Chapter 3.2: I Will Never Accept You! (4/22/2020)

11.5K 246 5
                                    

Chapter 3.2: I Will Never Accept You! (4/22/2020)

Written By: Felix Alejandro

"MASAYA ako na kumpleto tayo ngayong kumakain dito sa hapagkainan. Ito ang kauna-unahang beses na nangyari ito dahil madalas ay palagi lang sa kwarto nito kumakain si William at ikaw naman Ivan ay masyado kang busy sa pagbibinata mo." Iyon ang unang sinabi ni Wilma ng lahat sila ay sama-sama nang nakaupo sa lamesa.

Totoo ang sinabi nito. Iyon nga ang kauna-unahang pagkakataon na makakasabay nilang kumain si William dahil ngayon ay talagang nakakalakad na ito ng maayos. Si William nga lang yata ang dahilan kung bakit pumayag si Ivan na sumabay sa kanila sa pagkain. Madalas kasi ay busy ito sa modeling career nito kaya madalas na wala sa bahay.

"I'm busy doing something for myself. I'm done begging for your attention, Mommy na halata namang kay Nina n'yo lang kayang ibigay," masungit na sabi ni Ivan.

"Ivan, shut up! This day is supposed to be our first dinner together. Don't ruin it!" pananaway ni Alaric.

"Fine!" wala na ring nagawa pa si Ivan kundi ang manahimik.

"Believe me, Ivan. Whether you believe it or not, pantay ang pagmamahal ko sa inyong tatlong mga anak ko. Huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal dahil lang hindi ako nagpofocus sa 'yo. Nina is your younger sister and William has been sick while you are healthy. Sana lang ay maintindihan mo iyon," pilit na pagpapaunawa ni Wilma sa anak.

"Whatever."

Nag-iwas na lang ng tingin si Ivan at hindi na rin pinatulan pa ni Wilma ang pagtatantrums ng anak. Kumain na lamang sila ng matahimik.

"Nina, taste this. This is one of my favorites." Nakangiting binigay ni William ang ice cream na kinuha nito mula sa lagayan at inilagay iyon sa platito ni Nina. Hindi pa nakuntento ang lalaki at sinubuan pa nito si Nina.

Napailing na lang si Ivan. Katulad niya ay ayaw din ni William kay Nina noon pero ngayon, kapag tiningnan mo ang lalaki ay parang in love na in love na ito kay Nina.

Aaminin niya, nagkaroon siya ng kaunting respeto kay Nina dahil ito ang dahilan kaya nakakakalakad nang muli ang Kuya niya but it's still not enough reason para magustuhan niya ito. Hinding-hindi niya matatanggap bilang kapatid si Nina. Anak lang ito ng isang pulubi kaya wala itong karapatan para maging isa sa tagapagmana ng mga magulang nila. He hates her!

Maya-maya, nagulat siya nang biglang may nilagay sa tabi niya si Nina. Iyon ang buko salad na ginawa nito.

"Para sa 'yo talaga ito, Kuya Ivan. Wala akong masyadong talent sa pagluluto o kahit sa paggawa ng mga desserts pero sinubukan ko pa rin dahil nalaman ko na sasabay ka sa aming kumain. Sana magustuhan mo," nakangiting sabi nito.

Ngumisi siya. "At bakit naman ako kakain ng gawa mo, ha, Nina? Kung iniisip mo na mauuto mo rin ako kagaya ni Kuya William ay nagkakamali ka. Hinding-hindi kita magugustuhan kahit ano pa man ang gawin mo," pang-iinsulto niya rito.

"That's enough! Kanina ka pa namumuro sa akin, Ivan! Hindi kita pinalaki para maging bastos ka lang!" Hindi na makatiis si Alaric sa nakikitang pambabastos ni Ivan kay Nina. Nangialam na naman itong muli.

"Say sorry to her, Ivan. Huwag mong kalimutan na kung hindi dahil kay Nina ay hindi sana ako makakalakad ngayon. Utang ko sa kanya ang buhay ko at bilang kapatid mo, dapat maging thankful ka man lang sa kanya." Maging si William ay napagsalitaan na rin ang kapatid.

Hindi na nakatiis si Ivan at tumayo na ito sa pagkakaupo.

"So what? It doesn't concern me, Kuya Ivan. Normal lang na may gawin siya para sa pamilyang ito dahil bakit nga namang hindi? Nakakatira siya rito ng libre at pinag-aaral pa siya nina Mama at Papa. Itinuturing siyang pamilya kahit na kung tutuusin ay am—" Hindi na naituloy ni Ivan ang sasabihin pa sana nito dahil bigla na itong nilapitan ni Wilma at sinampal sa mukha bago pa man nito masabi ang itinatagong sikreto ng pamilya.

"How dare you say that, Ivan! Walang ginagawa si Nina sa 'yo para tratuhin mo siya ng ganyan! You're my son but if you will keep on disrespecting Nina, mapipilitan ako na itakwil ka na!" Sa pagkakataong ito ay si Wilma na ang pinakagalit sa pamilya.

Napayuko si Ivan dahil sa narinig mula sa sariling ina. Alam ni William na nasaktan ang kapatid.

Maya-maya ay tumawa ng nakakaloko si Ivan. "Why don't you do that, Mommy? Hindi ba, dati pa lang naman, simula nang dumating sa pamamahay na ito ang babaeng iyan ay parang kinalimutan n'yo na rin ako bilang anak ninyo? Inagaw ni Nina ang pagmamahal ninyo ni Daddy at pati si Kuya William ay nauuto na rin niya. I hate her! I will never accept her!"

Iyon lamang at nagwalk out na si Ivan. Tinangka nilang humabol lahat dito pero tila walang naririnig na mabilis lang na naglalakad si Ivan.

"Ivan! Come back here! I'll take back what I've said! I'm sorry, Son!" pahabol na sumisigaw si Wilma pero dumiretso lang si Ivan sa paglalakad.

Nang makarating sa labas ay sinenyasan nito ang guard na buksan ang gate saka ito sumakay sa kotse nito na parang walang naririnig. Pinaandar nito iyon hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng gate.

"Wilma, stop it. Let him be. Maybe he just need time to think," pagpipigil ni Alaric sa asawa nang tila hahabol pa ito sa umaandar na kotse ni Ivan.

Yumakap naman si Wilma kay Alaric. "He's my son but I don't know what to do with him anymore.." Umiiyak na sabi ni Wilma sa asawa.

Sa mga nangyayaring iyon. Walang magawa si Nina kundi ang sundan na lang ng tingin ang kotse ni Ivan na unti-unting nawawala sa paningin nila. 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon