#SYLMT 84

50 7 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
            
           
HUMINGA muna ako ng malalim bago ako pumasok sa classroom. Si Wayne ang unang hinanap ng mata ko. Naroon ulit s'ya sa ikalawang hanay ng upuan at kasalukuyang may tinuturuan.

"Thea!" sigaw naman ni Esther mula sa dulo.

Ngumiti naman ako saka nagpatuloy maglakad. Isang sulyap ulit ang ibinigay ko kay Wayne. Nakatingin din pala s'ya sa akin. Isang ngiti pa ang ibinigay n'ya sa akin bago muling bumaling sa kaklase namin na nagpapaturo sa kanya.

"Good morning," bati ni Esther nang makaupo ako.

Ngumiti lang ako. Mukhang hyper na naman s'ya.

"Ano'ng meron?" usisa ko.

"May natanggap kaming invitation mula sa best friend mo."

Kumunot ang noo ko. "Si Bhea?"

Tumango naman s'ya. "Ang ganda-ganda pala ng bestfriend mo. Para s'yang si Heart Evangelista kung manamit, ang classy."

Bahagya naman akong natawa. Kung naabutan lang n'ya si Bhea noong panahon na magaslaw pa.

"Nagkita kayo?" tanong ko ulit.

"Oo. Nagulat nga kami nina Chelsey at Janna, kanina bago kami pumasok ng room sinalubong nya kami. At in-invite sa bridal party mo."

"Narito s'ya?!"

Tumango naman s'ya. "Oo. Pero nagmadaling umalis nang may tumawag sa kanyang lalaki. Siguro magkasama sila ngayon."

"Lalaki?"

"Oo. Gwapo din iyon lalaki. Napansin ko din iyong ID lace n'ya, mukhang mula s'ya sa Law department."

Si Lorenz?

Bahagya akong napangiti. Kung mag-uusap sila, sana maging maayos na din ang lahat para sa kanila. Kilala ko si Lorenz, madalas talaga na parang ang hangin n'ya at mayabang pero alam ko din na deep inside ay paraan n'ya lang iyon para mapansin ni Bhea.

Hindi rin ako naniniwala na ako ang gusto n'ya kaya gumawa sya ng paraan na mapalapit sa akin. Naalala ko kasi ang unang araw na lumapit s'ya sa akin kaya alam ko na ang pagsasabi n'ya sa akin na gusto n'ya ako ay isa lang pagpapanggap.

Napatigil kami ni Bhea sa paglalakad nang may tatlong lalaki sa dinaraanan namin.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.

Ngumiti naman iyong lalaking nasa unahan. Napaurong pa ako nang itaas n'ya ang kanyang palad.

"Ako nga pala si Lorenz Perez."

Nagtataka naman na napatingin ako kay Bhea na nagkibit-balikat lang.

Nag-aalangan na nakipagkamay ako. "Ako naman si Althea at ito naman ang kaibigan ko, si Bhea."

Napansin ko na sumulyap s'ya kay Bhea. "Matagal ko nang gustong magpakilala sa'yo..." muli ay bumaling s'ya sa akin. "Gusto kasi kita."

Kamuntikan na akong masamid sa sinabi n'ya. Hindi ko inaasahan na diretso n'yang sasabihin ang bagay na iyon.

Pinilit ko namang tumawa. "Ako? G-gusto mo? Parang hindi naman kapani-paniwala iyan."

"First year pa lang, gusto na kita," sagot ni Lorenz.

Hindi ko alam kung paano magre-react. Ako? Nagustuhan ng lalaking ito? Gwapo naman s'ya, kaya lang paano ako maniniwala na gusto n'ya ako eh ang pangit ko?

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon