Chapter 5.1: Ivan Is Back! (4/25/2020)

10K 255 4
                                    

Chapter 5.1: Ivan Is Back!

Written By: Felix Alejandro

7 YEARS LATER...

17 years old na si Nina at kasulukuyan na siyang first year college sa Alejandro University. BSIT ang kinuha niya dahil mahilig siya sa computer.

Ang kuya William naman niya ay isa na sa pinakabata at pinamayamang entrepreneur sa bansa sa edad na 25. Mahilig pa rin naman sa pagpipinta si William pero imbes na gawing propesyon ay ginawa na lamang nitong hobby iyon. Anito, hindi naman daw ito yayaman sa pagpipinta lang pero kahit ganoon, hindi pa rin naman nito tuluyang iniiwan ang hilig.

Si Ivan naman ay naging sikat na singer/actor. Malaki na ang naging achievements nito sa showbizness at wala itong mga pelikula na hindi nag-box office at maging ang mga albums nito ay nagkaroon na rin ng maraming awards. Kung titingnan ay parang mahirap ng abutin ang kapatid lalo pa at halos lahat ng babae sa School nila ay fan nito. Pero hindi niya sinasabi kahit kanino na kapatid niya ito para maiwasan ang pagtatanong. Ayaw din naman niya na kulitin siya ng mga babaeng may gusto rito. Mabuti na nga lang at walang nakakaalam sa showbizness na sila ang pamilya nito dahil ayaw ding ipaalam ng Mommy at Daddy nila na parehas na pribado ang mga buhay.

Nang umagang iyon ay papunta na sila sa labas ng mansyon para pumasok sa school. Ihahatid daw siya ni William bago ito pumasok sa office. Nahinto sila sa pagpasok sa sasakyan dahil bigla na lang may pumasok sa garahe na isang sasakyan at lumuwag ang ngiti niya nang makita kung sino ang niluwa ng kotse. Walang iba kundi si Ivan.

"Kuya Ivan? Ikaw nga ba 'yan?" Kinusot pa niya ang mga mata para lang makasiguro.

Hinubad ni Ivan ang suot nitong shades kaya naman tumambad sa mukha nila ang gwapo nitong anyo. Kumukutitap ang puti nitong mga ngipin at kumikislap ang malilinaw at itim na itim nitong mga mata na tila nangungusap. Ang kilay ni Ivan ay may kakapalan, ang ilong nito ay napakatangos at mapula rin ang labi nito na bumagay sa maputing balat nito. Ang suot nito ngayon ay nakaleather jacket na natatabunan ng simpleng puting tshirt sa loob. Makintab din maging ang pantalon na suot nito na itim na itim din. Kahit saang anggulo ay madating at gwapong-gwapo si Ivan. Hindi kataka-takang mabilis nitong napasok ang showbizness.

"Namiss mo ba ako?" nakangiting tanong nito.

"Kuya Ivan!" Sinugod niya ito ng yakap.

Mahigpit na niyakap naman siya nito.

"Miss na miss na nga kita, Kuya Ivan! Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nang maghiwalay sila ng yakap ay natanong niya agad.

Sa gulat niya ay bigla na lang nitong hinaplos ang mukha niya. "Hindi na ako aalis ulit, Nina. Hinding-hindi na kita iiwan..." sabi nito na tila malungkot.

Nagtataka naman na nabigyan niya ito ng tingin. Bakit parang nangungusap ang mga mata ni Ivan? Parang may nais itong sabihin pero hindi lang nito masabi?

"Kuya, may problema ka ba?" nagtatakang tanong niya.

"Nagdesisyon na ako, Nina. Hindi na kita pakakawalan pa..." Muling naging palaisipan sa utak niya ang sinabi nito.

Doon na lumapit ang kanina pang nanonood sa kanila na si William. Hinawakan nito ang siko niya palayo kay Ivan.

"Halos dalawang taon ka ring nawala at mas inuna mo ang career mo, pagkatapos ngayon mo sasabihin na hindi ka na aalis? Ano ba ang tingin mo sa pamilya natin, ha, Ivan? Aalisan mo at babalikan kung kailan mo gusto?" nakasimangot na tanong ni William.

