#SYLMT 43

80 13 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
         
          
MABILIS akong lumabas ng classroom nang makuha ko ang result ng final grades ko. Hindi ko pa nakikita, at ayaw kong makita. Paano kung bagsak ako? Mauuwi lang sa wala lahat ng pinahirapan ko.

Naupo ako sa malapit na bench habang hinihintay si Bhea at Wayne. Malungkot na pinagmasdan ko ang paligid. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Jian. Wala akong balita. Kahit sina Mama ay hindi nagsasalita sa akin kahit nabanggit ko na ang tungkol sa nangyari sa amin ni Jian. Pakiramdam ko ay may itinatago sila sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw ko na papalapit na si Bhea.

"Nasaan si Wayne?" tanong ko nang nakalapit na s'ya.

Hindi naman s'ya umimik. Naupo lang s'ya sa tabi ko habang nakatulala.

"Bhea?" siniko ko s'ya.

Malungkot na tumingin s'ya sa akin. Bigla naman akong kinabahan. "A-ano'ng problema?" nag-aalala kong tanong.

Bigla naman s'yang yumakap sa akin at umiyak.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Bhea magsalita ka naman!"

Bahagya s'yang lumayo sa akin. Iniabot n'ya sa akin ang kanyang card. "I failed." naiiyak na sambit n'ya.

"Ha?!!" mabilis kong tiningnan ang final grades n'ya.

Bumagsak si Bhea? Mas nataranta ako nang umiyak s'ya ng pagkalakas-lakas.

"Teka, hindi ba ito magagawan ng paraan?" inisa-isa kong tingnan ang average n'ya kada subject. Ang laki ng kulang sa mga units n'ya. Halos dalawa lang ang naipasa n'ya.

Paano na ito?

"Siguradong magagalit na talaga sa akin sina Daddy!"

Hindi ko din alam ang gagawin. Hindi pa din ma-digest ng utak ko ang nakita ko. Bagsak si Bhea.

"Tumahan ka na," pinunasan ko ang mga luha n'ya. "Gusto mo ba'ng kausapin ko si Papa para magawan ng paraan ito? Malay mo pwede mo i-retake ang exam."

Sunod-sunod na iling naman ang ginawa n'ya. "Kasalanan ko din naman. Masyado akong naging pabaya. Hindi ko lang matanggap na uulit ako ng freshman, pagkatapos ay ililipat ako ni Daddy sa probinsya." humagulgol na naman s'ya.

"Kakausapin ko si Tito. Ipapaliwanag ko," pilit ko s'yang pinakalma.

"Thea!" iyak pa din n'ya. "Hindi pa n'ya alam na bagsak ako!"

Hinagod ko naman ang likod n'ya. Naiiyak na din ako. Mahirap din ito para sa akin. Magkaibigan kami mula high school, hindi ko din matanggap na mapapalayo din s'ya sa akin.

"Bagsak ka?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita sa 'di kalayuan. Naroon pala si Lorenz at nakamasid sa aming dalawa. Hawak din n'ya ang kanyang report card.

"Sumagot ka Bhea!" sigaw ni Lorenz. "Bumagsak ka pa?!"

Napayuko naman si Bhea. Agad ko naman nilapitan si Lorenz para pakalmahin.

"Gaano ba kahina ang utak mo?!!" pagpapatuloy ni Lorenz. "Halos sa'yo ko na ubusin ang oras ko para maturuan ka, wala ka pa din improvement?"

"Tama na Lorenz," hinihila ko na s'ya palayo. "Masama na ang loob ni Bhea, huwag mo nang dagdagan."

"Althea, hindi ba n'ya nakikita? Hindi basta-basta ang college! Kung hindi n'ya seseryosohin ang pag-aaral, ano'ng mararating n'ya?!"

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon