#SYLMT 34

67 11 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!

"LOLO!" sinalubong ko si Mr. Park na kadarating lang. Inabot ko agad ang dala n'yang paper bags.

"Salamat sa pagbabantay sa apo ko. Kamusta na nga pala s'ya?"

Nilingon ko naman si Jian na natutulog ulit.

"Nabawasan na po ang pagsusuka n'ya. Saka sabi n'ya, medyo okay na daw ang tiyan n'ya."

"Mabuti naman kung ganoon. Dumaan nga pala ako dito para dalhan kayo ng pagkain."

Iyon pala ang laman ng paper bag.

"Babalik na ako sa opisina, ikaw na muna ang bahala sa apo ko ha?"

Nakangiti naman akong tumango. "Opo."

Nang makaalis si Lolo ay saka ko inilabas ang mga pagkain na dala n'ya. Sinulyapan ko din si Jian, hindi ko alam kung gigisingin ko s'ya para kumain.

"Jian," naupo ako sa gilid n'ya. "Kain ka muna para makainom ka na ng gamot."

"Hmmm." tumagilid lang s'ya ng paghiga.

Mamaya na nga lang. Hahayaan ko na muna syang magpahinga. Narinig ko naman na nag-ring ang cellphone ko. Si Bhea ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko.

"Papasok ka na ba?" halata sa boses ni Bhea na kagigising lang. "Pakisabi naman sa prof natin na hindi ako makakapasok."

Lumabas muna ako ng silid ni Jian. "Hindi din ako makakapasok eh."

"Bakit? Tinamad ka na naman."

"Nasa ospital kasi si Jian, binabantayan ko," bulong ko.

"Ano'ng nangyari?"

Saglit akong nag-isip kung paano sasabihin na ang niluto ko ang dahilan ng pagkaka-ospital ni Jian.

"K-kasi, sumakit ang t-tiyan ni Jian." nahihiya kong sagot.

"Hala! Ano ba'ng nakain nya-teka, parang alam ko na."

Napairap naman ako nang malakas s'yang tumawa sa kabilang linya.

"Kaibigan talaga kita Bhea!" inis kong sigaw.

"Alam mo," tawa pa din s'ya ng tawa. "Ikaw ang magiging dahilan ng kamatayan ng darling mo." at tumawa na naman s'ya.

Grabe talaga s'ya mang-asar. Akala naman n'ya wala akong alam kung kanino n'ya ibinigay ang niluto n'ya.

"Sige tawanan mo ako Bhea, akala mo ha? Alam ko kung kanino mo ibinigay ang niluto mo!"

Tumigil naman s'ya sa pagtawa na ikinangiti ko.

"A-ano'ng sinasabi mo ha? Inuwi ko kaya ang niluto ko."

Ako naman ang tumawa. "Lokohin mo sarili mo. Nakita ko na kinakain ni-" pabitin ko.

Halos mailayo ko sa aking tainga ang cellphone ko nang tumili s'ya ng pagkalakas-lakas. "Altheaaa!"

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa na ilihim sa akin na gusto mo si Lorenz, sa tingin ko naman bagay na bagay kayo," pang-aasar ko lalo.

Saglit na tumahimik s'ya.

"Bhea?"

"T-tinatawag na ako ni Mommy. Magkita na lang tayo bukas."

"Teka lang!" pero end tone na ang aking narinig.

Sige lang. Iwasan mo ako ngayon, bukas na lang kita tatanungin.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon