#SYLMT 26

84 11 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!
           
          
Wayne's POV

TEN minutes na lang bago magsimula ang klase pero wala pa din ang hinihintay ko. Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng room pero ni anino n'ya ay hindi ko nakita. Napatuwid ako ng pagkakatayo nang matanawan ko ang kaibigan ni Althea na may kasamang lalaki.

"Bumalik ka na nga sa classroom n'yo Lorenz!" narinig kong sigaw n'ya sabay hampas sa lalaking tinawag n'yang Lorenz.

"Matapos kitang tulungan magreview, gaganyanin mo na ako? Wala ka talagang utang na loob ah!"

"Sumbatan ba? Sino ba ang nag-offer, 'di ba ikaw?!"

Mukhang hindi nila ako napapansin dahil dito pa sila sa tapat ko nagsisigawan. Tumikhim ako para ipaalam na may ibang tao sa paligid nila.

"Wayne!" gulat na bulalas ni Bhea sabay tulak sa kanyang kasama. "Bakit narito ka pa sa labas?"

"Hinihintay ko si Althea," sagot ko.

"Wala pa s'ya?"

"Nasaan si Thea my loves?" singit naman ni Lorenz.

"Lumayas ka na nga Lorenz! Wala dito si Thea kaya wala kang masisilayan!"

Napaisip ako. Bakit wala pa din si Thea hanggang ngayon? Late lang ba s'ya?

"Teka," nagulat ako nang biglang bumaling sa akin ang lalaking kasama ni Bhea. "Pamilyar ka ah."

Tipid naman akong ngumiti. Pamilyar din kasi ang mukha n'ya.

"Natatandaan na kita! Hindi ba ikaw iyong muntikan nang makaagaw ng rank one kay Jian noong fourth year high school?!"

Hindi ako umimik.

"Tama ikaw nga iyon! Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Dito na s'ya sa section namin," singit naman ni Bhea. "Galing s'ya sa section one, kaya siguro pamilyar s'ya sa'yo!"

"Kaya pala. Teka, huwag mong sabihin na bumagsak ka kaya ka narito ka na?"

Bakit ba ang daldal n'ya, kalalaking tao? "Nag-request ako lumipat dito." sagot ko na lang. 

"Pwede pala iyon? Ano namang dahilan mo?"

"I think its not your business to know," sagot ko na lang bago ko sila tinalikuran.

Hindi pa din mawala sa isip ko si Althea. Dapat yata ay sinundo ko na lang s'ya kanina.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. I fished it out from my pocket before seating down. There's two messages from an unknown number.

"Good." nakangiti kong bulong ng mabasa ko ang mga mensahe.

"Pasensya ka na sa unggoy na kasama ko kanina ha?"

Napaangat ang aking tingin. Naupo na din si Bhea sa sarili n'yang silya.

"Sira ulo talaga ang isang iyon, gusto na din magpalipat sa section na ito para araw-araw daw n'yang makasama si Althea."

"Bakit naman?" pinagmukha kong interesado ang sarili ko.

"Matagal nang patay na patay ang unggoy na iyon kay Althea. In my opinion, wala s'yang pag-asa. Iba kasi ang gusto ng kaibigan ko."

Now that really caught my attention.

"Naku, kapag lumipat talaga s'ya dito makakatikim na talaga s'ya. Masisira na ang araw ko."

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon