Votes and comments will be highly appreciated!!!
Bhea's POVLUMINGA ako sa paligid para hanapin si Althea. Kanina pa akong naghihintay dito pero ni anino n'ya ay wala. Hindi ako mapakali. Ilang minuto na lang kasi at magsisimula na ang klase. Absent na naman ba s'ya?
"May hinahanap ka?"
Kamuntikan na akong mapatalon nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Kumulo naman agad ang dugo ko nang makita kung sino ang nagsalita.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal ko. Ang sarap hampasin ng bag ang kanyang mukha.
"Kanina pa kaya kita tinatawag," nag-pout pa s'ya. "Kasalanan ko ba'ng bingi ka?"
Mas lalo naman akong nairita. Para s'yang bakla kapag nagpa-pout. Inirapan ko na lang s'ya saka ako nagpatuloy sa paghahanap kay Thea.
"Sino ba kasi ang hinahanap mo?"
Napabuntong hininga naman ako. "Pwede ba? Bumalik ka na lang sa room mo at baka ma-late ka pa. 'Di ba bawal sa section one ang mahuli kahit isang segundo."
Ngumisi lang naman s' ya. "Oo, pero wala akong pakialam."
Hindi na lang ako umimik. Pinili ko na lang maupo sa isa sa mga benches na naroon. Kanina pa din nangangawit ang binti ko.
"Nakita mo na ba ang aking sinta?" aniya saka naupo din sa tabi ko.
Umusod naman ako palayo sa kanya. Napakamanhid talaga ng lalaking ito, hindi ba n'ya mahalata na ayaw ko s:yang makausap?
"Alam mo Lorenz, ang corny mo! Kaya walang sumeseryoso sa'yo kahit matalino ka."
"Ang sakit mo naman magsalita," humawak pa s'ya sa dibdib. "May I remind you, ang taong nilalait mo ay nasa rank two sa buong school."
Natawa naman ako. "Oo, habang buhay ka na sa rank two dahil hindi mo matalo si Jian."
Allergic s'ya kapag si Jian na ang topic at ikinumpara sa kanya. Palibhasa kasi ay insecure kaya mabilis mainis kapag rankings na ang usapan.
"Makikita mo balang araw, matatalo ko din si Jian!"
Napaismid naman ako. Libre naman mangarap.
"Lalo na ngayon, inspired ako kay Thea my loves. Mas ganado ako mag-aral."
Natatawa pa din na binalingan ko s'ya. Marahan ko din tinapik ang kanyang balikat. "Sorry, pero kay Jian s'ya may gusto."
Kagaya ng inaasahan ko, umusok na ang tainga n'ya sa inis. Ibinato n'ya sa damuhan ang hawak na bag saka masamang tumingin sa akin. Pikon.
"Hindi ko alam kung anong nakita n'yo sa batong iyon," mariin n'yang saad. "Suplado na nga, wala pang pakialam sa paligid. Kung ako sa inyo, mas piliin n'yo iyong lalaking hindi lang gwapo, kundi friendly pa."
Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Sino'ng gwapo?"
"Ako!"
Nandidiri na tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Magkape ka nga para kabahan ka naman sa sinasabi mo!"
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...