#SYLMT 67

58 11 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
          
          
TAHIMIK ko lang pinakikinggan ang mga sinasabi ng doktor sa amin ni Jian. Napansin ko din sa sulok na may nakaupong bata at isang lalaki. Hindi sila pamilyar sa akin pero may malaking pagkakahawig si Jian sa batang babae.

Binalingan ko ulit si Jian na seryosong nakatingin sa doktor.

"The seizures are just mild, possibly na-stress na naman si Mr. Park. He is safe now but we still need to monitor his vitals for the next 48 hours."

"Thank you," sagot naman ni Jian.

Nagpaalam na din ang doktor bago lumabas ng silid.

"Okay lang daw ba si Lolo?" naupo ako sa tabi n'ya.
 

"I don't know," bulong n'ya. Yumuko din s'ya na parang nanghihina sa nangyari.

"Magiging okay din ang lahat," hinaplos ko ang kanyang likod.

Wala naman akong alam tungkol sa mga sakit o ano mang tungkol sa pagiging doktor. Pero nararamdaman kong seryoso at mabigat ang sitwasyon ni Jian. Nangyari na din ito kay Lolo, akala namin ay okay na s'ya pero narito na naman s'ya sa ospital.

"I don't know what to do," bulong n'ya.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib. Kakaiba ang boses ni Jian ngayon, malayo sa Jian na laging nagsusungit at nakasigaw sa akin.

"Excuse me," isang lalaki ang lumapit sa amin.

Sabay kami ni Jian na napatingin sa kanya. May pagkakahawig din ito kay Jian? Pinsan n'ya kaya ito?

"Pwede ba kitang makausap ng pribado Jian?" sabi ng lalaki.

"Kung ano man ang sasabihin mo, dito mo na lang sabihin."

Teka. Sa tingin ko kasi importante ang pag-uusapan nila.

Dahan-dahan akong tumayo. "Pupunta muna ako sa baba, may nakita akong vendo machine doon," palusot ko.

Ramdam ko naman na pipigilan ako ni Jian kaya madali akong lumabas agad. Hindi ko kaya ang tensyon sa loob. Bakit parang may galit sa boses ni Jian kung kausapin n'ya ang lalaking iyon?

"Noona."

"Ay tipaklong!" nagulat ako nang may biglang humila sa laylayan ng damit ko.

Kaagad kong nakilala ang batang iyon. "Hi!" umupo ako para mapantayan s'ya. "Ano'ng pangalan mo?"

Seryoso lang s'yang nakatitig sa akin na para ba akong kakaibang bagay na ngayon lang n:ya nakita. Gusto kong matawa, para kasi s'yang si Jian. Naalala ko naman ang nabanggit ni Jian na may kapatid s'yang babae.

"Ikaw ba si Jennica?" nakangiti kong tanong ulit.

"Gusto ko ng hot choco!"

Kulang na lang ay mapanganga ako sa inasta ng bata.

"Tara," tumayo ako. "May vendo sa ibaba, samahan mo akong bumili."

"Okay." sagot ni Jennica na nauna pang maglakad.

Natawa naman ako. Para talaga s'yang si Jian kung kumilos. Magkapatid nga sila.

"Ikaw siguro ang sinasabi ni Lolo na magiging asawa ni Kuya."

Natigilan ako sa pagkuha ng kape mula sa vendo.

"Ako nga," nakangiti ko s'yang binalingan.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon