Votes and comments will be highly appreciated!!!
Althea's POVISA akong malaking sablay. Hindi ko akalain na ganoon kabilis na ipinahiya ko na naman ang sarili ko kay Jian. Naiinis na isinara ko na lang ang libro ko. Ayaw ko nang mag-aral. Tama s'ya, kahit simpleng math problems hindi ko masagutan ng tama.
Narinig kong tumunog ang aking sikmura. "Gutom na ako," bulong ko.
Mabuti pa s'ya, kumakain sa labas. Samantalang ako, naiwan ditong nakanganga.
Lahat ng niluto ko ay palpak. Paano ko mai-impress si Jian? Sa lahat na lang ng bagay wala akong alam. Sa pag-aaral, sa pagluluto at sa gawaing bahay!
Nanlalatang naglakad ako pabalik ng kama. Itutulog ko na lang ang gutom ko. Bukas na lang ako kakain sa school. Matutulog na ako nang may kumatok na naman. Sinulyapan ko ang relo na nasa bedside table ko, alas onse na pala ng gabi.
Mabagal na tinungo ko ang pintuan para pagbuksan ang kung sino man na kumakatok. Si Jian ang nakita ko. Naka-side view s'ya mula sa kinatatayuan ko.
"Nandito ka ba para laiitin na naman ako?" mahina kong tanong.
"O!" itinaas n'ya ang kanyang kamay na may hawak na paper bag. Hindi pa din s'ya tumitingin sa akin.
"A-ano naman ito?" nagtatakang tinanggap ko iyon.
Hindi naman n'ya ako sinagot. Mabilis na umalis na naman s'ya. Ang hula ko ay babalik na s'ya sa kwarto n'ya.
Inilapag ko na lang sa study table ang paper bag at inilabas ang laman noon.
"Pagkain?!!" masayang bulalas ko nang makita ko ang laman ng paper bag.
Binilhan ako ni Jian ng pagkain? Hindi ko mapigilang mapangiti. May pakialam din pala s'ya sa akin. Masayang inumpisahan ko na ang kumain. Ngayon ko naramdaman kung gaano ako kagutom.
Mukhang mabait naman si Jian. Huwag lang talaga totopakin. Oo, nararamdaman ko. Hindi ko napigilang kiligin sa ginawa n'ya.
MABILIS na tumakbo ako pababa mg hagdan habang inaayos ang aking bag. Mali-late na naman ako sa school! Dumiretso ako sa dining area. Nadatnan ko naman si Jian na nakaupo doon at kumakain.
Saan nanggaling ang pagkain? May fried eggs and bacons sa lamesa. May toasted bread din. S'ya ba ang nagluto?
"Good morning!" nakangiting bati ko sa kanya pero kagaya ng dati, parang wala na naman s'yang narinig.
Abala lang s'ya sa pagbabasa ng libro habang ngumunguya. Nakangiting kumuha ako ng bread toast nang bigla n'yang tampalin ang kamay ko.
"Bakit ba?" maang kong tanong.
"That's my food." mataray nyang sagot.
Napanguso ako sa sinabi n'ya. Bumalik ulit s'ya sa pagbabasa. May bigla naman akong naisip. Mabilis na dumampot ako ng isang bread toast at tumakbo palabas.
"Ya!" narinig kong sigaw n'ya pero hindi ko na lang s'ya pinansin.
Natawa na lang ako sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Fiksi RemajaHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...