Votes and comments will be highly appreciated!!!
"BILISAN mo nga!"Napasimangot naman ako. Hindi ba n'ya alam na nakakapagod itong ginagawa namin? Gusto ko nang magpahinga!
"Pagong ka ba?" nakapamewang na tanong ni Jian.
"Bakit?" nakangiti kong sagot. Mukhang may pick-up line pa s'ya.
"Ang bagal mo kasi!"
Nawala ang ngiti ko. Nakita ko naman na naglakad na naman sya palayo. Ano ba'ng trip n'ya at bigla n'ya akong niyaya maglakad sa tabing dagat? Take note, alas singko pa lang ng umaga! Nasa kasaparan pa ako ng tulog nang walang habas n'yang kinatok ng paulit-ulit ang kwarto ko!
"Hindi ba pwedeng magpahinga kahit kaunti lang!" pinilit kong makasabay sa kanya.
"Fifteen minutes pa lang tayo naglalakad, pagod ka na agad?"
"Ang layo na kasi ng nararating natin," nakanguso kong sagot.
"Ang hirap kapag buhay prinsesa, ang bilis na mapagod."
Hindi ko na s'ya pinansin. Nakasimangot na naupo na lang ako sa buhangin.
Ah basta! Magpapahinga muna ako.
"Kapag hindi ka pa tumayo diyan, dadalhin ulit kita sa bahay ni Auntie Faye."
No way! Ayoko nang bumalik doon! Mabilis na tumayo na lang ako. Mahirap na, baka all of a sudden bitbitin na naman n'ya ako sa tita n'ya.
"Hindi pa ako pagod," nakangiti kong sagot. "Kaya ko pa nga tumakbo eh!"
"Tss." irap n'ya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Sumunod na lang ako sa kanya kahit labag sa kalooban ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" hinihingal kong tanong.
Hindi na naman n'ya ako pinansin.
"Jian!"
Dedma pa din.
"Kapag hindi mo ako sinagot, babalik na ako sa hotel!" sigaw ko.
Napangisi naman ako nang huminto s'ya sa paglalakad. Ayan, ganyan nga. Matakot ka din sa akin kahit kaunti.
"Hindi mo ba kayang manahimik kahit isang minuto lang."
"Bakit mo pa ako isinama kung gusto mo pala ng katahimikan?!"
Ang labo din n'ya. Hihilahin n'ya ako kung saan-saan 'tapos magrereklamo s' ya. Hindi ko talaga maintindihan ang toyo n'ya.
"Dito tayo." Bigla na naman n'ya ako hinila paakyat sa malaking bato.
"Hindi ba delikado itong ginagawa natin?"
Mukha na siguro akong tanga dahil halos magkandadulas dulas ako sa pag-akyat.
"I don't care. May gusto akong makita."
Nang makaakyat kami sa ibabaw ng malaking bato, doon ko lang napansin na papasikat na ang araw.
Naupo naman s'ya at tumanaw sa karagatan.
"Gusto mong panoorin ang sunrise?" nakangiti kong tanong, naupo na din ako sa tabi n'ya.
"Yeah."
Tumanaw din ako sa papasikat na araw. Kung sinabi n'ya agad sa akin kanina, hindi na sana ako nagsayang ng laway kakatanong.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Novela JuvenilHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...