#SYLMT 24

80 13 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!


NAALIMPUNGATAN ako sa sunod-sunod at malakas na katok. Sino ba iyon? Ang aga naman mag-ingay!

"Natutulog pa eh!" inis kong bulong saka sumiksik sa mabangong unan na nasa gilid ko.

Parang may kamay naman na pumulupot sa itaas na bahagi ng tiyan ko at binti na dumagan sa hita ko. Ah, basta inaantok pa ako. Tutulog ulit ako. Bahala s'ya mamanhid ang kamay kakakatok.

"Patahimikin mo nga iyong maingay." nakarinig ako ng bulong sa kung saan.

"Ikaw na."

Hindi nagtagal ay nawala na ang malalakas na katok. Salamat naman!

"Wala ka ba'ng balak bumangon?!!!" isang malakas na sigaw ang nagpamulat sa akin.

Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mukha ni Jian ang una kong nakita at gahibla na lang ang layo niya sa akin. Hindi ko alam kung tulog mantika ba s'ya dahil nakapikit pa din s'ya. Iniangat ko naman ang aking ulo para makita kung sino iyong sumigaw. Hindi din naman ako makakakilos sa bigat ni Jian.

"Auntie Faye?" gulat kong sambit.

"Bawal sa pamilyang ito ang tamad. Hala! Bumangon ka diyan at magwalis ka sa labas! Bilisan mo!" iyon lang at lumabas na s'ya.

Tama ba ang narinig ko? Pinaglilinis n'ya ako? Wala ba silang katulong dito?

Naagaw ang pansin ko nang may mahinang tawa akong narinig. Nang balingan ko ay si Jian pala iyon na bagaman nakapikit ay tumatawa. Doon ko lang din napansin na may maliit na dimple s'ya sa kanang pisngi.

"If I were you, sundin mo na ang utos n'ya dahil mainitin ang ulo ni Auntie," bulong n'ya.

Bigla ko naman s'yang itinulak. "Bakit ba nangyayakap ka!"

Tumalikod naman s'ya sa pagkakahiga at parang ipagpapatuloy pa ang pagtulog. Naiinis na bumaba na lang ako ng kama.

"Alas sais pa lang ng umaga?!!" iyon ang nakita ko sa digital clock na nasa bedside table.

Labag man sa kalooban ay nagtungo na ako sa banyo para maligo at magpalit ng pambahay. Grabe naman ang tita ni Jian, walang patawad.

Bigla ko naman naalala ang eksena kanina. Magkayakap kami ni Jian! Nagbali-baligtad na naman ang bituka ko sa kilig. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng maaga kahit katabi ko ang greatest crush ko. I mean, kung ibang tao siguro, malamang napuyat na.

Matapos magsuklay ay bumaba na ako sa salas. Nadatnan ko na nagkakape si Auntie Faye.

"Good morning po," bati ko.

Tiningnan n'ya naman ako mula ulo hanggang paa.

"May problema po ba?"

"Masyadong maikli ang suot mo. Nakikita na din ang puno ng dibdib mo! Ganyan ba manamit ang babaeng ikakasal na? Mang-aakit ka ba sa labas ha?!"

Napatingin ako sa suot ko. Hindi naman maikli ang shorts ko. Hanggang tuhod nga iyon. Sa tingin ko din ay disente naman ang suot kong sando.

"Maghintay ka diyan. May ipapasuot ako sa'yo!" nagdadabog na naglakad palayo si Aunti Faye.

Bakit ba ang sungit n'ya?

Hindi nagtagal ay bumalik s'ya na may dalang damit. Walang ano-ano ay iniabot n'ya sa akin iyon at nang aking tingnan ay isang mahabang palda na may baduy na designs!

"Ayokong isuot ito Auntie!" angal ko.

"At bakit? Hindi pwede dito sa probinsya ang ganyang pananamit. Magpalit ka!"

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon