#SYLMT 72

66 13 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
        
        
MAS mabuti na ang pakiramdam ko mula nang magkausap kami ni Jian at nang dalawin ako ni Bhea. Kaya naman napagdesisyunan kong bumalik sa Unibersidad at kalimutan na lang ang mga nangyari.

"This is me, protecting the girl I love."

Hindi ko pa din maiwasan kiligin sa tuwing maaalala ko ang sinabi sa akin ni Jian. Wala s'yang kaalam-alam na ang simpleng salita na binitawan n'ya ay malakas ang epekto sa akin. Siguro, para sa kanya ay normal lang iyon.

Habang tumatagal ay nakikita ko ang isa n'yang ugali na sasabihin n'ya ang kanyang naiisip, masama man iyon o hindi. At sa tingin ko, ang mga salitang binibitawan n'ya ay mga bagay lang na tumatakbo sa utak n'ya. Pinilit kong burahin ang ngiti sa labi ko. Ayokong isipin ng mga nakakakita sa akin na nababaliw na ako.

"Hi Althea!" isang grupo ng babae ang humarang sa dinadaanan ko.

Bigla na naman kumabog ang dibdib ko. Kaagad akong umurong para tumakbo palayo pero nagsalita ang isa sa naroon.

"Ako nga pala si Vanessa, ang head ng art club," nakangiti n'yang inilahad ang kanyang kamay.

Nagtataka man ay kinamayan ko din ang babaeng nagpakilala bilang Vanessa.

"Gusto lang namin na isali ka sa art club at maging kaibigan namin," nakangiti namang singit ng kasama n'ya.

"Art club?" may clubs pala dito?

Nakangiting tumango si Vanessa. "The school director personally visited our office at sinabi n'ya na magaling ka daw pagdating sa art. Kaya naisipan namin na imbitahan ka sumali sa aming club."

Si papa? Ginawa iyon ni Papa? Nagulat ako nang biglang humawak sa akin ang isa pa nyang kasama.

"Alam mo ba na matagal ka na namin napapansin. Hindi mo naman sinabi na anak ka ng school director," nakangiti n'yang saad. "Ako nga pala si Chloe, ang dalawa pa naming kasama ay sina Mary at Rose."

Isang pilit na ngiti ang ginawa ko. Ito ang bagay na iniiwasan ko. Ang kaibiganin ako ng mga estudyante dito dahil anak ako ng may ari ng school.

"Salamat," sagot ko na lang. "Hayaan n'yo at pag-iisipan ko ang sinabi n'yo."

Nilampasan ko na lang sila para magtungo sa locker area.

Madami pang estudyante ang bumati sa akin na parang kaibigan nila ako. Mayroon pa na niyayaya ako kumain o kaya ay mag-shopping. Hindi din ako nakaligtas sa mga lalaki na bigla na lang ako pinansin. Dati-rati naman ay hindi sila nag-aabala na sulyapan man lang ako.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako nang marating ko ang locker area.
Pero kaagad din nawala ang pagod ko nang matanawan ko si Jian na nakatayo sa tapat ng kanyang locker. May hawak s'yang libro sa isang kamay habang ang kanyang kabilang kamay ay busy naman sa pagkuha ng ilang libro mula sa locker.

Napangiti ako. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa palang lalaki na hot tingnan kahit libro lang ang hawak. Para sa iba, boring kapag ganoon.

"Hi Jian!" masaya kong bati.

Sinulyapan lang n'ya ako bago ibinalik ang pansin sa kanyang ginagawa. Sinimulan ko na din kunin ang mga gamit ko para sa klase.

"Pwede ba tayong sabay kumain ng lunch?" naisip kong itanong.

"May kasabay na ako."

Napasimangot ako. "Sino?"

"Classmates," tipid n'yang sagot bago n'ya isinara ang kanyang locker.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon