#SYLMT 80

82 9 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!


NAKASIMANGOT na ibinalik ko sa aking bag ang cellphone ko matapos kong subukang tawagan si Bhea. Ang babaeng iyon, matapos kong tanungin kung bakit n'ya inutusan si Lorenz na ipakalat ang mga sulat ko, parang kriminal kung magtago sa akin!

Huminga ako ng malalim. "Bawal ma-stress, Althea."

Inayos ko ang suot kong gown saka marahang nagtungo sa harapan ng malaking salamin. Napangiti ako sa aking repleksyon. Totoo na talaga ito. Wala nang urungan. Ikakasal na talaga ako kay Jian.

Tiningnan ko ang kabuuan ng aking suot. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Jian kapag nakita n'ya akong suot ito?

Mas lumawak ang pagkakangiti ko. Nasa labas lang s'ya ng dressing room. Gusto kong malaman ang opinyon n'ya sa suot ko. Binuksan ko ang sliding door at humakbang palabas ng malawak na waiting area.

Natawa ako nang makita si Jian na nakasalampak sa couch at nakapikit.

"Pssst! Jian!" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot naman n'ya na hindi man lang nag-abala na imulat ang mga mata.

"Bagay ba sa akin itong suot ko?"

Akala ko ay imumulat n'ya ang kanyang mga mata pero halos mapanganga ako nang umayos pa s'ya ng pagkakahiga sa couch at parang doon na n'ya balak matulog.

Pumadyak naman ako. "Jian! Wala ka man lang ba balak na tingnan ang gown ko?"

"Wala."

Napanguso ako. "Paano ko malalaman kung pasado sa'yo ang suot ko?"

"As long as it doesn't show too much of your skin, I'm fine with it."

Mas napasimangot lalo ako. Naalala ko kasi ang sinabi n'ya kanina bago kami pumasok dito.

"Hey," hila ni Jian sa akin nang papasok na ako sa boutique.

"Bakit na naman?"

"Three things to remember," aniya at itinaas pa ng tatlo n'yang daliri. "One, no slits on the gown. Two, must hide your chest and neck and three, it should also cover your back." walang preno n'yang saad.

Kumunot naman ang noo ko. "Hindi ko gets?"

"What I mean is choose a decent gown."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Di ko pa din gets?"

Mukha namang nabwisit na sumulyap s'ya sa akin. "Ayoko ng gown na makikita ang balat mo!"

Napapikit ako sa pagsigaw n'ya. Pwede naman ipaliwanag ng maayos eh.

"Pero gusto ko ng tube or backless na gown," bulong ko.

"Don't even dare Althea."

Nakasimangot na sinulyapan ko ulit ng suot ko. Parang sinaunang gown, natatakpan kasi ang buo kong katawan. Mula leeg hanggang balikat ay may disenyo iyong manipis na lace, ganun din ang mahabang manggas noon na abot hanggang palapulsuhan ko.

 Mula leeg hanggang balikat ay may disenyo iyong manipis na lace, ganun din ang mahabang manggas noon na abot hanggang palapulsuhan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon