Chapter 4.1: Ivan's Girlfriend (4/23/2020)

11.1K 244 6
                                    

Chapter 4.1: Ivan's Girlfriend
Written By: Felix Alejandro

ILANG ARAW ding hindi umuwi si Ivan dahil sa sama ng loob. Kaya naman laking tuwa ng buong pamilya nang makita ang kotse ng lalaki na papasok sa loob ng garahe ng mansyon. Pero nagulat silang lahat nang makita si Ivan na hindi mag-isa kundi may kasama. Isang babae na sa tingin nila ay girlfriend nito.
"Ivan, anak, masaya ako at nagbalik ka!" Masayang sinalubong ng yakap ni Wilma ang anak.
Hindi kumibo si Ivan.
"Ivan, kinakausap ka ni Mama." Bumakas ang pagkairita sa mukha ni William nang makita ang kabastusan ng kapatid.
"Hayaan muna, William. Baka naninibago lang ang kapatid mo." Sa pagkakataong ito ay naging lenient si Wilma. Ayaw kasi nitong magtampo na naman si Ivan.
"Sino nga pala siya, Kuya?" Para tulungan ang mommy niya na tanggalin ang tensyon ay nagtanong si Nina sa kapatid.

"Oo nga naman, Ivan. Who is she?" tanong din ni Alaric habang matamang tinitingnan ang kasama ni Ivan.
Ang babae ay matangkad, maputi at medyo daring kung magsuot ng damit. Maikli lang ang itim na skirt na suot nito at naksleeveless pa na kita ang cleavage nito. Kung titingnan ay parang mas matanda ito kaysa kay Ivan na 15 years old pa lang. Mukha na itong 21 years old.
"She's my girlfriend at dito na muna siya matutulog ngayong gabi. Sa kwarto ko. Papasok na kami sa loob," walang ganang sagot ni Ivan na bigla na lang silang nilagpasan lahat!
"Wait, huwag mong sabihin na gagawin mong motel itong mansyon? What the hell are you doing, Ivan?!" Nagugulat na tanong ni William.
"Wala kang pakialam," malamig na sagot ni Ivan.
"Bakit ganyan kang sumagot sa akin? Mas matanda pa rin ako sa 'yo!" Si William na ngayon ay nakakalakad na ay lalapitan sana si Ivan para suntukin pero hinawakan na ni Nina ang kwelyo ng damit nito.
Umiling siya at tiningnan ng mapang-unawang tingin si William. Kahit ayaw pa sana ni William na magpaawat ay pinilit nitong magpakalma para kay Nina.
"Kung wala na kayong sasabihin, papasok na kami," nakangising sabi ni Ivan.

-------------

ANG INAASAHANG isang gabi lang ng pananatili ng girlfriend ni Ivan sa mansyon ay umabot ng isang buwan. Ang lahat ay hindi komportable sa pananatili ng babae na iyon lalo na si Wilma. Hindi nito gusto ang girlfriend ni Ivan dahil hindi man lang pormal na nagpakilala sa kanila ang babae. Kung hindi pa nila narinig ang katulong na si Girlie na tinawag ito ay hindi pa nila malalaman na Abby ang pangalan nito.
Paano ba naman kasi, ni hindi sumasabay sa kanila sa pagkain si Abby kahit na tinatawag na nila ito. Ganoon din si Ivan. Madalas ay nagkukulong lang ito at ang babae sa kwarto nito kaya iniisip ni Wilma na gumagawa ng kababalaghan ang dalawa. Nakikita lang nila na lumalabas si Abby sa kwarto sa tuwing naliligo ito sa swimming pool pero kadalasan ay hindi rin ito makausap ng maayos. Pabalag kung sumagot at madalas ay hindi ito namamansin.
"Hindi ko matatanggap na ang babaeng iyon ang mapapangasawa ni Ivan! Napakabastos at hindi man lang magbigay ng respeto sa atin!" Habang kumakain sila sa hapagkainan ay hindi na nakapagpigil pa si Wilma na magsalita.
"Wala tayong magagawa kung siya ang gusto ng anak natin, Wilma." Katulad ng asawa ay ayaw din ni Alaric kay Abby pero wala naman itong magawa dahil si Ivan ang may gusto sa babae.
"Ni hindi natin kilala ang background ng babaeng iyon! Sino ba ang mga parents niya, saan siya nag-aaral? Paano kung drug addict pala iyon?" pagtutol pa rin ni Wilma.
Natigilan silang lahat dahil isang tawa ang narinig nila mula sa pintuan ng dining area.
"Hindi lang yata ang background ni Abby ang hindi ninyo alam. Sa pagkakakaalam ko ay mayroon kayong isang taong kinupkop na hindi man lang nalalaman kung saan ang pinagmulan niya," nakangising pang-aasar ni Ivan na tila naririnig kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Tumigil ka na, Ivan! Subukan mong may sabihin pa at makakatikim ka na talaga sa akin!" babala ni William.
Tumingin ng nakakaloko si Ivan kay Nina. "Nakakatawa lang talagang isipin na kayong lahat ay masyadong concern kay Gladys pero mayroong isang tao sa pamilyang ito na palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung bakit naririto pa." Hindi nagpadala si Ivan sa banta ni William habang si Nina naman ay gulong-gulo na kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Ivan.

