Chapter 8.3: Sibling's Rivalry
Written By: Felix_Alejandro
PAGKALIPAS NG TATLONG ARAW...
"Mga anak, gusto kong umuwi kayo ng maaga, ha? Gusto kong nandito kayo mamayang gabi dahil alam n'yo naman na 20th wedding anniversary namin ng Papa n'yo ngayon. Gusto kong kumpleto tayong pamilya lalo na ikaw, Ivan. Dapat hindi ka mahuhuli ng dating dahil kung hindi, magtatampo ako sa 'yo." Habang kumakain sa hapagkainan ng almusal ay iyon na agad ang ibinungad na topic sa kanila ni Wilma.
Nasa gitna siya nina Wiliam at Ivan at nasa harapan naman nila ang Mama at Papa nila. Simula nang dumating si Ivan ay palagi na nga silang kumpletong kumakain ng almusal.
"Yes 'Ma, don't worry, makakaasa ka. Wala rin naman akong masyadong eksena na kukunan mamaya kaya maaga po akong makakaalis sa taping," nakangiting sabi ni Ivan.
May sasabihin na naman sanang pambara si Alaric para sa kinaiiritahan na anak nang sikuhin ito ni Wilma. Kaya nanahimik na lang ito kahit na awtomatikong nag-iinit ang ulo kapag nababanggit ni Ivan ang tungkol sa trabaho nito.
"Ayos lang naman sa akin na kanselahin ang lahat ng mga meetings ko mamaya pero hindi kaya dapat ay kayo na lang muna ni Daddy ang magdate? I mean, wedding anniversary n'yo 'yan, you should spend more time together dahil special ang araw na ito for the both of you," suhestyon naman ni William.
"Anak, okay lang kami ng Daddy mo. Aba, palagi na lang kaming magkasama araw-araw, halos magkapalit na nga kami ng mukha, eh! At isa pa, pagkalipas ng ilang wedding anniversary na nagdaan ay ngayon na lang ulit natin makakasama si Ivan. Kaya magiging date ito ng buong pamilya, ' di ba, Hon?" Nakangiting baling ni Wilma sa asawa. At katulad kanina ay nakangiting tumango na lang si Alaric.
"Kung ganoon ay wala na akong magagawa kung ano man ang gusto n'yo. Busy sana ako ngayong araw pero ika-cancel ko iyon para sa inyong dalawa. Gusto ko na maging masaya tayo ngayong araw," nakangiti nang sabi ni William.
"E, kayong magkapatid? Kailan naman kayo mag-aasawa?" Biglang tanong ni Wilma sa dalawang anak na lalaki.
Sabay naman na nabilaukan ang dalawa pagkarinig sa sinabi ng may edad na babae.
Hindi naman alam ni Nina kung sino ang unang painumin ng tubig sa dalawa. Pero dahil mas nauna niyang nakita si Ivan ay dito niya ibinigay ang tubig na hawak. Agad namang kumunot ang mukha ni William nang dahil sa nakita.
"Ikuha mo rin ako ng tubig, Nina!" Parang naiinis na reklamo ni William.
"Ah, oo Kuya!" Natatarantang sagot ni Nina saka nilagyan ng laman ang baso nito at pinainom iyon dito.
Nagtataka naman ang mag-asawa sa ikinilos ni William dahil may isang basong tubig naman sa right side nito. Hindi nito kailangang humingi ng tubig kay Nina.
"Kayo naman! Bakit masyado kayong natetense? Mukhang sa wakas ay may maipapakilala na kayong mga girlfriend sa akin, ha!" pagbibiro ni Wilma na binalewala na lang ang pagtataka sa ikinilos ni Wiliam.
"'Ma, kung girlfriend lang po ay alam ninyong marami ako niyan pero huwag naman kayo agad-agad magbabanggit ng kasal!" sabi ni Ivan.
"Ikaw Ivan, hanggang ngayon ay palikero ka pa rin talaga. Kailan ka ba makukuntento sa isang babae lang, ha?" natatawang sabi ni Wilma. Binalingan naman nito si William. "How about you? You're old enough to get married but until now, you still don't have any girlfriend. Sabihin mo nga sa akin, anak, are you gay?" pagbibiro naman ni Wilma kay William pero medyo nangangamba na nga rin na baka ganoon nga si William dahil kahit kailan ay hindi pa ito nagkakaroon ng girlfriend.
"I don't care about that, 'Mom. Makikihati lang sila sa oras ko sa trabaho," walang kangit-ngiting sabi ni William.
"At bakit kailangan mong ubusin ang oras mo sa trabaho? We're already rich, kahit nga hindi na tayo magtrabaho ay hindi tayo mamamatay. I really want to see you having a girlfriend, William. You're not getting any younger, gusto mo yatang tumandang binata anak, e. Kahit man lang ba nagugustuhan ay wala ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wilma.
"Kahit naman may nagugustuhan na ako ay hindi rin pwede," biglang lumungkot ang boses ni William.
"What do you mean by that?" balik-tanong ng ina.
Napalingon naman si Nina kay William. May nagugustuhan na nga kaya ito? Pero bakit sinasabi nito na hindi raw pwede?
"Never mind, 'Ma. Sigurado naman ako na kapag nalaman niya kung sino siya ay hindi rin kayo sasang-ayon. Maigi nang huwag n'yo nang alamin kung sino."
"25 years old ka na, William, of course, hindi ako aayaw kahit sino pa 'yang magustuhan mo. Kahit nga sa anak ng katulong ay matutuwa na ako, magka-girlfriend ka lang. Bakit mo ba iniisip na hindi ko siya magugustuhan? Bakit hindi mo siya dalhin dito para makilatis ko?" pagpupumilit pa rin ni Wilma. Excited talaga na magkaroon na ng girlfriend si William.
Imbes na sagutin ay isang ngiti lang ang binigay ni William sa ina para umiwas. Binaling nito ang paningin sa kanya.
"Ito ang kainin mo, Nina... Huwag 'yang baboy, ang aga-aga." Inilagay ni William ang egg plant sa plato niya saka tinanggal ang baboy doon papunta sa isang plato na walang laman.
"Salamat Kuya," nakangiting sabi ni Nina.
"Wait, ako ang nagluto ng adobo na 'yan para sa kanya. Paborito iyan ni Nina." Muling kumuha ng bagong adobo si Ivan at inilagay sa plato niya.
"Are you out of your mind? Pag-aalmusalin mo ng baboy si Nina? Nina, isubo mo ito." Sa inis ni William ay sinubuan nito ng isa pang putahe ng gulay si Nina.
"Nina, ito naman ang kainin mo," sinubuan naman ni Ivan si Nina ng hotdog. Nagmamadali namang ngumanga si Nina.
"Ito na lang ang kainin mo, Nina. Huwag 'yan," lettuce salad naman ang sinubo ulit ni William kay Nina.
Hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagsusubo nina William at Ivan kay Nina. Si Nina naman ay nananakit na ang leeg kung sino ang lilingunin.
"Ito pa, Nina, tikman mo!" sabi ni Ivan. Sinubuan ulit si Nina.
"Huwag 'yan, mas masustansya ang gulay!" Ayaw namang magpatalo na si William.
"Kuya, sandali, iinom muna ako—"
Halos nagkasabay pang dumampot ng tubig ang dalawang lalaki at itinapat sa mukha ni Nina. Hindi tuloy malaman ni Nina kung ano ang aabutin niya. Baka pagmulan na naman iyon ng selosan ng dalawa.
"Nina, ito ang inumin mo," sabi ni Ivan.
"Huwag mong inumin ang inaabot niyang tubig, hindi ka sigurado kung malinis," pang-aasar naman ni William.
"STOP IT!" Ang nanonood lang sa nangyayari na si Alaric ay hindi na nakapagtimpi. Kahit ang mga katulong na nakatayo lang sa likuran nila at nagbabantay ay nawiwirduhan na sa ikinikilos nina Ivan at William.
"Ano bang ginagawa ninyo at para kayong mga bata? Tama ba namang magtalo kayo sa harap ng pagkain? I'm so disappointed with the both you! Kahit sa 'yo, William! Ineexpect ko pa naman na mature kang mag-isip kung ikukumpara kay Ivan pero parang parehas lang pala kayo. Nakikipagkumpetensya ka pa sa kanya!" panenermon ni Alaric na tuluyan nang nawasak ang pangako kay Wilma na magpapakalma at hindi manenermon sa kahit kaninong mga anak nila.
Bumuntong-hininga si William. "Sorry, 'Dad, hindi na mauulit," malumanay nang sabi nito.
"Ayaw ko nang maulit ang ganyang behaviour sa harap ng pagkain, nagkakaintindihan ba?" muling sabi ni Alaric.
"Yes, 'Pa," sabay-sabay na sagot nilang tatlo.
Sa sandaling iyon ay nagkaroon na ng idea ang lahat ng nakasaksi sa nangyari sa harap ng hapagkainan. Sina Ivan at William ay tila may lihim na kumpetensyon sa atensyon ni Nina...
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...