tanong ni Patty.
"Nalaman ko kasi na siya ang paboritong singer ni Julia kaya gusto ko sana siyang isurprise. Ang totoo kasi niyan ay kami na, e."
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...