"Binabalaan kita, Ivan. Tumigil ka na bago ko pa makalimutan na magkapatid tayo." Sa lahat ay si William ang mukhang takot na takot sa parang nais sabihin ni Ivan kaya naman takang-taka na si Nina.
Mayroon ba siyang hindi nalalaman sa pinag-uusapan ng mga ito? Ano na ba ang nangyayari?
Bago pa man makasagot si Ivan ay bigla na silang may narinig na ingay mula sa taas.

______________

"INUTIL! Sinabi ko ng juice ang gusto ko, bakit tubig ang laman ng baso?! Napakabobo mo! Simpleng utos, hindi mo magawa ng tama!" Kitang-kita nina Nina, Wilma, William at Alaric kung paanong hinagis ni Abby ang basong hawak nito sa may edad na nilang katulong na si Aling Myrna.
Umakyat sila sa kwarto ni Ivan nang marinig nila ang sigawan kanina mula sa dining area.
Kasalukuyang nakahiga sa kama nito ang babae na inabutan ng pagkain ng katulong pero hinagis nito pabalik sa mukha ng pobreng matanda ang baso. Mabuti na lamang at hindi nabasag iyon pero namula ang noo ng matanda!
"Who the hell are you to act like that towards my people? How dare you!" Hindi nakapagtimpi si Wilma at hinila nito paalis ng kama ang nakahubad pa palang babae! Nakatulakbong lamang ito ng kumot kanina!
"Bitiwan mo ako, matanda ka! Ako lang naman ang mapapangasawa ng anak mo kaya may karapatan ako na sigawan ang mga katulong dito lalo na kung tatanga-tanga!" Habang nagpupumiglas kay Wilma ay sumisigaw din si Abby.
"I will never accept as my daughter in law lalo na kung ganyan ang ugali mo! Lumayas ka rito ngayon din! Get out!" paninigaw ni Wilma.
Tumingin naman si Gladys kay Ivan. Nag-iwas lang ng tingin ang nakangising lalaki.
"Fine! Aalis na ako rito! Hindi mo na ako kailangang kaladkarin paalis!" galit na sabi ni Gladys na natatakpan lang ng kumot ang buong katawan.
Kinuha nito ang bag nito sa gilid ng kama at maging ang susi ng kotse na katabi niyon.
"Your car is now mine, Ivan! Iyon na lang ang magiging kapalit ng pagpapalayas n'yo sa akin ngayon!" inis na sabi nito sa lalaki bago tuluyang umalis sa harapan nila.
Nagkibit-balikat lang si Ivan. Tila walang pakialam sa kotse na niregalo pa ni Alaric dito. Well, he can have any new car if he wants. Ganoon kayaman ang buong dela Vega. No wonder, balewala lang para rito ang isang sasakyan pero para kay Nina, dahil galing iyon kay Alaric ay may sentimental value dapat iyon. Pero mukhang hindi ganoon mag-isip si Ivan.
"Ganyan bang klase ng babae ang gusto mong makasama habang buhay ha, Ivan? Don't you have a little bit of taste?! What is happenning to you?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Wilma.
Hindi kumibo si Ivan. Hindi na sumagot pa sa ina na baka lalo lang ikasama ng loob nito.

- ITUTULOY...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon