Votes and comments will be highly appreciated!!!
MABILIS na nagtungo ako sa locker area. Excited na akong umuwi. Madami akong naisip na gagawin. Magre-review din ako. Isang araw na lang at exams na!Kinuha ko lahat ng libro na nasa loob ng locker ko. Sa pagmamadali ay naglaglagan lahat ng laman ng locker ko. Kasama din doon ang kahon ng love letters ko para kay Jian. Lumuhod na lang ako sa sahig para damputin ang mga iyon.
"Gyeongsolhan."
Napahinto ako sa ginagawa ko. Teka, kilala ko ang boses na iyon ah! At parang deja vu! May pares na naman ng black shoes sa tapat ko.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha. Tama ang iniisip ko, s'ya nga. Nakapoker face na naman s'ya sabay tingin sa mga papel na nakakalat sa sahig.
"Are those for me?"
Nagulat ako nang lumuhod din s'ya at kumuha ng isang love letter.
"Huwag mong pakialaman iyan!" pinilit kong agawin ang hawak n'ya.
Tumayo naman s'ya at itinaas ang kamay, lalo tuloy akong nahirapan abutin iyon. Ipamukha ba sa akin na pandak ako?
"This is for me, right? Bakit mo kinukuha!"
Ano na naman ba'ng nakain ng lalaking ito?!
"Hindi ko binigay sa'yo iyan!" nagtatalon naman ako para maabot ang kamay n'ya na may hawak ng sulat ko.
"Ibalik mo iyan!!" gigil kong sigaw.
Ngumisi naman s'ya. "Abutin mo."
Binigyan ko s'ya ng warning look. "Kapag hindi mo binigay sa akin iyan, sisipain kita!"
"Kung kaya mo."
Nang-aasar na naman ba s'ya? Pinilit ko ulit abutin ang papel pero masyado talaga s'yang matangkad. Sa inis ko ay sinipa ko s'ya, na naiwasan naman n'ya kaagad.
"Jian!!!" inis kong tili.
"May lahi ka ba'ng kabayo?"
Ah kabayo pala ha! Isa ulit sipa ang binigay ko na iniwasan na naman n'ya.
Gusto ko sanang titigan ang mukha n'ya na ngayon ay nakatawa na dahil bihira lang mangyari iyon pero kailangan ko muna sagipin ang sulat ko mula sa kamay n'ya.
Ayoko nang madagdagan ang kahihiyan ko. Tinangka kong talunin ulit iyon pero sa 'di inaasahang pangyayari ay may baitang pala sa harapan ko!
Inaasahan ko nang babagsak ako sa marmol na sahig pero tila slow motion na may brasong sumalo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Jian pala ang sumalo sa akin. Napatitig ako sa mukha n'ya na ilang dangkal lang ang layo mula sa akin. Ganoon din s'ya, nakatitig din sa akin.
Ramdam ko ang pagbilis na naman ng tibok ng puso ko. Bakit ang init ng pakiramdam ko? Saka totoo ba ito? Halos yakap na ako ni Jian?
"Aherm." biglang may tumikhim sa 'di kalayuan.
Mabilis na itinulak namin palayo ang isa't isa. Inayos ko din ang nagusot kong damit. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...