Chapter 6.2 : Jealousy
Written By: Felix Alejandro
"KUYA IVAN!" Nang marating ang garahe ay tinawag niya ang papasakay pa lang na si Ivan. "Pwede ba akong sumabay sa 'yo?" nakangiting tanong niya.
"Oo naman. Bakit namang hindi?" Pinilit na ngumiti ni Ivan kahit malungkot pa rin ito.
Lumapit si Nina sa kapatid.
"Kuya, huwag mo na sanang masyadong isipin iyong sinabi ni Papa. Ayaw lang talaga niya na maging artista ka sa ngayon pero sooner or later ay sigurado ako na matatanggap din niya na iyan talaga ang gusto mong maging trabaho. Kailangan lang natin na maghintay hanggang sa lumambot ang puso niya." Hinawakan ni Nina ang kamay ni Ivan para mapaglubag ang loob nito.
"Hindi na rin ako masyadong umaasa pa riyan, Nina. Kahit kailan naman ay wala akong ginawa na sinuportahan ni Papa. Palaging si William ang magaling sa paningin niya purkit sumunod lang sa yapak niya na maging businessman. Kung tutuusin, William is an artist that's why I don't even know why he choose to be a businessman instead. Para ba maplease lang sina Papa? Sa totoo lang ay hindi ko na talaga alam," sagot naman nito.
"Huwag mo nang ikumpara ang sarili mo kay Kuya William, Kuya Ivan. Kahit naman siya ngayon ang paborito ni Papa ay hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi ka na mahal ni Papa. Huwag mong sabihin na sinabi ko sa 'yo ah, pero alam mo, sa totoo lang ay ilang beses ko na siyang nahuhuli na palihim na pinapanood ang mga shows mo sa TV. Masyado lang siyang mapride at medyo hindi pa rin siya sumusuko na sumunod ka sa yapak nila ni Kuya William pero alam ko na no'ng nawala ka ay namiss ka rin niya. Ayaw lang niyang aminin iyon kaya palihim na lang niyang ginagawa," halos pabulong na sabi niya kahit na wala namang ibang makakarinig sa kanila roon.
"Talaga? Nakita mong ginawa iyon ni Papa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ivan na napalitan ng galak ang malumbay na mukha kanina.
"Oo! Kaya huwag ka nang magtampo kay Papa! Masyado lang siyang mapride pero sigurado ako na matatanggap din niya ang work mo. Ikaw pa e, ang galing-galing mo yata. Kahit nga ako ay kinikilig kapag may mga eksena kayo ni Ate Tonette sa TV, e!" Nakangiting sabi ni Nina na binanggit pa ang kalove team ni Ivan sa movie at sa telebisyon.
"Ibig bang sabihin niyan ay palagi mo rin akong pinapanuod?" Paglalambing ni Ivan.
"Oo naman, 'no! Kapatid yata kita!"
"Oo, kapatid mo ako at mukhang iyon lang ang dahilan kung bakit mo ako sinusuportahan! Halika nga rito!" Bigla siyang hinila ni Ivan palapit saka siya kiniliti.
Siya naman ay panay ang tawa. Hinihila pa ni Ivan ang ulo niya palapit sa kili-kili nito para lang asarin siya.
Nagulat na lamang siya nang biglang may humila sa kanya palayo kay Ivan.
"Ang akala ko ba ay nagmamadali kayo? Ano at naabutan ko pa kayo rito sa garahe na parang mga bata na naghaharutan?" Ang iritableng tinig ni William ang narinig nila.
"Sabihin mo nga sa akin, Kuya William, bakit ba ang KJ mo? Masama bang makipagbiruan ako kay Nina, ha?"
"Biruan ba ang tawag mo riyan? Para kayong mga batang naglalaro at base sa nakita ko ay ikaw ang pasimuno. For god's sake, hindi naman kayo mga elementary! No wonder, wala kang nararating sa buhay dahil napaka isip bata mo. Mabuti pa nga siguro ang ganyan. Ang mag artista ka na lang dahil wala ka namang utak!" pagsigaw pa ni William.
Nagkuyom ang dalawang kamay ni Ivan. Nainsulto ito at akmang susuntukin na si William nang biglang nagsalita muli ang lalaki.
"So you're going to punch your older brother now? Why? You can't accept the fact that you're a loser? Without your handsome face, what can you achieve?" Muling pang-iinsulto ni William.
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ni Ivan sa kamao nito pero pinilit nitong magpakalma. Hindi pa rin nito makakalimutan na si William ay nakakatandang kapatid nito. Bumuntong-hininga si Ivan saka ngumisi.
"How about you? Naiinis ka ba talaga sa akin dahil para akong bata kung kumilos o baka dahil nagseselos ka lang? Bakit hindi mo na lang aminin na ang totoong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ay dahil gusto mong masolo si Nina. Dalawang taon mo na siyang nasosolo, hindi ba? Pero ako, ngayon lang akong dumating ulit, hindi ba fair iyon na ngayon ay ako naman ang samahan niya? You're a selfish bastard, William!" Sa pagkakataong ito ay si Ivan naman ang sumigaw at si William naman ang nagkuyom ng kamao.
"Mga kuya, pwede bang tama na 'yan? Huwag na kayong mag-away, please?" Si Nina ay pumagitna na bago pa man tuluyang magkasakitan ang dalawa.
"Maybe you're right, Ivan. Maybe I'm just jealous. You just came back kaya wala kang karapatan na agawin sa akin si Nina. She's mine at hindi kita papayagan na angkinin mo siya, naiintindihan mo?!" Hindi na sumisigaw si William pero madiin na ang pagbibitiw nito ng mga salita. Mahigpit na rin ang hawak nito sa mga kamay niya.
"Nina is not a toy, William. Mas pinili niya na ako ang sabayan ngayon para pumasok kaya ako ang may karapatan na ihatid siya. Hinding-hindi kita uurungan kung gusto mo na maglaban tayo para sa kanya. Just say the word and I'll fight!" Ayaw naman magpatalo na sabi ni Ivan.
"Stop it! Huwag na kayong magtalo kung pwede lang. I'm sorry, Kuya William pero kay Kuya Ivan na muna ako sasabay ngayon. Kung gusto mo, ikaw na lang magsundo sa akin mamayang gabi," pakiusap niya kay William.
"But—"
"Please?" pakiusap pa rin niya.
"Fine." Wala na ring nagawa pa si William.
"Thank you, Kuya!" Muli niyang hinalikan sa pisngi si William saka na siya pumasok sa loob ng kotse ni Ivan.
Iniwanan pa ng nakangising ngiti ni Ivan si William bago ito tuluyang sumakay sa kotse nito.
Pagdating sa School..
"Kuya, dito na lang ako baba," sabi ni Nina.
"Bakit dito e, ang layo pa nito roon sa School ninyo, ah? Ihahatid na kita hanggang sa loob," nagtatakang sabi ni Ivan.
"Hindi na, Kuya. Lalakarin ko na lang, konting lakad na lang naman. Saka isa pa, hindi kasi alam ng mga schoolmates ko na kapatid kita kaya sigurado na magkakagulo lang doon sa loob kapag nakita ka nila. Sobra ka kayang popular dito. Okay na ako rito," sabi pa ni Nina.
Hindi na rin nagpumilit pa si Ivan. Ayaw din naman niya na makilala siya ng mga kaklase ni Nina bilang Kuya nito.
Mula sa loob ng kotse ay tinatanaw pa rin niya si Nina. Hinihintay pa niya na makapasok ito sa gate bago siya tuluyang umalis.
Biglang may sumalubong kay Nina nang malapit na ito sa gate. Isang matabang babae at isang nerd looking na matangkad na lalaki. Nagpasalamat siya kahit papaano na hindi magandang lalaki ang kasabay ni Nina papasok. Hindi siya papayag na magkaroon ng boyfriend si Nina. Mas okay na rin na mukhang mga simpleng tao lang ang kaibigan nito kaysa gwapo o maganda katulad nito. Mas gusto niya na magfocus muna sa pag-aaral si Nina at hindi sa love life nito dahil hindi niya matatanggap iyon kapag nalaman niya na may boyfriend na ito.
Nang masigurong safe na si Nina ay umalis na rin siya sa School.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...