Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
NAPAIRAP ako nang magtilian ang mga estudyanteng nasa loob ng aming wedding booth. May dalawang bakla na nagpapakasal at talagang feel na feel nila ang nangyayari.Naiinis ako.
Ang init-init pero narito ako sa labas at hawak ang malaking cardboard. Ramdam ko din ang pawis na tumutulo sa mukha ko. Nakita ko si Esther sa 'di kalayuan, katabi si Wayne. Sila ang nakatoka sa entrance. Mabuti pa sila, nakaupo lang at tumatanggap lang ng bayad mula sa mga nakapilang couples na gustong subukan ang aming booth. Si Wayne naman ang nagsusulat ng mga pangalan sa pekeng marriage certificate.
Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid. Masaya ngayon ang kapaligiran. Madaming decorations at iba't ibang food carts ang naghilera.
Dumukot ako ng panyo mula sa aking bulsa para magpunas ng pawis. Pasado alas diyes na ng umaga at tirik na din ang araw. Wala talagang awa sa akin ang mga kaklase ko, para na akong isda na ibinilad sa araw.
"Uminom ka muna."
Bahagya akong nagulat nang mapansin ko si Wayne na nakatayo na pala sa gilid ko. May hawak din s'yang bote ng tubig.
"Salamat," tinanggap ko iyon.
"Ako na muna ang hahawak n'yan." kinuha n'ya mula sa kamay ko ang cardboard.
Tahimik na uminom na lang ako habang pasimple s'yang minamasdan. Kahit hindi na kami gaano ka-close, hindi ko pa din maitatanggi na s'ya pa din ang Wayne na nakilala kong maalalahanin at maalaga.
Sumulyap naman s'ya sa akin. "Malakas ang hatak ng booth natin."
"Oo nga. Hindi katulad noong isang taon." nakangiti kong sagot.
Nagulat ako nang hawakan n'ya ang mukha ko. Hindi pala, pinunasan n'ya pala ng pawis ang noo ko gamit ang kamay n'ya.
"Masaya ako," mahina nyang sabi.
"Bakit? Dahil successful ang booth natin?"
Umiling naman s'ya. "Masaya ako dahil masaya ka."
Ano daw? "Mukha ba akong masaya ngayon? Nakabilad ako sa araw, ano'ng ikasasaya ko dito?"
Nang-aasar ba s'ya? Hindi na nga ako makangiti, kanina pa.
"Kamusta kayo ni Jian?"
Natigilan ako sa tanong n'ya. "Kami ni Jian?"
"Oo."
Bakit nasali na naman si Jian? "Okay lang naman."
Hindi ko naman kasi alam kung ano ang ibig sabihin ng pangangamusta n'yang iyon. Ano naman ang isasagot ko?
"Narinig ko na ikakasal na kayo."
Nanlaki ang mga mata ko saka mabilis na tinakpan ang bibig n'ya. Baka may makarinig pa sa kanya.
"Saan mo naman nalaman iyan?" nagtataka kong tanong.
"So, tama pala ako?"
Ewan ko ba kung imahinasyon ko lang na parang tumamlay ang boses n'ya. Tumango na lang ako. "Bigla n'ya akong niyaya na magpakasal na."
"I see."
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga dumadaan sa tapat namin.
"Magiging okay ka lang ba?" narinig kong tanong n'ya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Magiging okay ka ba sa mangyayari?"
Saglit akong napaisip. Kung ang tinutukoy n'ya ay ang kasal namin ni Jian, alam kong magiging okay ako.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...