Malalim na tiningnan lang ni Ivan si William. "Alam mo ang dahilan kung bakit ako umalis in the first place, William. Atleast ako ay may ginawa para makalimot pero ikaw, ano'ng ginagawa mo hanggang ngayon? Nakabantay ka pa rin na parang isang aso!" nangangahulugan na sabi ni Ivan na lalong nagpasakit sa ulo niya.

Yung totoo? Ano'ng pinagsasasabi ng mga ito? Bakit parang may alam ang mga ito na ang mga ito lang ang nakakaalam?

"Ivan? Is that you? My god, son! It's really you! I'm so happy to see you!" Mula sa labas ng pintuan ng mansyon ay lumabas ang Mommy at Daddy nila.

"Yes, it's me and I will never leave you guys again. I'm going to stay here for good," pagbabalita ni Ivan na tila saglit na kinalimutan ang tensyon sa pagitan nito at ni William.

Katulad niya ay sumugod din ng yakap dito si Wilma. Siya naman ay hinawakan na ni William sa siko at iginiya papunta sa kotse.

"We no longer have time, Mommy. Aalis na kami ni Nina," paalam ni William.

"Sayang naman, kung kailan dumating ang kapatid ninyo. Anyway, agahan ninyong umuwi mamaya, ha? Ako mismo ang magluluto para icelebrate ang pagbabalik sa atin ni Ivan!" masayang sabi ng ina.

Tumango na lang si William saka na siya pinasakay sa kotse. Pag-upo sa sasakyan ay kumaway pa siya mula sa loob sa kararating lang na si Ivan. Masayang-masaya siya na makukumpleto na namang muli ang pamilya nila.

Naalala pa niya 7 years ago, noong sampung taong gulang pa lamang siya ay alam niyang ayaw sa kanya ni Ivan sa hindi niya malamang dahilan. Pero simula noong araw na muntik na siyang iwala nito ay naging malapit na ito noon sa kanya. Nagulat nga ang buong pamilya nila noon sa biglaang pagiging close nila ni Ivan. Halos hindi umuuwi noon ang lalaki na wala itong pasalubong sa kanya.

Pero simula no'ng mag-fourteen years old siya ay muling bumalik sa pagiging playboy nito si Ivan sa hindi niya malaman na dahilan. Bigla ay nawalan na naman ito ng oras para sa kanya to the point na halos hindi na siya nito kausapin. Ni hindi nga ito makatingin sa kanya noon ng diretso habang si William naman ay halos ibaby na siya dahil sobra itong kung mag-alala sa kanya.

Umalis noon si Ivan sa mansyon sa kabila ng pagtutol ng mga magulang nila at sa loob ng dalawang taon ay naging sikat na singer/actor na agad ito. Sobrang bilis lang nitong sumikat dahil na rin sa angkin nitong kagwapuhan. Nawalan sila ng contact dito hanggang sa bumalik na nga ito ngayon.

Habang nasa byahe sila ni William ay napapangiti siya. Kakaalis pa lang nila, pakiramdam niya ay parang gusto na agad niyang bumalik sa bahay. Gusto niyang makakwentuhan si Ivan.

"Kung anuman ang sabihin sa 'yo ni Ivan mamaya ay huwag mong paniniwalaan, Nina." Nang marating nila ang school ay sabi ni William.

"Ano naman ang sasabihin ni Ivan, Kuya William? May dapat ba akong malaman?" nagtatakang tanong niya.

"Masyado pang maaga para malaman mo ang tungkol do'n. Sige na, pumasok ka na at baka malate ka pa," sabi nito.

Nagkibit-balikat na lang siya saka sumunod na sa sinabi nito. Bumaba siya ng kotse kahit nawiwirduhan pa rin sa kilos ng dalawang kapatid saka na naglakad papunta sa gate ng School. 

- TO BE CONTINUED...

My Two Obsessive Brothers (Slight SPG) Obsession Series # 1 - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon