#SYLMT 11

75 16 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!

         
Althea's POV

MAKALIPAS ang ilang araw, bumalik sa normal ang buhay ko. Ang bilis lang dumaan ng weekend. Hindi ko na namalayan na Lunes na ulit dahil sa pag-iisip sa mga nangyari.

"Handa ka na ba sa semi final exam natin?"

Ano kayang iniisip ni Jian? Napuyat din kaya s'ya sa pag-iisip kung ano'ng dapat naming gawin sa sitwasyon namin? Pero parang wala lang sa kanya ang lahat. Ayun nga s'ya, kasama na naman ang babaeng nangngangalang Vernice. Sabay pa talaga silang kumakain.

Nakangusong ibinalik ko na lang ang aking pansin sa sarili kong pagkain. Sana, pinanganak na lang akong kasing-ganda ni Mama at kasing-talino ni Papa. Siguro mapapansin din ako ni Jian kung nagkataon.

"Hoy!" Isang pitik ang naramdaman ko sa aking noo. Nakita ko naman si Bhea na nanlalaki pa ang mga mata.

"May sinasabi ka ba?"

"Kanina ko pa napapansin na lumilipad ang utak mo. Saka bakit pa panay ang sulyap mo sa table nina Jian?"

Ganoon ba ako ka-obvious?

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Tiningnan ko ng diretso sa mata si Bhea. "Bhea, sobrang pangit ko ba?"

"Ha?!"

"Ganun ba ako kabobo?"

"May umaway ba sa'yo Thea? Si Jian na naman ba iyan?"

Umiling ako. "Basta sagutin mo na lang iyong tanong ko."

"Walang taong pangit. Ang cute mo kaya, naniniwala ako na matuto ka lang mag-ayos ng sarili mo ay lalabas ang tinatago mong ganda. At hindi ka bobo, hindi tayo bobo. Nagkataon lang na hindi natin minsan maabot ang lalim ng pag-iisip ng ibang tao."

Hindi ako kuntento sa sinabi ni Bhea. Kung totoo iyon, bakit hindi iyon makita ni Jian?

"Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba Thea. Lahat tayo may kanya kanyang katangian." hinawakan pa n'ya ang kamay ko. "Hindi ko man lagi sinasabi sa'yo ito pero lagi mong tatandaan na marami kang napapasaya na tao. Napaka-lively mo at mabait pa."

Natawa naman ako. "Talaga ba?"

Ngumiti din s'ya. "Oo kaya! Ikaw lang kasi, walang bilib sa sarili mo. Saka' 'wag mo na nga isipin ang mga sinabi sa' yo ni Jian. Hindi mo kailangang mabuhay sa standards n'ya."

Tama. May point si Bhea. Ipapakita ko sa lalaking iyon na nagkamali s'yang nilait n'ya ako. Mag-aayos ako. Mag-aaral lalo. Para makita n'ya ang mga katangian ko.

Napangiti ako sa aking naisip. Ibinalik ko ang aking tingin kay Jian na nakatingin din pala sa akin. Humanda ka Jian. Gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako.

"Tara sa library." tumayo ako.

Mukhang nagulat naman si Bhea. "Library? Ano'ng gagawin natin doon?"

"Mag-aaral! 'Di ba malapit na ang exams. Dalawang araw na lang."

"Tinatamad ako. Pwede ba'ng pakopyahin mo na lang ako."

Hinila ko naman s'ya. "Tara na!"

Umungol naman s'ya. "Ayaw ko. Boring doon!"

"Gusto mo ba umulit ng semester?"

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon