Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
NANG mag-ring ang bell ay mabilis agad akong tumakbo palabas. Halos ilang estudyante din ang nabangga ko sa pagmamadali."Sorry." sabi ko sa isang babae na nabangga ko bago nagpatuloy tumakbo.
Kailangang makarating ako sa bulletin board bago pa dagsain iyon ng mga tao. Ngayon ang labas ng resulta ng acceleration exam ni Jian at gusto kong makita ang score n'ya. Natanaw ko na ang bulletin board. Medyo madami-dami na din ang naroon. Hindi lang pala ako ang nag-aabang sa result.
"Excuse me." nakisiksik ako sa nagkukumpulang babae.
Grabe. Para lang akong nasa palengke o kaya sa mall na may sale sa dami din ng tumitingin doon.
"Makikiraan po," pinilit kong sumingit sa dalawang babae na nasa harapan.
Ngayon nagpapasalamat ako dahil maliit lang ako. Kaagad ko naman nakita ang mga nakadikit na papel sa board. Kaagad kong hinanap ang department namin.
"Ayun." bahagya akong umusog sa kanan ko. Kamuntikan pa akong mapangudngod dahil sa sobrang sikip.
Tiningnan ko ang mga nakalista doon. Kakaunti lang pala ang kumuha ng acceleration exam mula sa department namin. Kamuntikan na akong mapatili nang makita ang pangalan ni Jian sa pinakauna. Tinakpan ko agad ang bibig.
Jian Park - 98.50%
"Pasado si Jian!" hindi ko napigilan na mapatalon sa tuwa.
Nagtinginan naman sa akin ang mga naroon pero wala akong pakialam. Kailangang maibalita ko kay Jian ang magandang balita. Sumiksik ulit ako para makaalis sa nagkukumpulan. Napansin ko din na mas dumami na ang mga estudyante na tumitingin.
"Phew!" buga ko nang makalabas ako sa kumpol ng estudyante.
Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung naroon si Jian. Hindi ako nagkamali, nasa 'di kalayuan s'ya at naglalakad kasama ang ilan n' yang kaklase.
"Jian!!!" tili ko sabay takbo papalapit sa kanya.
Mukha namang nagulat s'ya dahil sa reaksyon n'ya nang makalapit ako sa kanya. Namimilog ang singkit n'ya na parang nakakita pa ng multo.
"Mauna na kami p're. Nariyan na si kumander," natatawang paalam ng mga kasama n'ya.
Napangiti naman ako. Kinawayan ko pa sila habang papalayo bago muling bumaling kay Jian.
"Alam mo na ba?" excited kong tanong
"Ang ano?" bored na ulit ang mukha nya.
"Pasado ka!" nagtatalon pa ako sa harapan n'ya.
Mukha naman s'yang nahiya dahil tumingin pa s'ya sa paligid namin.
"Hinaan mo nga ang boses mo," pagsusungit n'ya. "Para kang bata."
Hindi ko naman pinansin ang pagsusungit n'ya. "Narinig mo ba ang sinabi ko? Pasado ka sa acceleration exam."
Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. "Iyon lang ba ang sasabihin mo?"
"Hindi lang iyon! Ikaw pa din ang highest!" nagtatalon ulit ako sabay yakap sa kanya.
"Lumayo ka nga sa akin." pilit naman n'yang kinalas ang kamay ko.
Eh! Ano ba namang reaksyon iyan? Hindi man lang ba s'ya masaya? Napanguso ako nang tuluyan n'yang kalasin ang braso ko na nakayakap sa kanya.
"Hindi ka ba masaya?" maktol ko.
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Novela JuvenilHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...