Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
PINAGLALARUAN ko lang ang ballpen ko habang nakatingin sa aming propesor na nagsasalita sa harapan. Pinigilan din ang mapahikab. Para kasi s'yang nagpa-pasyon kung magsalita.Sinulyapan ko naman ang iba kong kaklase, hindi lang pala ako nabo-bored sa klase. Ang ilan sa kanila ay mukhang natutulog na, ang iba na naman ay may kanya-kanyang ginagawa na parang walang propesor sa harapan.
"Okay, that's all for today," pagtatapos ng propesor sa kanyang lecture.
"Salamat naman." narinig kong bulong ng isa kong kaklase.
"Bago ko nga pala makalimutan," biglang sabi ni Prof. "Sa isang linggo na ang school anniversary, alam n'yo naman na taun-taon ay kailangan natin itong paghandaan."
Oo nga pala. Anniversary na naman ng school at siguradong madami na naman pakulo ang bawat section sa kada Department.
"Inaasahan ko na may naisip na kayo para sa booth ng section n'yo o kung anuman ang activities na ico-contribute n'yo."
Sabay-sabay naman kaming napaungol. Kami na yata ang section na walang interes sa ganitong bagay.
"Iyon lang, you still have remaining 20 minutes bago mag-uwian. Maari n'yong pag-usapan ang plano n'yo para sa event." iyon lang at lumabas na s'ya.
Inihanda ko na lang ang gamit ko para makauwi. Hindi ako interesado sa ganito, uuwi na lang ako.
"Kailangan ba talaga natin sumali sa pa-event nila?" reklamo ng isa kong kaklase.
"Oo nga, iyong booth nga natin last year, wala halos pumansin."
Naalala ko na isang coffee shop ang naisip namin last year, at kagaya nga ng sinabi nila, wala halos pumansin sa booth namin. Kumbaga sa isang pelikula, nilangaw lang ang booth namin.
"Magsasayang lang tayo ng effort."
"Oo nga!"
Isa-isang sumang-ayon ang mga naroroon.
"Hey!" biglang sigaw ni Esther na umagaw ng pansin namin. "Unang event ko ito sa University, hindi naman pwede na wala tayong contribution."
Aish. Please lang Esther, huwag mo nang tangkain.
"May naisip ka ba na pwede nating gawin for next week?" tanong ng aming president.
Ngumiti naman si Esther saka naglakad papuntang harapan. "Sa pinanggalingan kong University, kadalasan na patok ang mga booth na may thrill para sa mga ibang tao."
Kumuha s'ya ng marker at nagsulat sa whiteboard. Lahat naman ay naghintay.
"Una, pwede nating gawin ang horror booth," suggestion ni Esther.
"Taun-taon na ginagawa iyan ng isang section sa nursing Department. Hindi na natin pwedeng gawin iyan."
"Okay," nilagyan n'ya ng ekis ang option na iyon. "Eh kung kissing booth?"
"Nakakadiri naman," maarteng kumento ng isa naming kaklase.
"Sa tingin ko nga tama ka, baka samantalahin din ito ng mga manyak," natatawang sang-ayon ni Esther.
"Maganda sana kung related sa course natin," sabi ng isa.
"Kung coffee shop na naman iyan, huwag na. Hindi tayo magiging successful sa booth na iyon."
Natahimik naman ang lahat.
"Paano kung wedding booth na lang?" sigaw ng kaklase naming lalaki.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...