Votes and comments will be highly appreciated!!!
NAIINIP na sinulyapan ko ang aking relo. Kanina pa ako dito pero hindi pa din sumusunod ang babaeng iyon. Ibinaba ko ang binabasa kong libro. Bakit ko ba ito ginagawa? Ano ba'ng tumatakbo ngayon sa utak ko at pati pagluluto ay ginawa ko? This is not me.I don't know why all of a sudden gusto ko s'yang tulungan. Siguro naaawa na ako sa kabobohan n'ya. Umiling ako. Hindi. Hindi ko naman ito kailangang gawin. Dalawang araw na lang at makakauwi na ako. Babalik na sa normal ang buhay ko. Malayo sa babaeng iyon.
Bumalik sa alaala ko ang mukha n'ya noong isang gabi. Hindi ko man sinasadya ay alam kong napagsalitaan ko na naman sya ng masakit. I saw that she was hurt.
Gusto ko naman bawiin ang sinabi ko pero hindi ko alam kung paano. Sinubukan ko naman na kausapin s'ya. Pinalipas ko lang ang ilang minuto at nagtungo ako sa tapat ng kwarto n'ya. Pero narinig kong umiiyak s'ya. Lalo naman akong nakonsensya. Pinili ko na lang maupo sa tapat ng kwarto n'ya at pinakinggan ang pag-iyak nya na inabot din ng kalahating oras.
Siguro nga nasaktan ko na s'ya ng sobra. Ewan ko ba. Hindi naman ako ganito. Hindi ko makontrol ang emosyon ko kapag s'ya na ang kaharap ko.
Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa baba. Mabilis naman na napatakbo ako palabas. Napahinto ako sa pintuan nang makita ko si Althea na nasa sink at nagliligpit, o tama ba'ng sabihin na nagbabasag ng plato? Maraming basag na pinggan sa sahig. Ito siguro ang dahilan kung bakit s'ya sumigaw.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa katangahan n'ya. Sumandal ako sa pinto at pinanood ang pinaggagagawa n'ya sa kawawang plato. This is also entertaining.
"Kainis!!!" sigaw na naman n'ya nang dumulas na naman ang plato sa kamay n'ya. Nalaglag na naman iyon sa sahig.
Ilang plato kaya ang balak n'yang basagin ngayon? Halatang walang kaalam-alam sa gawaing bahay. Well, she's living like a princess kaya hindi na nakakapagtaka.
Ikinagulat ko nga din na anak pala s'ya ng owner ng University. But at the same time, I found her amusing. Hindi n'ya ipinagmamalaki o ipinapaalam sa school na anak s'ya ng school owner.
Kung malalaman nga naman kase na ang anak ng school owner ay nasa section six, kahit ako ay pipiliin ko na lang isikreto iyon. That'll embarassing.
"Ayoko na!" muntikan na akong matawa nang ibinato n'ya ang scrubber sa sink saka hinubad ang suot na gloves.
"Mama!!!!" maktol pa n'ya sabay sipa sa mga basag na plato sa sahig.
Crazy. Naiiling na umalis na lang ako sa kusina. Baka makita pa n'ya ako.
"ISINUSUMPA ko ang pagliligpit." nahinto ako sa pagbabasa nang magbukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang lulugo-lugong si Althea, nakasimangot pa. Malamang, ilang beses s'yang nakabasag ng plato. Kalahating oras din s'ya doon sa baba, kakaiba.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" naupo s'ya sa gilid ng kama. "Matutulog na ako."
Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "Akala ko ba magre-review ka?"
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...