Votes and comments will be highly appreciated!!!
"Summer break na, may gusto ka ba'ng puntahan?" tanong ni Papa sa kalagitnaan ng aming agahan.Bakasyon na nga pala. Parang kailan lang sumasakit ang ulo ko sa school.
"Hindi ba at dapat unahin muna ang darating na debut ni Althea?" singit naman ni Mama. "Sa ikalawang linggo na iyon."
"Naisip ko nga, kung sa hotel kaya natin ganapin iyon?"
"Hindi masamang ideya. Madaming guests ang iimbitahan ko. Kailangang malaki ang venue."
Tahimik lang akong nakikinig. Malayo sa debut ko ang aking iniisip. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Bhea. Hindi ko tuloy alam kung kamusta na s'ya. Sinubukan ko naman na puntahan s'ya sa bahay nila pero ang sabi ng katulong ay umalis daw ito.
Isa ko din na pinoproblema ay ang date namin ni Jian. Hindi pa din ako makapag-isip kung saan kami pupunta. First time ko lang makikipag-date kaya gusto ko ay memorable.
"Papa," singit ko sa usapan nila. "Noong first date n'yo ba ni Mama, saan kayo nagpunta?"
Nagkatinginan naman sila.
"Don't tell me may date ka?" mataray na tanong ni Mama. "Sino naman ang kasama mo?"Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. "Naisip ko lang po," palusot ko.
"Ganoon ba," ani naman ni Papa. "Dinala ko ang mama mo para manood ng ballet performance. Pagkatapos naman, saka kami nagdinner sa isang restaurant."
Ballet performance? "Ang boring naman ng date n'yo."
"Ano'ng boring doon? Paborito ng mama mo manood ng ganoong palabas. At masaya naman kami ng iyong Mama."
Napanguso naman ako. Hindi ko naman alam kung gusto ba ni Jian manood ng ganoong palabas. Masyadong makaluma at pang-oldies. Baka makatulog lang ako.
"'Wag mo sabihin na may date kayo ni Jian?" nakangiting tanong ni Papa.
Agad naman namula ang pisngi ko. "H-hindi po!"
"Wala kang maitatago sa amin Althea. Hindi ka magaling magsinungaling."
Tinitigan ko na lang ang kinakain ko. "Pumayag na po si Jian na lumabas kami. Kaya lang hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung anong magandang activities ang pwede namin gawin."
Nadi-disappoint ako sa sarili ko. Ni isa ay wala akong alam sa hilig at gusto ni Jian. Kahit nga favorite color n'ya ay 'di ko din alam.
Paano na ito?
"Pwede ka naman tumingin sa internet kung anong magagandang lugar ang pinupuntahan ng mga kabataan ngayon sa kanilang dates," singit ni Mama.
"Tama! Agree ko sa mama mo. Sa panahon ngayon, madami nang pwedeng puntahan, kagaya ng malls, sinehan, park at restaurants."
Oo nga 'no?! Mabilis akong tumayo at lumabas ng dining area.
"Pag-uusapan pa natin ang party mo?!" pahabol ni Papa.
"Mamaya na lang po!" sigaw ko at patakbong bumalik sa aking kwarto.
Kaagad kong nilapitan ang aking laptop para maghanap sa internet ng mga lugar na pwede namin puntahan ni Jian. Isa-isang sinulat ko ang mga napili kong lugar. Pwede na siguro ito. Madaming magagandang feedback sa mga lugar na napili ko.
Kinuha ko naman ang aking cellphone at tinawagan ang opisina nina Jian.
"Chairman's office, how can I help you."
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...