#SYLMT 95

67 11 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
              
            
NAPAMULAT ako sa nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mata ko. Ang puting kisame ang una kong nakita.

Teka. Paano ako nakabalik sa kama?

May naramdaman naman ako na kumilos sa gilid ko. Nakita ko si Jian na nakapikit at tila mahimbing pa din ang tulog. Bigla ang pagbalik ng alaala ko sa nangyari kagabi. Mabilis kong sinilip ang katawan ko na nababalutan ng makapal na comforter. Halos panawan ako ng ulirat nang makitang ni isa ay wala akong suot.

Waaaah! Totoo pala ang nangyari kagabi?!! Isinuko ko ang bataan kay Jian?!!

Napangiwi ako nang maramdaman kong kumirot ang buo kong katawan. Aish. Hindi ko akalain na kahit tahimik na tao si Jian ay may itinatago s'yang kalandian. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman na yumakap s'ya sa akin. Bahagya akong bumaling sa gawi n'ya para pagmasdan s'ya.

Nakapikit pa din s'ya.

Wala sa loob na napangiti ako nang mapagmasdan ang maamo n'yang mukha. May ilang hibla din ng buhok na nakaharang sa mga mata n'ya.

Mukha s'yang mabait kapag tulog.

Umayos ako ng pagkakahiga para mapagmasdan s'ya ng maayos. Marahan ko din hinaplos ang kanyang buhok. Ayoko din naman s'yang gisingin, hindi ko pa s'ya kayang harapin matapos ang nangyari sa amin.

Ngayon, masasabi kong ganap na mag-asawa na talaga kami. Hindi sumagi sa isip ko ang bagay na iyon pero wala naman akong nararamdaman na pagsisisi. Bakit pa? Mag-asawa na naman kami. Iyon ang maipagmamalaki ko kay Jian, hindi lang s'ya ang first kiss ko, s'ya din ang first experience ko.

"Baka matunaw ako."

Napamulagat ako nang bigla s'yang magsalita kahit nakapikit pa din.

"K-kanina ka pa ba'ng gising?" tanong ko.

Bilang sagot ay nagmulat s'ya ng mga mata saka ngumiti sa akin. "Good morning love."

Para na namang may bulate na nagwala sa tiyan ko. Kailan ba ako masasanay sa kanya?!

"Good morning ka d'yan. Hapon na kaya!"

Totoo naman. Alas dos na ng hapon, iyon ang nakalagay sa digital clock na nasa bedside table.

"Inaantok pa ako," bulong n'ya saka pumikit ulit.

Bakit ganoon? Pakiramdam ko ay nang-aakit ang boses n'ya. Aish! Nagiging manyak na talaga ako. Mukhang kailangan ko ng cold shower.

Akmang babangon ako nang bigla n'ya akong hilahin ulit pahiga.

"Saan ka pupunta?" tanong n'ya.

Nailang ako sa posisyon namin. Paano kasi ay nakatitig na naman s'ya sa akin at halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"M-maliligo."

"Mamaya na."

Hindi ako nakakilos nang maramdaman ko na naman na hinahalikan n'ya ako sa leeg.

"Jian naman!"

Hindi naman s'ya umimik. Naramdaman ko na marahan s'yang umibabaw sa akin habang patuloy sa paghalik sa leeg ko, pababa sa aking balikat.

"H-hindi ka ba nagugutom?" nauutal kong tanong.
Hindi ko naman alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Nahihiya pa din ako sa kanya!

Naramdaman ko naman na tumigil s'ya. Bakit? Aish! Ano ba iyong naisip ko! Nagtataka namang sinulyapan ko s'ya. Parang gusto ko namang magsisi dahil kasalukuyan pala s'yang nakatitig sa akin habang ang magkabilang braso ay nakatukod sa magkabila kong side.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon