Chapter 9.1: Unexpected Kiss (5/2/2020)

8.1K 162 1
                                    

Chapter 9.1: Unexpected Kiss

Written By: Felix Alejandro

Sa school...

Maagang pumasok ng umagang iyon si Arturo para panoorin ang practice ng cheering squad mula sa Gym. Wala pa sina Nina at Patty kaya mapapanood niya sa malayo si Julia habang nagpapratice ito nang walang nang-aasar sa kanya.

Halos mapalunok siya sa kagandahan ni Julia. Ang sexy-sexy nito at ang lambot-lambot pa ng katawan. At wala itong kakyeme-kyeme kahit hinahagis na ito sa ere. Matapang talaga.

"Guys, tama na muna 'yan! Mamaya na lang ulit, may klase pa tayo! Malapit na tayong matapos sa mga steps natin! Bukas buo na 'yan!" Nakangiting sabi ni Julia sa lahat saka na naghiwa-hiwalay ang mga ito.

Nataranta siya nang mamataan na papalapit ito sa gawi niya. Wait, siya ba talaga ang nilalapitan nito?

Bigla siyang kinabahan habang naglalakad ito palapit sa kanya. Mabilis na inayos niya ang salamin sa mata at pagtingin niya rito ay hindi niya namalayan na nakatabi na pala ito sa kanya sa bench na kinauupuan niya.

"I'm sorry kung hindi kita masyadong napansin noong nag-usap tayo noong nakaraang araw, ha? I hope hindi iyon ang maging dahilan para isipin mo na suplada ako. Masyado lang kasi akong busy no'n. Pero dahil narealize ko na ang pagkakamali ko, sa tingin ko ay dapat na bumawi ako sa 'yo," mapang-akit na sabi nito at naaakit naman siya.

"Ah, w-wala 'yon, Julia ikaw pa ba? Huwag mong i-intindihin 'yon!" Nabubulol na naman siya. Hindi niya talaga maiwasan iyon kapag kaharap niya ito.

"Hindi. Kailangang bumawi ako sa 'yo. How about a date? Naaalala ko no'ng mga bata pa tayo, kahit doon lang tayo naglalaro sa park, ang saya-saya na natin no'n," matamis na ngiti nito.

"Talaga? Naaalala mo pa 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi niya inakala na ang maliliit na detalye tulad niyon ay naaalala pa nito. Akala niya ay kapangitan at pangalan lang niya ang naaalala nito, e.

"Sus ikaw talaga, bakit ko namang makakalimutan e, first crush nga kita noon!" Paglalandi ni Julia.

"A... Ako, first crush mo?" Hindi na siya makahagilap ng sasabihin. Para na lang siyang tanga na pinapaulit-ulit ang sinasabi nito. Sino'ng mag-iisip na pareho pala sila ng nararamdaman?

"Oo naman! Gusto mo. patunayan ko pa, eh!"

"Paano naman—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana niya dahil bigla na lang hinila ni Julia ang batok niya palapit dito saka siya siniil ng halik.

Nanlaki ang mga mata niya! Hinahalikan siya ni Julia!

-------------------

HALOS MABITAWAN naman ni Nina ang mga librong hawak-hawak niya nang makita ang ginagawa nina Arturo at Julia. Maaga siyang nakarating sa School dahil walang traffic at nahulaan niya na baka nasa gym lang si Arturo kaya pumunta siya roon at iyon na nga ang naabutan niya. Naghahalikan sina Arturo at Julia at tila walang pakialam sa paligid ang mga ito!

Hindi na siya nakapagpigil at tumalikod na siya paalis ng gym.

Pumunta siya sa CR at namalayan na lang niya na umiiyak na pala siya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bigat-bigat ng dibdib niya at tila siya ay nanghihina. Parang may tumutusok na karayom sa puso niya habang bumabalik sa isipan niya ang paghahalikan nina Julia at Arturo.

Does it mean that she likes him? Hindi siya makapaniwala, matagal na silang magkaibigan ni Arturo, magdadalawang taon na pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng ganito? Ano pa nga bang explanation sa nararamdaman niya ngayon? She even dreamt of kissing him when she got sick at parang totoong-totoo sa pakiramdam niya iyon.

Bumuntong-hininga siya at nagpakalma. Baka nagkakamali lang siya ng iniisip. Tama, she's too young for this. Hindi niya dapat ientertain ang iniisip dahil magkaibigan sila ni Arturo at ayaw niyang masira ang friendship nila lalo pa at magkaibigan sila.

Kailangan niyang ibaon kung anuman ang nararamdaman niya para rito!

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon