Votes and comments are HIGHLY appreciated!!!
"A-ARAY!" muntikan ko nang masipa ang nurse na kasalukuyang binebendahan ang paa ko."Sa tingin ko Althea, mga ilang araw ka din hindi makakalakad ng maayos." nilingon ko si Enzo na nasa gilid ko.
Napanguso ako. "Ang malas ko talaga."
"All done," nakangiting saad ng nurse. "Sundin mo lang ang mga sinabi ko, it should heal within couple of days."
"Teka nga!" baling ko ulit kay Enzo nang makaalis ang nurse. "Nakabalik ka na pala, bakit hindi ka man lang dumalaw sa bahay?"
"I was about to. Kaya lang, pagdating ko ng bansa madami akong kailangang ayusin. Inuna ko muna iyong condo na nirerentahan ko ngayon, pati na din ang documents ko sa pag-transfer dito."
Namamangha na tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. "Grabe Kervin, ang laki ng pinagbago mo."
Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa.
Umupo naman s'ya sa tabi ko. "Silly girl, six years din tayong hindi nagkita," ginulo pa n'ya ang buhok ko. "Ikaw, ikaw ang malaki ang pinagbago. Ang pangit mo dati pero ngayon?"
Ngumiti ako. "Ang ganda ko na ba?"
"Mas pangit ka."
Napasimangot ako sa sinabi n'ya. Naiinis na hinampas ko s'ya ng unan na ikinatawa lang naman n'ya.
"Seriously," awat n'ya sa akin. "You grew up very pretty. Akalain mo, iyong mukhang sunog na bata dati, mukhang prinsesa na ngayon."
Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Masaya ako dahil nagkita ulit kami after six years.
"Ang astig mo Kervin!" humawak pa ako sa laylayan ng manggas n'ya. "Sino ang mag-aakala na magdo-doktor ka?"
Ngumiti naman s'ya. "Well, bago ako nag-graduate ng high school, bigla ko na-realize na gusto kong maging instrumento para makatulong at makapagpagaling ng pasyente."
"Akala ko kasi gusto mo pa din ituloy ang pangarap mo dati na maging professional car racer."
Naalala ko ang mga koleksyon nya dati ng mga laruang sports car. Paulit-ulit din n'ya na sinasabi sa akin na s'ya ang magiging pinakabilis na race car driver.
Napansin ko naman na parang tumamlay s'ya. "My parents won't support me kapag iyon ang pinili ko. Saka para sa akin, isa lang iyong childish dream. After all, mga bata pa tayo nang nasabi ko iyon."
Tumango naman ako. "Dapat magpakita ka kina Mama. Tiyak na matutuwa sila kapag nakita ka nila!"
Nakangiting tumango naman s'ya. "Oo nga. Saka baka pwede na pag-usapan ang proposal mo sa akin dati."
Ano daw? Ano'ng proposal?
"Nakalimutan mo na agad? Sabi mo magpapakasal tayo paglaki natin," tumaas-baba pa ang kilay n'ya na parang nang-aasar.
Ramdam ko naman na nag-init ang mukha ko. "B-bata pa din ako ng nasabi ko ang bagay na iyon."
Tumawa naman s'ya. "Sayang, kaya nga ako bumalik dahil sa pangako mo."
Naiinis na hinampas ko s'ya. "Wag mo nga ako biruin ng ganyan!"
"Chill Ali," tawag n'ya sa childhood nickname ko. "Nagbibiro lang ako. Masyado ka naman seryoso."
Sinimangutan ko s'ya. Natatandaan pa pala n'ya iyon? Grade three pa lang kami nang sinabi ko iyon, at sa pagkakatanda ko, kaya ko iyon nasabi ay dahil sobra akong humanga sa talino at talent n'ya.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...