#SYLMT 32

66 11 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
        
        
MAAGA akong umalis sa bahay. Halos hindi ako makatulog dahil sobrang excited na akong ibigay kay Jian ang niluto ko. Tahimik na naghihintay ako sa locker area. Napaaga yata ako at wala pa din s'ya, pero okay lang. Tiningnan ko ang bitbit kong maliit na pink na bag na naglalaman ng pagkaing ibibigay ko kay Jian.

Hindi na talaga ako makapaghintay sa magiging reaksyon n'ya! Siguradong sasabihin n'ya na may natutunan ako kay Auntie Faye. Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na din dumami ang mga estudyante sa paligid pero wala pa din si Jian. Sumandal ako sa locker at matyagang naghintay doon.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang hinihintay ko. Kagaya ng dati ay naka-poker face lang s'ya kahit madaming babae ang bumabati sa kanya. Diretso lang ang tingin sa dinaraanan.

Kapag ikinasal kami, hindi ko kailangang mag-alala dahil siguradong hindi s'ya mambababae. Napangiti naman ako sa naisip ko.

Hinintay kong makalapit s'ya sa gawi ko. Nakita kong binuksan na din n'ya ang locker n'ya at kumuha ng ilang libro.

"Jian!" masayang bati ko.

Walang kahit an'ong emosyon na tiningnan n'ya ako. Kaagad kong iniabot sa kanya ang pagkain na dala ko.

"Ano iyan?" tanong n'ya, hindi man lang kinukuha ang ibinibigay ko.

"Ipinagluto kita ng mga paborito mong pagkain."

"Seryoso ka ba na ikaw ang nagluto?"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n'ya. Kasasabi ko nga lang na ako ang nagluto, kailangan talagang i-confirm? Kinuha ko ang kamay n'ya saka inilagay ang bag ng pagkain para hindi na s'ya makatanggi.

"Ako nga ang nagluto."

Parang nandidiri na tiningnan n'ya ang binigay ko. "Parang gusto kong kabahan sa luto mo," aniya.

"Masarap iyan! Pinatikim ko muna kay Papa at sabi n'ya, masarap daw!" grabe s'ya. Parang sinabi na din n'ya na hindi ako masarap magluto. "Kainin mo iyan mamayang lunch ha? Bye bye!" kinawayan ko pa s'ya sabay takbo palayo.

Mission accomplished. Masayang pumasok ako sa classroom. Nang matanawan kong naroon na din si Bhea at Wayne ay mabilis na lumapit ako.

"Nandiyan ka na pala," bungad ni Bhea. "Kanina ka pa namin pinag-uusapan."

Nagtaka naman ako. "Ano na naman iyon?"

"Malapit na daw ang eighteenth birthday mo. Ang sabi ni Bhea ay sa susunod na buwan na daw iyon," ani Wayne.

Mabilis na kinuha ko naman ang cellphone ko para tingnan ang calendar.

"Oo nga 'no!" bulalas ko. "Nakalimutan ko na birthday ko na pala next month."

"Kailangan talagang tingnan ang calendar? Saan ba nagbakasyon ang utak mo at pati dates ay nakakalimutan mo na."

Napakamot naman ako.

"Thea," tawag naman sa akin ni Wayne. "Gusto ko isa ako sa mga magsasayaw sa'yo kaya huwag mong kakalimutan ha?"

Ngumiti naman ako. "Oo naman. Kayong mga kaibigan ko ang una sa listahan ko."

"S'yanga pala, may assignment ka ba sa English Literature?"

"May assignment? Alam mo ba iyon Bhea?"

Umiling naman si Bhea. May assignment pala? Mabilis na kinuha ko ang aking libro at notebook. Bakit wala sa notes ko na may assignment?

Narinig ko naman na tumawa si Wayne. "Ang cute mo talaga."

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon