#SYLMT 09

82 15 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!

         
Jian's POV

"MAUPO ka apo! Ipapakilala ko sa'yo ang mag-asawang Saavedra at ang napakagandang unica hija nila," nakangiting kaway sa akin ni Lolo.

Nakita ko naman na lumingon sa akin ang isa sa naroon na agad kong nakilala. Small world huh?

I supressed my smile when I noticed that she was shook upon seeing me. Alam ko naman na hindi n'ya ako ine-expect na makita, kahit ako din.

Naupo ako sa tapat n'ya. Ramdam kong hindi s'ya komportable na nasa harapan n'ya ako. I just smirked.

"Ito nga pala ang apo ko, si Jian. S'ya din ang succesor ng Park industry." narinig kong pakilala ni Lolo.

Tipid na ngumiti ako bago bahagyang nag-bow.

"Aba! Napakagwapo naman pala ng apo n'yo Mr. Park!" the guy exclaimed. Mukhang ito ang daddy niya.

"Hindi lang iyan! Top student din s'ya sa university n'yo." pagmamalaki pa ni Lolo.

Naiilang na kinuha ko ang baso na nasa harapan ko para uminom.

"Syanga?" bumaling naman ang lalaki sa babaeng nasa harapan ko. "S'ya ba iyong—"

"Papa!" putol naman n'ya sa sinasabi ng kanyang papa.

Napataas naman ang kilay ko.

"Jian, sila nga pala ang magiging bagong part ng company natin. Si Mr. Arman at Theresa Saavedra. Sila ang owner ng pinapasukan mong school. At ang magandang binibini naman ay ang nag-iisa nilang anak, si Althea."

Tinitigan ko naman siya na hindi mapakali. So, Althea pala ang pangalan n'ya. Mahina talaga ako pagdating sa pangalan.

"Kilala mo ba s'ya Jian?"

Binalingan ko si Lolo. "Opo. Magkaklase kami sa isang subject."

"Talaga?! Naku, matalino din pala si Althea!" bulalas ni Lolo na ikinasamid ko.

Napatingin naman si Althea sa akin. Pinigilan kong matawa.

Isang tikhim muna ang ginawa ko. "Masipag s'yang estudyante, Lolo."

"Ganoon ba? Nakakatuwa naman. Teka, lumalamig na ang pagkain. Kumain na tayo."

Nagsimula na silang kumuha ng kanya-kanyang pagkain habang ako ay nanatiling nakatitig kay Althea. Umiiwas lang s'ya sa titig ko, which is unusual.

"Mama, pakiabot naman iyong kanin." I heard her say.

Agad ko namang kinuha ang plato ng kanin at iniabot sa kanya. Bahagya pa s'yang nagulat sa ginawa ko.

"S-salamat." iniabot naman din n'ya agad iyon.

Nagsimula na din akong kumain habang ang tatlong kasama namin ay nag-uusap tungkol sa negosyo.

"Ano sa tingin mo apo? Makakabuti ba'ng magtayo na tayo ng branch sa Taipei? Ilang buwan ko na din kinokonsidera ang bagay na iyon, lalo na ngayon at may bago na tayong kasama sa project," tanong ni Lolo.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon