#SYLMT 27

76 12 0
                                    

Votes and comments will be highly appreciated!!!


Althea's POV

"ILAGAY mo ulit sa basket," ani Jian sabay bato ng hinukay n'yang kamote.

Oo. Literal na ibinato n'ya talaga. Hindi naman ako nakahanda kaya hindi ko iyon nasalo, bumagsak pa iyon sa paa ko.

"Aray!!" daing ko. Masakit naman talaga! Ang laki kaya ng kamoteng ibinato n'ya.

At itong lalaking ito tiningnan lang ako saglit bago ipinagpatuloy ang ginagawa n'ya.

"Wala man lang pakialam," parinig ko habang dinadampot ang kamote.

"Kasalanan ko ba'ng tanga ka."

Nanlait na naman. Namumuro na talaga s'ya. Matapos nyang nakawin ang first kiss ko, hindi pa din n'ya magawang maging sweet kahit konti man lang!

May bigla naman akong naisip. Nakangiting nilapitan ko s'ya sabay hawak sa kanyang balikat.

"Jian," pagpapapansin ko.

Bigla naman n'yang tinabig ang kamay ko. "Ano na naman ba?"

Napanguso na naman ako. See? Masungit pa din.

"Tutal naman wala ka pang balak umuwi, pwede mo ba akong igala dito sa probinsya n'yo?"

"Ano na naman ba ang naiisip mo?"

Muntik ko nang mabitawan ang kamote na iniabot n'ya. Napaka-harsh n'ya talaga!

"Ang boring naman kasi dito. Wala kayong TV. Akala ko ba mayaman kayo, bakit hindi mo bilhan ang tita mo ng TV at washing machine."

Umayos s'ya sa pagkakatayo bago masungit na humarap sa akin. "Bored ka na? Magbasa ka ng libro. O di kaya ay umuwi ka at tulungan mo doon si tita."

"Ayaw ko nga! Baka paluin na naman n'ya ako kapag nagkamali ako!"

"Magtiis ka kung ganun." bumalik na ulit s'ya sa ginagawa n'ya.

Hinila ko naman ang dulo ng damit n'ya. "Sige na. Parang date na din natin ito." tinabig na naman n'ya ako saka naglakad palayo.

"Hoy! Sige na kasi. Sobrang bored na ako!" sumunod pa din ako sa kanya.

Halos matapilok na ako sa mga buo buong lupa mula sa pinaghukayan namin ng kamote. Isama pa na may ilang matatalas na damo na sumasabit sa mahaba kong palda.

"JIAN PARK!" malakas kong sigaw na nakapagpatigil sa kanya. Ganyan nga, makinig ka sa akin.

"Umuwi ka na. Hindi kita idi-date." maangas na sabi n'ya sabay dedma ulit.

Pinapauwi na n'ya ako? Akala ko ba hindi muna kami babalik sa amin? Tiningnan ko lang s'ya. Bakit ang sungit n'ya lalo ngayon. Naiirita ba s'ya sa akin? Nagsisisi ba ba s'ya sa paghalik sa akin?

"S-sige. Mag-eempake lang ako." malungkot kong sabi bago tumalikod.

Pwede naman sabihin na lang n'ya na ayaw n'ya akong i-date huwag lang itaboy pauwi.

"Babo!"

Nilingon ko s'ya. "Ikaw ang baboy!"

Nagpagpag s'ya ng lupa mula sa kamay bago lumapit sa akin sabay pitik sa aking noo. "Kay tita kita pinapauwi, hindi sa inyo."

"Linawin mo kasi!"

Napansin ko naman na parang nangingiti s'ya.

"Tara na. Bitbitin mo na ang basket. Madami na naman tayong nakuha."

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon