Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
Bhea's POVNAPABUNTONG hininga ako matapos ang aming pag-uusap ni Tito Greg, ang daddy ni Red. Hindi ko alam kung nag-aalala ba s'ya o hindi para sa kanyang anak. Sa buong pag-uusap namin sa cellphone, nanatili lang na monotone ang boses n'ya. Ni hindi kababakasan ng pag-aalala o kahit anuman. Ganoon ba talaga ang tao sa politika?
Lumingon ako kay Red na kalalabas lang ng banyo. Nakabihis na din s'ya. Ngayon ang araw na idi-discharge namin s'ya sa ospital, kasalukuyan na din inaayos ng tauhan ni Tito Greg ang lahat.
"Katatawag lang ng daddy mo," sabi ko.
Hindi naman s'ya umimik. Dinampot lang n'ya ang kanyang tablet mula sa kama at may kung ano'ng binasa doon.
"Hoy! Nakikinig ka ba?!"
Ang lakas naman ng loob n:ya hindi ako pansinin!
"Alam ko na kung ano ang sinabi ni Dad," tugon n'ya. Wala din kahit ano'ng emosyon sa kanyang boses.
"Ilang araw ko nang gustong itanong ito sa'yo," tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. "Ano ang naisipan mo at lumaklak ka ng napakadaming sleeping pills?!"
"Kung makapasalita ka, para kang nag-aalala," he even scoffed.
Kumulo naman ang dugo ko. Hindi ko talaga matagalan ang attitude ng kulugong ito.
"Hindi ako nag-aalala sa'yo!" sigaw ko. "Iniisip ko lang kung anong dahilan. Hindi ko akalain na tanga ka."
Sumulyap naman s'ya sa akin ng masama. "Lumalabas na naman ang pagiging balasubas mo, fake princess."
Nakaramdam ako ng galit sa sinabi n'ya. Ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong tinatawag ako na peke! But I won't let him see that he's affecting me. Sa tagal na naming magkasama, alam kong ikatutuwa n'ya lalo kapag napikon ako.
"Ang katulad mo ay wala nang pag-asa," maanghang kong saad. "Sa ating dalawa, ikaw ang peke. Mukha ka din pera at higit sa lahat, masama ang ugali mo."
Tinaasan naman n'ya ako ng kilay. Mas lalong kumulo ang dugo ko ng tumawa s'ya ng malakas. "Bilib na talaga ako sa'yo Bhea," nakangisi n'yang sagot. "Do you honestly believe that you're much better than me? Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo?"
"Ikaw! Ang buo mong pagkatao. Bakit ba ikaw pa ang napili ng magulang ko? Kung malalaman lang nila ang tunay mong kulay, siguradong hindi sila papayag na makasal ako sa'yo."
Tumayo naman s'ya at lumapit sa akin. Pinilit kong hindi matinag sa aking kinatatayuan at nakipaglabanan ng titig sa kanya.
"Iyon pa din pala ng issue dito," seryoso n'yang tugon. "Ano ba ang akala mo? Na gusto ko din matali sa katulad mo na walang class, walang finesse at balasubas na babae?"
Napataas ang gilid ng labi ko sa mga sinabi n'ya. Ano daw? Walang class? Walang finesse?
"To be honest with you, malayo ka sa babaeng gusto ko. Kabaligtaran mo ang standard ko."
Sa totoo lang, kanina ko pa s'ya gustong bigyan ng flying kick. Kanina ko pa s'ya gustong bigwasan at paduguin ang kanyang bibig.
"Napakabastos mo. For your info, hindi din ikaw ang tipo ko. Malayong-malayo ka sa standard na gusto ko!"
"Ang gusto mo yata ay iyong katulad ng lalaking nagkaroon ng ugnayan sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng ibig n'yang sabihin?
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Dla nastolatkówHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...