Votes and comments will be highly appreciated!!!
NAKARATING kami sa bahay ng hindi nag-iimikan. Bahagya pang nagulat ang guard namin nang makita akong nakasakay sa kotse ni Jian, siguro dahil ngayon lang n'ya nakita ang binata. Nauna pa si Jian na bumaba ng kotse at hindi man lang nag-abala na pagbuksan ako ng pinto. Ano pa ba'ng inaasahan ko?Dumiretso na lang ako sa receiving area, hindi ko na lang s'ya pinansin. Ayaw kong kausapin s'ya dahil hanggang ngayon ay nasa stage of denial pa din ako na kasama ko s'ya ngayon.
"Manang?" pagtawag ko sa aming kasambahay pero ni isa ay wala akong nakita bagaman bukas ang mga ilaw sa buong bahay.
Dumiretso ako sa kusina pero wala din akong nakita.
"Nasaan sila?" nagtataka kong bulong.
Isang papel ang nakita kong nakadikit sa refrigerator. Kaagad ko iyong kinuha at binasa. "Pinagbakasyon ko din ang mga katulong. Kung kinakailangan na mag-aral ka magluto, gawin mo. From Mama," basa ko.
Ano daw?! Pati mga katulong wala din dito?!
"Where's my room?"
Napalingon ako kay Jian na nakasandal pala sa pintuan at nakatitig sa akin.
"Madami d'yan." sagot ko.
Pero hindi man lang s'ya kumilos. Nakatayo pa din s'ya doon at nakatitig sa akin.
"M-may kailangan ka pa ba?" tanong ko ulit.
Hindi s'ya sumagot, bigla na lang s'ya tumalikod at naglakad palayo. Ano na naman ang problema ng lalaking iyon? Itinapon ko na lang sa basurahan ang sulat ni Mama.
Hindi ko alam ang mangyayari sa loob ng susunod na araw. Wala sina Mama, wala din ang mga katulong, hindi ko naman pwedeng utusan ang guard namin na magluto.
Mamamatay ako nito sa gutom. Lumabas na lang ako ng kusina. Nadatnan ko naman na prenteng nakaupo sa sofa si Jian at nagmamasid sa kabuuan ng bahay namin.
Nakita ko din na napatutok ang tingin n'ya sa picture ko na nasa dingding.
"Hoy!" agaw ko sa atensyon n'ya.
Lumingon naman s'ya sa gawi ko. Hayan na naman ang nakakailang n'yang titig. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bakit pati kwarto nya proproblemahin ko pa?
"Sumunod ka sa akin, ituturo ko ang magiging kwarto mo."
Nauna na akong umakyat sa second floor, ramdam ko naman na kasunod ko s'ya.
Tumigil ako sa tapat ng isang pinto. "Isa ito sa mga guest room namin. Dito ka na lang."
Napaurong ako nang bigla s'yang lumapit at pinihit ng doorknob. Akala ko ay papasok na s'ya sa kwarto pero tumingin na naman s'ya sa akin.
"Wala ka ba'ng balak umalis?" bored na tanong n'ya.
"Saan naman ako pupunta?" maang kong tanong.
"Babo! Makakaalis ka na."
Saan ba n'ya ako pinapapunta? Napanguso na lang ako. Bahay ko kaya ito! Ano'ng karapatan n'ya na paalisin ako?!
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...