Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
HINDI ko alam na may lalaki palang nag-e-exist na kahit hindi gusto ang isang babae ay ayaw pa din pakawalan."I'm not being unfair."
"Ano'ng tawag doon!" hindi ko na napigilan ang magalit. Nasasaktan ako, hindi n'ya ba maramdaman?! "Ano'ng tawag doon Jian?!!"
Naramdaman kong tumulo na din ang luha na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko na din alam kung ano ang nilalaman ng aking dibdib dahil sa halo-halong emosyon!
"Hindi mo ako gusto! Hindi mo ako mahal! Hindi na nga tuloy ang engagement natin, tapos sasabihin mo pa na bawal akong magkagusto sa iba?! Hindi ba unfair ang tawag doon!"
Ang sakit nga pala. Akala ko hindi totoo ang mga nababasa ko na masasaktan ka kapag na-reject ka. Totoo pala. Iyong tipong wala ka naman sakit sa puso pero parang binibiyak iyon at hinihiwa. Ramdam mo din sa buong katawan mo ang sakit.
"Ang tawag doon ay selfish," mahina n'yang sagot.
"Iyon! Selfish ang tawag doon! Ang selfish mo Jian! May karapatan ako magmahal ng iba! May karapatan akong magkagusto sa iba! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo! May mas higit pa sa'yo, mas may magaling pa sa'yo!" para akong tanga. Bakit ko ba s'ya iniiyakan?
Oo nga pala. Mahal ko s'ya. Kaya siguro nasasaktan ako ng ganito.
Nagulat naman ako nang tumawa s'ya. Nakakatawa ba ang sinabi ko?
"Siguro nga selfish ako Althea! Masama ba na gustuhin na sa akin lang atensyon mo? Masama ba na gustuhin na sa akin ka lang nakatingin? Ayaw kong iba ang maging dahilan ng pagngiti mo, ayaw ko din na iba ang magpapasaya sa'yo. Gusto ko ako lang!"
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Tama ba ang mga narinig ko?
"Akala ko noong una, hindi ako capable makaramdam ng ganito," seryoso s'yang nakatitig sa akin. "Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Wala akong pakialam sa mga babae na nagkakagusto sa akin. Hindi ko sila kailangan, I'm contented on what I have."
Hindi ko alam ang sasabihin. Iyon din ang akala ko sa kanya. Hindi ba at kuntento na s'yang madalas mag-isa? Dahil iyon ang kanyang ipinakita mula noong una.
"Kanina, habang sinasabi sa akin ni Lolo na pupuntahan mo si Wayne, nagalit ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako ang tipo ng tao na madaling makaramdam ng galit. Pero tangina! Ayokong mapunta ka sa iba lalo na sa Wayne na iyon!"
"T-teka lang, hindi ko maintindihan. Nagseselos ka ba kay Wayne?"
"Oo!"
Napanganga ako sa sinasabi n'ya. Hindi ko inaasahan ang isinagot n'ya. Akala ko itatanggi n'ya at sasabihan na naman ako ng kung ano-anong masasakit na salita.
"Nagseselos ako!" ulit ni Jian. "Mahirap aminin pero sinasabi ko na sa'yo. Matagal na. Naiinis ako kapag magkasama kayo ni Wayne. Lalo na kapag hindi mo napapansin na nakatitig ako sa'yo dahil nasa kanya ang buo mong atensyon."
Nakagat ko ang aking labi. Masaya ako sa narinig ko. Nagseselos s'ya. Hindi s'ya bato kagaya ng sinasabi ng karamihan. Nakakaramdam din s'ya ng selos at galit. At ako ang dahilan.
"Listen Althea, hindi ka na pwedeng makipaglapit kahit kanino. Kahit pa sa Wayne na iyon. Bawal kang magkagusto sa iba. Bawal kang ngumiti at tumingin sa ibang lalaki."
"Ang daya naman! Kaibigan ko lang naman si Wayne. Saka bakit mo ako pinagbabawalan, hindi naman kita boyfriend." gusto n'ya ba akong maging loner katulad n'ya?
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...