#SYLMT 36

71 13 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!

"ANO ito?!" nakangangang sigaw ni Bhea nang mabasa ang ginawa kong report para sa research project namin.

"May mali ba?"

Hindi naman n'ya ako pinansin, inabot lang nya kay Lorenz ang papel ko.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa field para magpalipas ng oras. May bakante pa akong oras bago ang sunod na klase kung saan kaklase ko si Wayne.

"Elementary ba ang magbabasa ng research paper mo?" nang-aasar na sabi ni Lorenz nang mabasa ang sinulat ko.

Napanguso naman ako bago ko iyon inagaw sa kanya. "Alam n'yo, kung dati kayo ang magkaaway, ngayon ako naman ang inaaway n'yo."

Nagtawanan naman ang dalawa. Lately, mas lalong nagkakalapit ang dalawa. Sa tingin ko, may progress na sila. Bihira na din silang magbangayan.

Gusto ko tuloy magsisi. Dapat yata hindi ko na lang sila tinulungang magkalapit kung alam ko lang na sa bandang huli ay silang dalawa ang bubully sa akin.

"Hindi ka namin inaaway. Kaya nga group project ito diba. Mamaya magpatulong ka na lang kay Wayne para maayos na natin at maipasa."

Inirapan ko na lang si Bhea. Porke nariyan si Lorenz para tulungan s'ya, niyayabangan na n'ya ako.

"Ano ba'ng meron sa kanila ni Wayne?" usisa naman ni Lorenz.

"Wala. Pero sa tingin ko-" bumulong naman si Bhea kay Lorenz. Tumawa naman si Lorenz.

"Ano'ng pinagbubulungan n'yo d'yan! Hoy Bhea! Ako ang kaibigan mo, baka nakakalimutan mo!"

"Alam mo Althea," nagulat ako nang hawakan ni Lorenz ang magkabila kong kamay. "Kung hindi ka lang din mapapasakin, mas gugustuhin ko na kay Wayne ka na lang mapunta."

Naiinis na binawi ko ang kamay ko. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo! Mamaya n'yan magselos si Bhea."

"Hindi ako selosa katulad mo."

Binelatan ko naman s'ya. Hindi kaya ako selosa!

"Diyan na nga kayong dalawa! Napipikon lang ako." nagdadabog na dinampot ko ang aking bag saka naglakad palayo.

"Team Wayne ako!" narinig kong pahabol ni Lorenz.

"Team Jian naman ako!"

Naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang lakas ng tama ng dalawang iyon.

Natanaw ko naman na naglalakad sa 'di kalayuan si Jian. Agad naman akong napangiti.

"Jian!" tumakbo ako palapit sa kanya.

Tiningnan lang naman n'ya ako.

"Kamusta ka na?" nakangiti kong tanong. "Lately, nagiging busy ka. Dahil ba malapit na ang finals?"

Tinaasan naman n' ya ako ng kilay. "Lagi naman akong busy."

Iyon lang at nilagpasan na n'ya ako. Sinundan ko naman s'ya.

"Papunta ka na din ba sa room 104?"

Hindi na naman n'ya ako pinansin.

"Oo nga pala," hinila ko ang bag n'ya na kaagad naman n'ya agad iniiwas. "Nakita ko na isa ka sa mga eighteen roses ni Vernice."

Tumigil naman s'ya sa paglalakad. Nakangiting pumunta ako sa harapan n'ya.

"Pupunta din kami sa party ni Vernice. Pupunta ka din ba?"

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon