Chapter: 2.1: William, The Cripple.
Written By: Felix Alejandro
Tuwang-tuwa si Nina nang matapos niyang lagyan ng maraming design ang cake na ginawa niya para ibigay kay William. Nilagyan pa niya iyon ng icing na may nakasulat na 'Please smile, Kuya William' na may smiley pa at heart sa gitna.
Kung hindi nagustuhan ni Ivan ang cake na ginawa niya para rito, baka sakaling si William ay maappreciate iyon.
Bagama't hindi siya pinapansin ni William at hindi rin siya nginingitian o kinakausap, at least ay hindi naman siya nito sinisigawan at pinapahiya katulad ng ginagawa ni Ivan sa kanya. Sa tingin niya ay mas madali niyang makukuha ang loob nito kaysa kay Ivan.
Umakyat siya sa kwarto ni William mula sa kusina at kumatok doon pero walang sumasagot. Alam naman niya na naroon lang ito dahil hindi naman ito lumalabas ng bahay. Kaya naman pumasok na lang siya pero halos mabitawan niya ang cake na hawak nang makita ang sitwasyon nito. Hirap na hirap si William na maitayo ang wheelchair nito dahil nahulog ito mula sa pagkakaupo roon!
Dali-dali niyang ipinatong ang cake na hawak sa lamesang naroon at agad siyang lumapit sa kapatid at tinulungan ito.
"Kuya William! Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong niya matapos niyang maiayos ang pagkakaupo nito.
Hindi ito umimik at tinitigan lang siya nito ng masama. Nang hindi siya magsalita ay Walang pakialam na muli nitong dinampot ang paint brush na nasa isang tabi at ipinagpatuloy na lang ang pinipinta nito.
Namangha siya nang makita ang painting nito. Napakaganda niyon at tila ba ginuhit iyon ng isang propesyunal na mangguguhit. Ang motif ng painting nito ay heaven. Masayang nagliliparan ang mga anghel sa painting nito habang nakatingin sa langit.
"Kuya! Ang ganda naman nito! Bakit hindi mo subukang magsubmit ng mga painting mo sa mga museum o kaya sumali ka sa National Competition?" nakangiting suggestion niya.
"Kung nagpunta ka rito para mang-istorbo ay pwede bang umalis ka na lang? Nakakaabala ka sa akin!" malamig na sabi nito.
Medyo nasaktan man ay sanay na siya kay William. Hindi lang iyon ang unang beses na ipinagtabuyan siya nito. Maraming beses na rin. Pero katulad ng sinabi niya sa Mama niya ay hindi niya susukuan ang kapatid. Hindi siya titigil hanggang hindi sila nagiging close sa isa't-isa.
"Kuya, alam kong makulit ako at palagi kitang iniistorbo sa ginagawa mo pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko pa rin ititigil ang ginagawa ko dahil iyon lang ang nakikita kong paraan para mapalapit sa 'yo. Gusto kong malaman mo na kung ano man ang ginagawa mo rito sa loob ng kwarto mo ay naaappreciate ko 'yun. Gustong-gusto ko ang mga paintings mo at malaki ang kumpyansa ko sa 'yo."
Sa kabila ng sinabi niya ay tila wala man lang reaksyon ang mukha ni William. Pinagpapatuloy lang nito ang ginagawa nito na para bang wala siya roon.
Tumayo na siya mula sa tabi nito at kinuha ang cake mula sa lamesang malapit sa pinto at ipinatong iyon sa isa pang lamesa na malapit dito.
"Ako mismo ang gumawa ng cake na ito, Kuya. Para sa 'yo talaga ito. Sana ay magustuhan mo. Iiwan ko na lang dito, ha?"
Hindi na naman sumagot si William. Parang wala pa ring pakialam.
Bumuntong hininga na lang siya saka na binuksan ang pinto para lumabas.
- TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED
Romance2 guys obsessed with 1 girl. But what if, ang dalawang lalaking ito ay inaakala niya na kapatid niya? Sa pagkamatay ng mga magulang nila, malalaman niya na siya ay ampon lang pala. Pero paano kung plano ng dalawa na angkinin siya, hindi bilang kapat...