Please play "Because of you" by BY2
PARANG bibigay ang tuhod ko nang buksan na nila ang dalawang pintuan, hudyat na ako na ang maglalakad papasok. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Papa dahil parang anytime ay matutumba ako sa sobrang kaba. Tila naramdaman n'ya iyon. Naramdaman ko na mahina n'yang tinapik ang kamay ko habang nakangiti."Ready?" mahina n'yang tanong.
"H-hindi ko alam Papa. Kinakabahan ako." hindi ko na itinago ang nasa loob ko. Totoo naman, kanina pa nagkakarera ang dibdib ko.
"Tumingin ka lang ng diretso sa pupuntahan mo. Mawawala ang kaba mo," nakangiti n'yang itinuro ang dulo ng aisle.
Marahan ko namang tiningnan ang itinuturo n'ya. Bagamat malayo ang kinaroroonan ko, kaagad kong nakita si Jian na nakatayo at naghihintay sa harap ng altar. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang masulyapan ko s'ya. Kasabay noon ay umalingawngaw ang kantang isa din sa paborito ko.
"Let's go," ani Papa.
Huminga ako ng malalim bago ko inihakbang ang paa ko. Ginawa ko ang sinabi ni Papa. Hindi ko inialis ang paningin ko kay Jian. Napakagwapo n'ya sa suot n'yang puting coat. Tila isa s'yang prinsipe na naghihintay sa akin. Hindi ko naman maiwasang balikan ang mga nakaraan namin. Kung paano at saan kami nagsimula.
"Hindi normal sa babae na makawala ng gamit."
Ha?
Nilingon ko ang nagsalita. Si Jian! Nakaupo s'ya sa sulok at may hawak na papel sa isang kamay.
"K-kanina ka pa ba d'yan?" hindi ko maiwasang kabahan. Kung kanina pa s'ya doon, siguradong narinig n'ya ang pag-uusap namin ni Bhea.
Hindi naman s'ya sumagot. Tumayo lang s'ya at mabagal na naglakad papalapit sa akin.
Halos manigas ang buo kong katawan. Ngayon ko lang s'ya nakita nang malapitan. Ang gwapo nya talaga! Sa mga anime ko lang nakikita ang mga ganito. Para s'yang isan g bida sa anime na nag-anyong tao.
"Next time, try to use your brain."
Napanganga ako sa sinabi n'ya. May iniabot s'ya sa akin.
"Ang n-notebook ko." wala sa loob na kinuha ko iyon mula sa kamay n'ya.
"Sala-" naputol ang pagsasalita ko nang lampasan n'ya ako.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Kung sino man ang dyosa na nagbigay sa akin ng pagkakataon na makita at makausap s'ya ng malapitan, nagpapasalamat ako sa kanya.
"Oo nga pala..."
Napalingon ako sa kanya.
"Nakakadiri ang mga sinulat mo." iniabot naman n'ya ang papel na kanina ay binabasa n'ya.
Kaagad ko iyong nakilala. Isa iyon sa mga love letters ko!
Naiwan akong nakanganga. Hindi pa din ma-process ng utak ko ang mga nangyari.
Parang kailan lang, isa lang ako sa mga babaeng nakatingin lang sa kanya mula sa malayo. Wala s'yang kaalam-alam na nag-e-exist ako sa buhay n'ya. Isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa buhay ko ay ang pinakaunang beses na nakita ko sya ng malapitan at narinig ang boses n'ya sa unang pagkakataon.
Isang libro ang nakita ko na nasa taas na hanay. Iyon ang hinahanap ko!
Pinilit kong abutin iyon pero sa kasamaang palad, hindi ko maabot. Kainis. Bakit ba hindi ako biniyayaan ng mataas na height!
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Novela JuvenilHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...